Kung meron dapat sisihin sa natitikmang kritisismo sa publiko, ito’y sariling kapalpakan ng isang miyembro ng Kongreso dahil sobrang sawsaw sa bawat istorya at inaakalang tauhan ang mga mediamen na nakakausap kaya’t napapaaway nang live.
Hindi maiwasang magtaasan ng kilay ng mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy matapos umastang station manager ng isang kilalang radio station sa Metro Manila ang daldalerong solon, patunay ang ginawang pag-sermon sa anchor person.
Tinawagan ng lady anchor ang daldalerong solon upang hingan ng komento at maipagtanggol ang sarili sa natitikmang pag-atake sa kamay ng mga kaporal ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, maging sa sariling kasamahan at iba pang sektor ng lipunan.
Taliwas sa inaasahan ng lady anchor, naglitanya sa himpapawid ang daldalerong solon, animo’y block timer o nagbabayad ng oras sa radio station dahil kulang na lamang mag-programa, as in kamuntikan pang inagawan ng trabaho ang komentarista.
Ang matinding revelation sa lahat, nagawa pang awayin sa ere, as in on air pinag-uupakan ng daldalerong solon ang mga kalaban at nadamay ang lady anchor, gayong wala namang kinalaman ang komentarista sa natitikmang pagbatikos sa hanay ng ilang sektor ng lipunan.
Tanging nakakatawa lamang, hindi umubra ang mala-armalite na bunganga ng daldalerong solon sa lady anchor matapos resbakan at harap-harapang supalpalin ang paninisi, maging ang ginawang pag-sermon sa himpapawid, as in katakut-takot kaya’t mabilis din nag-I am sorry sa kausap.
Kapag nasusukol ang daldalerong solon sa ginagawang paninisi sa media, kaagad nag-ala Pontio Pilato ang kumag dahil mabilis naghuhugas ng kamay at walang ibang depensa kundi i-etsapuwera sa mga inaakusahan ang kausap at itinuturo ang ibang reporter na bias ang komentaryo sa isyu.
Clue: Mula sa “Kapuso network” ang lady anchor nagsisimula sa letrang “R” habang pang-Guinness Book of Record sa katabilan ang daldalerong solon at madalas nabubulol sa interpellation at debate dahil nauunahan ng isip ang buka ng kanyang bibig. Nagiging letrang “M” initial ng kanyang campaign slogan at commercial kapag binaliktad, as in Mulaway. (www.mgakurimaw.blogspot.com)
2 comments:
hulaan nyo nga.... baka umiyak lang
replica bags blog replica bags turkey replica bags toronto
Post a Comment