Monday, April 6, 2009

april 6 2009 abante tonite

Manyakis na ex-cabinet official, sumailalim sa marriage counseling!
(Rey Marfil)

Hindi nagtatapos ang kuwento sa simpleng pag-I’m sorry ng isang dating gabinete sa harap ng mga tauhan dahil sa ginawang kamanyakan sa isang magandang staff matapos sumailalim sa marriage counseling, kasama ang kanyang misis.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, bago nag-ala Gloria sa ‘Hello Garci scandal’ si ex-Cabinet Secretary, ito’y napraning matapos umikot sa text messages ang pangmamanyak sa magandang staff at lumutang ang senaryong kakasuhan ng pamilya, lalo pa’t maimpluwensiya at angkan ng mga abogado de kampanilya ito.

Sa tindi ng naramdamang takot at ‘pagka-aning-aning’ ni ex-Cabinet official, ito’y kaagad tumalilis, as in umeskapo patungong Amerika, kasama ang kanyang misis, kalakip ang pangambang maeskandalo at habulin kapag sumambulat sa media ang ginawang kabulastugan.

Ang nakakatawa lamang, kinasangkapan ni ex-Cabinet official ang isyung sasailalim sa marriage counseling kung kaya’t kailangang mag-file ng vacation leave.

Makalipas ang ilang linggo, gamit ang rasong sumailalim sa marriage counseling sa Amerika, bumalik si ex-Cabinet official at mistulang nahimasmasan sa ginawang kamanyakan dahil kaagad hinarap ang buong pamilya ng babaing pinaghihipuan, as in humingi ng meeting upang humingi ng tawad, kasama ang misis nito.

Sa harap ng pamilya ng babaing minanyak matapos paunlakan ang hininging dinner, kasama ang kanyang misis, nag-ala US President Bill Clinton na nasangkot sa elicit affair kay Monica Lewinski si ex-Cabinet official para ihingi ng paumanhin ang pang-aabuso at hindi mapigilang pagka-uhaw sa laman.

Naging mapagpatawad naman ang pamilya ng babaing minanyak ni ex-Cabinet official subalit humingi ng kondisyon, kabilang ang paghingi ng ‘sorry’ sa harap ng mga empleyado at aminin ang ginawang kabulastugan.

Katulad ng inaasahan, humingi ng sorry si ex-Cabinet official sa mga tauhan, kasabay ang pagbibitiw dahil nabigyan ng panibagong puwesto.

Clue: Hindi matatawaran ang husay ni ex-Cabinet official subalit mahina ang pagtitimpi sa init ng katawan, patunay ang pagpatol sa anak ng kanyang kumpare kaya’t nasasapak sa loob ng comfort room. Ito’y meron letrang ‘M’ sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Manyakis. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

1 comment:

mgakurimaw said...

ipang pang clue: balimbing at iniwan si erap