Wednesday, April 15, 2009

april 15 2009 abante tonite

Solon nagselos sa pagpapakasal ng ex
(Rey Marfil)

Sa halip na ikatuwa, tamang-selos ngayon ang isang matapobreng lady solon matapos maba­litaang binabalak pakasalan ng dating boypren ang bagong karelasyon, patunay ang ginagawang pang-iintriga gayong meron ng sariling buhay ito.

Bagama’t matagal nang nag-asawa, halos ‘ma­matay’ sa selos at ing­git ang matapobreng lady solon nang mabalitaang lalagay sa tahimik ang ex-boyfriend at walang ibang masuwerteng babae kundi ang kasalukuyang karelas­yon, as in pinagsisihan kung bakit nag-break ang mga ito.

Nasaksihan ng TO­NITE Spy kung paano kaiinggitan ng matapobreng lady solon ang karelasyong bebot ng ex-boyfriend ngayong nagkakalinaw ang pagmartsa patungo sa altar, patunay ang ginawang pang-iintriga sa harap mismo ng mga reporter at kasama­hang mambabatas.

Bagama’t walang announcement at hindi pa naman napag-uusapan ng bawat pamilya ang pagpapakasal o wala pang pa­mamanhikan nagaganap, animo’y spokesman at ‘wedding planner’ ng mag-syota ang matapobreng lady solon.

Ang rason, mismong matapobreng lady solon ang nagkukuwento sa nalalapit na pag-iisang dibdib ng mag-syota at me­ron pang nalalamang ‘wedding reception’ ang kumag, gayong deny to death ang ex-boyfriend sa isyu ng pagpapakasal.

Sa harap ng mga kasamahang mambabatas, ikinuwento ng matapob­reng lady solon ang nakatakdang pagpapaka­sal ng ex-boyfriend bago sumapit ang 2010 elections, partikular sa kila­lang personalidad na ka­relasyon nito.

Ang nakakatawa lamang, sadyang likas sa matapobreng lady solon ang pagiging spoiled brat o bratinela dahil walang pakialam sa damdamin ng kausap at kaharap, as in patay-malisyang ikinukuwento ang pagpapakasal ng ex-boyfriend sa isang kasamahan na naunang nakarelasyon ng bebot.

Hindi naman kinagat ng mga kurimaw ang senar­yong ‘patay-malisya’ ang matapobreng solon sa pagkukuwento dahil likas sa kumag ang pagiging alaskador at makailang-beses nang napatunayang pinagseselosan nito ang babaing karelasyon ngayon ng kanyang ex-boyfriend, kung kaya’t pinaniniwalaang sinadya ang pagkakataon para asarin ang kasama­han na naunang nakare­lasyon ng bebot.

Clue: ‘Mag-Kuya’ ang ex-boyfriend ng matapobreng lady solon at kasamahang solon, as in unang naging girlfriend ng kasamahang solon ang napabalitang pakakasalan ng ex-boyfriend ng matapobreng lady solon. Kung senador o kongresista, ipagtanong sa mga taga-Dos, maging sa mga ‘dayuhang pulis-patola’ na nagkunyaring ‘dugong-bughaw’. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

3 comments:

mgakurimaw said...

ang makakahula, may libreng bati sa kolum at hulaan blues.... hahaha.. mag-iwan lang ng name...

Anonymous said...

Domestic Diva matter of factly says you are referring to Jamby and Mar, Noynoy and Korina, and Mar and Korina :-)

Paul said...

jamby at pia! Kung sino ang lalaki sa dalawa, kayo na bahala.