Friday, April 3, 2009

april 3 2009 abante

Sustento sa anak, tinitipid

Kung anong dami ng perang naisusubi at kinita sa gobyerno, kabaliktaran lahat sa sustentong natatanggap ng nag-iisang anak ng isang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, patunay ang pagkakuripot at mala-tiyaning halagang natatanggap nito

Bagama’t kayang buhaying mag-isa ng ina ang anak kahit walang suporta si undersecretary, hindi maiwasang maawa ni Mang Teban sa bata lalo pa’t nag-iisang tagapagmana at nagdadala sa apelyido, as in lehitimong anak at mayaman ang opisyal.

Hiniwalayan ni Usec ang kanyang misis matapos ma-in love sa sariling staff na inarkila, partikular sa isa sa tatlong babaeng umaastang ‘Charlie’s angel’ sa kanyang opisina.

Hindi maayos ang pagkakahiwalay ng mag-asawa at nauwi sa usapang magbibigay ng sustento si Undersecretary subalit ‘nakaka-iyak’ ang buwanang parating sa nag-iisang anak dahil pambayad lamang ng electric bill ang halaga gayong sandamakmak ang kinikita at buhay-reyna ang kanyang kabit o kinakasama.

Halos barya lamang ang buwanang sustentong ibinibigay ni Usec sa nag-iisang anak, patunay ang P10 libo kada buwan gayong sandamakmak ang salaping kinita at naususubi sa Malacanang at gumagastos ng malaki sa foriegn trip, maging sa pagtatambay sa mga night club.

Maliban dito, saksakan din ng takaw sa pagkain si Usec at lumalabas pang bengkong lamang ang P10 libong sustento sa kanyang anak lalo pa't libu-libo kung gumastos sa pananghalian at hapunan kaya't nabansang "Boy Tsibog" ng Malacanang.

Pintahan n’yo na: Neverheard ang pangalan ni Undersecretary subalit sobrang lakas sa MalacaƱang at napasok lamang sa trabaho dahil kalaro ng basketball ang isa sa anak ni Mrs. Arroyo. Ito'y meron letrang "C", as in corrupt.(www.mgakurimaw.blogspot.com)

1 comment:

mgakurimaw said...

sige nga kilalanin nyo si usec...