Tuesday, April 28, 2009

april 28 2009 abante tonite

Arroyo vs Cayetano: 4-4, minus 1 sa series!
Rey Marfil


Sa pagdami ng Arroyo sa Lower House, bakit naka-zipper ang bunganga ng katukayo ni Joselito Cayetano gayong napaka-busy na umaktong ‘spokesman’ ni Manny Villar Jr., sa ethics probe, maliban kung napagod sa kakakahol o takot makita sa salamin ang sariling buntot?

Sa simpleng explanation, walang pinag-iba ang pagdami ng Arroyo at Cayetano sa Kongreso dahil deadlock o tabla sa 3-3 score, as in ngayon lamang nakalamang ng isang puntos ang pamilya ni Mrs. Arroyo. Katulad ng basketball game, mala-buzzer-beater sa natitirang 9 months na pagrereyna ni Mrs. Arroyo ang Supreme Court (SC) ruling, aba’y pasok ang huling tira at panalo ang First Family.

Suriin ang bawat numero, kung dalawang anak at dalawang presidential in-laws ni Mrs. Arroyo ang nakaupo sa Lower House, ganito rin ang sitwasyon ng Cayetano, as in isang malaking ‘family affair’, aba’y mala-Sharon Cuneta at Judy Ann Santos sa pelikulang ‘Magkapatid’ ang eksena sa session hall.

Mabuti na lang, hindi nagpang-abot ng amang si Senador Renato ‘Companero’ Cayetano na nasangkot sa P80 milyong BW scandal kundi kulang na lamang, pati driver at yaya ng Cayetano family maging Senate employee. Ibig sabihin, hindi rin patas na isentro sa Arroyo ang pagkuwestyon sa political dynasty lalo pa’t maraming pulitiko sa Kongreso ang magkakamag-anak at magkauri.

Si Taguig/Pateros Congw. Lani Cayetano, ito’y misis ng katukayo ni Joselito Cayetano at seat mate ang nakakatandang kapatid -- si Senadora Juliana Pilar ‘Pia’ Cayetano sa Senate. At kapag idinaan sa alphabetical at walang ‘cheating arrangement’ sa Congress, iisang lamesa rin ang ‘Arroyo brothers’ -- sina Mikey at Datu, katabi ang dalawa pang “Arroyo siblings’ -- ang kapatid ni FG, sina Iggy at Marilou.

Ang pinag-iba lang, isang Cayetano ang pa­kalat-kalat sa Congress at asahan ding tatakbong congressman ang isa pang kapatid ni Joselito Cayetano sa 2010 dahil magmi-Mayor si Lani sa Taguig. Kaya’t kapag nagkaanak si Pidro, asahang ito’y mag-SK chairman kapag nag-18 ito!

Sabagay, hindi kaila­ngan ng maraming Arroyo sa Se­nate, maliban kay Se­na­tor Joker nanindigang kamag-anak si Jose Pidal kahit walang ‘first blood affi­liation’ dahil nagkalat sa hall­way ang mga spokesman at tagapagtanggol ng First Family.

Hindi natin babanggitin ang pa­ngalan suba­lit mas masahol pa sa lehitimong kapatid, anak o kaya’y hipag ni Mrs. Arroyo kung dumepensa ang ibang senador. Subukan n’yong huba­rin ang kanilang Amerikana at Barong, aba’y naglalakihang letra ng ‘Arroyo’ ang naka­pinta sa kanilang costume dahil malaking negos­yo ang pulitika rito!
***
Napag-usapan ang political dynasty, si Bukidnon Cong. Joey Zubiri, ito’y kapatid ni Senator Migz at tatay ni Senador Chiz si Cong. Salvador Escudero. Kung nanalong senador ang matandang Escudero noong 2004 election, sa malamang binubuliglig ngayon si Chiz ng mga kritiko dahil magpapang-abot sa Senate ito, katulad din ni Senador Nene Pimentel kung naupo si Atty. Koko.

Anyway, substitution ang naganap sa mag-amang Escudero noong 2007 at walang pinag-iba sa mag-amang Biazon nga­yong 2010, aba’y napaaga ang deklarasyon ni Senador Pong Biazon, kapalit ng kanyang anak -- si Muntinlupa Cong. Ruffy Biazon na tatakbong senador. Ang tanong lamang: manalo kaya ang mag-amang Biazon?

Kaya’t hindi nakakagulat kung bakit namamaos sa kadedepensa ang katukayo ni Joselito Cayetano kay Manny, aba’y kapareho ng sitwasyon ang dalawa, hindi ba’t esmi ni Manny si Las PiƱas Congw. Cynthia Villar. At parehong na-ethics sina Cayetano at Villar, magkaiba nga lamang ng House! (www.mgakurimaw.blogspot.com)