Saturday, April 4, 2009

april 4 2009 abante tonite

Adelantadong vice presidentiable
(Rey Marfil)

Sa halip na makakuha ng suporta at ikatuwa ang maagang pagdeklara, pinagtatawanan ng sariling kasamahan sa organisasyon ang isang nagpakilalang ‘vice presidentiable’ dahil umiral ang pagiging adelantado at ‘feeling super-sikat’, katulad ng pagkakalarawan sa sarili nito.

Sa report nakalap ng TONITE Spy, hindi lamang nagtaasan ang kilay ng mga kasamahan sa organisasyon matapos magpaka-adelantado ang isang nagpakilalang ‘vice presidentiable’, bagkus nasamid habang kumakain ng singaw na popcorn sa harap ng telebisyon.

Kahit saang kuwentuhan, mapa-Spy Barbershop o kaya’y Chupopoy’s Manukan and Restaurant, pinagtatawanan ang pagka-adelantado ng nagpakila­lang vice presidentiable dahil walang sinumang kasamahan sa organisasyon ang nagkaka-interes dito.

Kaagad pinagduduhan ng mga naglipanang kurimaw sa Pasay at Pampanga ang senaryong pinaghahandaan ng nagpakilalang vice presidentiable ang tulu­yang paglilipat-bakuran at inu­unahan lamang ang posibleng pagka-itsapuwera sa selection process, lalo pa’t bad trip sa kanya ang mga kasa­mahan sa orga­nisasyon.

Kamuntikan pang mag­lupasay sa kusina habang nagluluto ng binatog ang isa sa kapitbahay ng kasamahan sa organisasyon ng nagpakilalalang vice presidentiable dahil suntok sa buwan kung makakuha ito ng suporta sa mga katropa nito.

Bagama’t hindi kalbo, maraming napatawa sa loob ng organisasyon ang nagpakilalang vice presiden­tiable nang ideklara nito ang sarili bilang isa sa conten­der sa 2010 national election, ga­yong wala pang napag-uusapan ang mga ito, as in nauwi sa ‘I nominate myself’ ang drama ng mokong.

Puntirya ng adelantadong vice presidentiable ang bendis­yon ng kaibigan at makuhang running mate, hindi ang ‘green light’ na mag­mumula sa sariling orga­­nisasyon kung kaya’t ipinaramdam ang pagli­lipat-bakuran at gagamitin ang pagka-itsapuwera para magmukhang inapi ng mga kasamahan.

Clue: Mahilig mag-solo flight ang adelantadong vice presidentiable at beterano sa gimik, patunay ang paggamit sa isang kapamilya para masungkit ang inaambisyong posisyon sa pamahalaan. Ito’y saksakan ng kunat at balitang naka-asembol sa mestisahing staff. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

1 comment:

mgakurimaw said...

sino siya...............