Monday, April 20, 2009

april 20 2009 abante tonite

Lady solon reyna ng elevator
(Rey Marfil)

Kung meron napaka-gentleman, saksakan naman ng siga sa loob ng elevator ang isang bruhildang miyembro ng Kongreso, patunay ang pag-astang reyna at pag-aari ang buong gusali kapag umaakyat sa kanyang kuwarto gayong pagkakautang ang posisyon sa publiko.

Makailang-beses nasaksihan ng TONITE Spy kung paano magpaka-reyna sa loob ng elevator ang isang lady solon, katulad ang pagtangging magkaroon ng kasabay na sinumang empleyado, gayong kahit koronang tinik, hindi nababagay sa ulo ng mokong.

Bagamat hindi ‘crowned queen’ at wala sa lahi ang pagkakakaroon ng dugong bughaw, astang-reyna ang bruhildang lady solon kapag nakakatuntong ng office ito, animo’y nabili ang buong gusali dahil bad trip kapag meron gustong makisabay.

Sa nagdaang taon, halos iisa ang eksena sa loob ng elevator kapag pasa­hero ang lady solon, ito’y iniiwasan ng mga empleyado at awtomatikong pinapatakbo ng elevator girl kapag nakasakay ito.

Higit sa lahat, awtomatiko din isinasara ng elevator girl ang pintuan kahit dumaan ng 1st floor at iba pang palapag dahil nagagalit ang lady solon, as in nagtatayuan ang mala-electric wiring na hairdo kapag merong nakikisabay, paakyat sa opisina nito.

Lahat ng masamang katangian ng bruhildang lady solon, ito’y kabaliktaran sa karamihan ng mga mambabatas dahil napaka-gentleman at mapagbigay sa sinumang nakakasabay paakyat ng gusali.

Dahil naging routine ng bruhildang lady solon ang pagiging reyna sa loob ng elevator, mabibilang sa darili ang mga empleyadong nakikisabay paakyat ng gusali at madalas nabibiktima ang mga bagong salta o bumibisita sa Kongreso dahil nasisita ng mga bodyguard nito.

Para maiwasang magalit at mapraning ang kanilang amo kapag merong sumasabay sa elevator, mismong bodyguard ng bruhildang lady solon ang nakaabang sa pintuan at maagap na hinaharang ang sinumang nagtatangkang pumasok.

Clue: Hindi matatawaran ang husay ng lady solon sa paglikha ng batas subalit bad trip ang mga kau­ring mambabatas dahil ‘bobo’ ang tingin sa bawat isa. Ito’y meron letang “N” sa kabuuan ng apelyido, as Numero unong balimbing at napakahusay na kakampi basta’t nakikinabang ang buong pamilya at depende sa bigay ng MalacaƱang. Kung sino ang lady solon, aba­ngan kung magre-reeleksyunista. (www.mgakurimaw.blogspot.com)