Tamang plano! | |
REY MARFIL Magandang marinig ang official statement ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi nagkakaisang posisyon ng grupo ang panawagang civil disobedience ng ilang obispo laban sa pamahalaan dahil sa pagsuporta ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino sa panukalang responsableng pagpapamilya. Malinaw ang mensahe ng mga kaparian: “The CBCP does not have any official stand regarding civil disobedience. We did not discuss what action to take on civil disobedience,” alinsunod sa kalatas ni CBCP President at Tandag Bishop Nereo Odchimar. Umaasa ang inyong lingkod, sampu ng naglipanang kurimaw sa labas ng Malacañang, na tututukan na lamang ng mga obispo ang kanilang trabaho sa pagbibigay ng espiritwal na gabay sa mga nasasakupan sa halip na pakialaman ang diskarte ng gobyerno para matiyak ang magandang kinabukasan ng maraming pamilyang Filipino. *** Napag-usapan ang family planning, kapuri-puri ang posisyon ng 68 libong kasapi at opisyal ng Philippine Medical Association (PMA) na suportahan ang inisyatibo ng Malacañang na pagkalooban ang mga Filipino ng mas malawak na “access” sa pangunahing mga serbisyong pangkalusugan -- ito’y isang paraan upang matuto ang mga magulang sa kanilang responsibilidad at hindi puro “init” lang ng katawan ang inaatupag kapag nalalasing o kaya’y walang pinagkakaabalahan. Positibo ang paninindigan ng PMA na tukuran ang magandang polisiya ni PNoy na ibaba nang husto ang antas ng kahirapan sa bansa, sa pamamagitan ng tamang pagpaplano ng pamilya -- hindi ‘yung “pinapatulan” ang bawat kalabit kapag natatabi sa higaan, as in walang patawad basta’t masagi lang! Malinaw sa paulit-ulit na deklarasyon ni PNoy na walang aborsyon sa kanyang pagsuporta sa panukalang may kinalaman sa responsableng pagpapamilya at binibigyan lamang ang mag-asawa ng laya na magdesisyon para sa ikabubuti ng kanilang pamilya. Hindi lang ‘yan, nakakatuwa rin ang pagpapakumbaba ng Pangulo na nananatiling bukas ang mga kamay sa dayalogo sa Simbahan sa kabila ng banta ng ilang obispo na pilayan ang kanyang administrasyon sa pamamagitan ng kampanya sa civil disobedience. *** Nakakatuwa ring marinig ang matagumpay na pagkamit ng administrasyong Aquino sa kalahati ng target na mga mahihirap na benepisyaryo ng tulong sa edukasyon at kalusugan sa ilalim ng Conditional Cash Transfer (CCT) na programa ngayong taon. Tama ang landas na tinatahak ng pamahalaan kaugnay sa implementasyon ng CCT program o Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kung saan 1.4 milyong Filipino na ang nakinabang sa programa ngayong buwan. Ibig sabihin, makatwirang suportahan ang posibilidad na dagdagan pa ng pamahalaang Aquino ang bilang ng mga benepisyaryo ng programa sa susunod na taon. Pakay ng CCT o 4Ps sa pamamagitan ng pagkakaloob ng subsidiya na ibaba ang antas ng kahirapan sa bansa na ipinapatupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Naging abala si PNoy para hulihin ang puso ng mga negosyante at tiyaking maraming trabaho ang maibigay sa mga Filipino -- isang patunay ang pagtanggap ng magandang balita mula kay Marife Zamora, Philippine Country Manager at Asia Pacific Managing Director ng Convergys Group, at Jackie O’Leary, Senior Vice President ng Everything Everywhere, Ltd. Matapos ang kanilang pulong, ipinaalam kay PNoy ng Convergys Group ang kanilang plano na palawakin ang kanilang negosyo sa bansa habang nais ng Everything Everywhere Ltd. na sanayin ang mga Filipino BPO agents na maging mahusay sa pagsasalita ng British English para mas madaling matanggap ang mga ito sa trabaho. Sinabi ni Trade Undersecretary Zenaida Maglaya na magbubukas ang Convergys ng tatlong (3) bagong site kung saan kasangga rin nito ang Everything Everywhere Ltd. sa paggamit sa merkado ng business process outsourcing (BPO) ng bansa. Isa sa pinakamalaking kumpanya ng telekomunikasyon sa Britanya ang Everything Everywhere, Ltd. na mayroong 28 milyong subscribers. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com) |
Monday, May 30, 2011
Friday, May 27, 2011
Walang sinayang! | |
REY MARFIL BANGKOK, Thailand --- Pagkalapag ng Suvarnabhumi International Airport, ala-una kahapon, tatlong magkakasunod na meeting sa pagitan ng malalaking grupo ng negosyante ang hinarap ni Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III bago nagtungo sa Government House para bigyan ng arrival honors bilang pagsisimula ng 2-day state visit -- isang “good news” sa hanay ng mga naghahanap ng trabaho. Ang tatlong business meeting na hinarap ni PNoy, kinabibilangan ng Chareon Pokphand (CP) Group; SIAM Cement Group (SCFG), at PTT Public Company Limited (PTT) upang hikayating magnegosyo sa Pilipinas, isang patunay kung gaano kaseryoso ang Pangulo na hanapan ng trabaho ang dumaraming tambay sa kanto dahil sa walang humpay rin na paglobo ng populasyon -- ito’y epekto sa malaking kapabayaan ng mga nagdaang administrasyon na isulong ang Reproductive Health (RH) bill. Makaraan ang tatlong business meeting, nagtungo si PNoy sa Government House at sinalubong ni Thailand Prime Minister Abhisit Vejjajiva, kasunod ang bilateral meeting sa Ivory Room. Kung paboritong pagdausan ni PNoy ang “yellow room” sa Premiere Guest House tuwing nagku-courtesy call ang mga bumibisitang diplomats, meron din kahalintulad na “special room” sa Government House at dito isinagawa ang signing sa guest book at nagkaabutan ng regalo ang dalawang lider, ganap na alas-6:40 ng gabi. Isang joint press conference sa pagitan ni PNoy at PM Abhisit ang ibinigay sa media sa Inner Santi Maitri Building, alas-siyete kagabi makaraan ang bilateral meeting -- ito’y nilimitahan sa tig-dalawang tanong, as in Thai’s journalist ang nagtanong kay PNoy habang Philippine media kay PM Abhisit. Bago nakipagkape sa Philippine media, alas-9:30 ng gabi na nagiging “routine” ni PNoy sa bawat foreign trip, isang state dinner ang ibinigay ni PM Abhisit, alas-8:00 kagabi. *** Napag-usapan ang “good news”, marapat lamang bigyan ng masigabong palakpakan si PNoy dahil tinupad ang pangakong pagkalooban ng atensyong medikal ang mahihirap, patunay ang inagurasyon sa Sta. Ana Hospital, katulong si Mayor Fred Lim na wala pa rin kupas, sampu ng city council ng Maynila. Sa pagbubukas ng Sta. Ana Hospital sa New Panaderos, Sta. Ana, Manila noong nakaraang linggo, ipinakita ni PNoy ang kanyang paninindigan na mabigyan ng atensyong medikal ang mga mahihirap, alinsunod sa Millennium Development Goals (MDG). Mas maraming Filipino ang makikinabang sa bagong ospital kung saan unang isinagawa ang inisyal na inagurasyon ang limang palapag noong Abril 28, 2010. Upang maipakita pa ng pamahalaan ang commitment nito, sinabi ni PNoy na makikinabang ang bawat Filipino mula sa National Health Insurance Program (PhilHealth) kung saan naglaan ng P3.5 bilyon ngayong taon para sa insurance premiums. Take note: Naglaan din ang PhilHealth ng P350 milyon upang gawing moderno ang information system, kalakip ang layuning pabilisin ang transaksyon at pagkakaloob ng serbisyo sa mga tao. Inanunsyo rin ni PNoy ang P7.1 bilyong inilaan ng pamahalaan para sa “health facility enhancement program” kung saan P5.7 bilyon dito ang inilaan sa pagpapaunlad ng rural health units at barangay health stations sa buong bansa. Inilaan din ang P1.4 bilyon para paunlarin ang mga ospital na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Health (DoH). Ang pagsasanay ng health professionals, kabilang ang espesyalisasyon sa Basic Emergency Maternal Obstetric and Neonatal Care para sugpuin ang mataas na bilang ng mga namamatay sa panganganak -- ito’y isa sa prayoridad ng administrasyon. Lingid sa kaalaman ng publiko, umaabot sa 162 ang namamatay sa bawat 100,000 babaing nanganganak. Ang tanong ng mga kurimaw -- ito ba’y nalalaman ng mga “Reklamador” sa RH bill na walang inatupag kundi mag-ingay at ipasa sa gobyerno ang pagkakaloob ng edukasyon, trabaho, pagkain, damit at pabahay sa mga batang ipinapanganak kada araw? Ewan ko lang kung ‘di pa matuwa ang mga kritiko ni PNoy. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com) | |
Wednesday, May 25, 2011
Clustering! | |
REY MARFIL |
Tinitiyak ng administrasyong Aquino sa lahat ng pagkakataon ang mahusay, epektibo at tutok na implementasyon ng mga programa at polisiya ng gobyerno, patunay ang nilagdaang kautusan para tutukan ng mga ahensya ang paghahatid ng serbisyo.
Nakaraang Mayo 13, nilagdaan ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino ang Executive Order (EO) No. 43, layuning itatag ang limang (5) Cabinet clusters na tututok sa iba’t ibang pangunahing mga bagay sa larangan ng public service.
Tama sina Pangulong Aquino at Executive Secretary Jojo Ochoa sa pagsasabing mapapadali ng EO ang pagtugon sa iba’t ibang mahahalagang mga aspeto sa serbisyo sa gobyerno sa pamamagitan ng pagbuo sa Cabinet clusters -- ang Good Governance and Anti-Corruption; Human Development and Poverty Reduction; Economic Development; Security, Justice and Peace; at Climate Change Adaptation and Mitigation.
Si PNoy ang uupong chairman ng Good Governance and Anti-Corruption cluster habang tatayong secretariat ang Department of Budget and Management (DBM) at miyembro ang mga kalihim ng Departments of Finance (DOF), Interior and Local Government (DILG) at Justice (DOJ); hepe ng Presidential Legislative Liaison Office at pinuno ng Chief Presidential Legal Counsel.
Ang Human Development and Poverty Reduction cluster -- ito’y pamumunuan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang secretariat at lead convenor ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) at kasapi ang chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC); mga kalihim ng Departments of Agrarian Reform (DAR), Agriculture (DA), Environment and National Resources (DENR), Education (DepEd), Health (DOH), Labor and Employment (DOLE), DILG, DBM, National Economic Development Authority (NEDA); at chairman ng Commission on Higher Education (CHED).
Habang ang kalihim ng DOF ang mamumuno sa Economic Development cluster habang NEDA ang tatayong secretariat at mga kasapi ang mga lider ng DA, DBM, DILG, Departments of Trade and Industry (DTI), Public Works and Highways (DPWH), Transportation and Communications (DOTC), Energy (DOE); Science and Technology (DOST), at Tourism (DOT).
Si Executive Secretary Jojo Ochoa ang magtitimon sa Security, Justice and Peace cluster kung saan magiging secretariat ang National Security Council at miyembro ang mga kalihim ng DILG, Foreign Affairs (DFA), National Defense (DND), DOJ; at presidential adviser on the Peace Process.
Samantalang pangangasiwaan ng kalihim ng DENR ang Climate Change Adaptation and Mitigation cluster kung saan secretariat ang Climate Change Commission at miyembro ang HUDCC chairman, mga kalihim ng DOST, DILG, DPWH, DSWD, DA, DAR, DOE, at DND; at hepe ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
***
Napag-usapan ang “clustering”, maganda ang layunin ni PNoy na ipagpaliban ang halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ngayong Agosto -- ito’y dapat ikonsidera ng Kongreso lalo pa’t pag-iisahin ang gastos at malulusaw ang “command votes”.
Malinaw ang misyon ni PNoy, nais lamang nitong mabigyan ng sapat na panahon ang Commission on Elections (Comelec) na malinis ang “voters’ list” at mabuwag ang nalalabing pribadong armadong mga grupo sa ARMM na bahagi ng isang maganda at pangmatagalang repormang panghalalan.
Sa nakalipas na dalawang (2) dekada, naging mailap ang disenteng buhay para sa karamihan ng mga residente sa ARMM, animo’y sirang plaka at gasgas na tugtugin ang senaryong nagkakadayaan sa Mindanao, maliban kung gustong matawag bilang “gentleman from Maguindanao” kahit wala ni isang kamag-anak sa lalawigan, as in nanalo sa daya.
Sa pagsususpinde ng eleksyon, mabibigyan ng pagkakataong umusbong ang repormang pakikinabangan ng nakakaraming mga tao sa ARMM tungo sa kaunlaran, maliban kung puro pansariling interes ang pinapairal ng ilan nating kababayan sa Mindanao lalo pa’t mababalian ng pakpak?
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
Monday, May 23, 2011
Kawawang Ranger! | |
REY MARFIL |
Hindi ba’t nakakatuwang makita na pinangungunahan ni Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III ang promosyon ng pambansang ehersisyo sa kabila ng napakaraming problemang kinakaharap at binibigyan ng kasagutan, partikular ang mga naiwang “land mines” ng nakaraang administrasyon?
Sa pamamagitan ng Department of Health (DoH), naging simbolo si PNoy ng pambansang pagpapahalaga sa kalusugan nang pamunuan ang “Ehersisyo Pangkalusugan Para sa Lahat 2011” -- ito’y isinagawa kamakailan sa Quezon City Memorial Circle (QCMC).
Mismong Pangulo ang nagpaalala sa maraming mga Filipino kaugnay sa malaking banta sa buhay ng masamang lifestyle, katulad ang kakulangan o kawalan ng ehersisyo.
Dapat seryosong ikonsidera ng publiko ang kahalagahan ng kalusugan, partikular ang “physically fit” ng pangangatawan ng bawat isa upang labanan ang mga sakit tungo sa progreso.
Take note: Kayamanan ang magandang kalusugan.
***
Maliban sa tamang ehersisyo, patuloy tinutugunan ni PNoy ang pangako nitong tulungan ang mga taong labis na naaapektuhan ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo na nag-ugat sa pulitikal na tensyong nagaganap sa mga bansang pinagkukunan ng langis.
Sa pamamagitan ng Department of Energy (DoE), ipinamudmod ang “Smart cards” bilang bahagi ng Pantawid Pasada Program (PPP) upang bigyang ginhawa ang public utility jeepney (PUJ) drivers at operators.
Sa mga makakakuha ng Smart cards bago sumapit ang Mayo 31, magkakaroon ang mga ito ng diskuwento sa ilang gas stations bukod sa 1,050 na fuel assistance na nakapaloob sa bawat card.
***
Napag-usapan ang pagiging physically fit, dapat lang suportahan ng publiko si PNoy sa panawagang taniman ng puno ang mga kalbong kagubatan, as in ituring na isang uri ng pag-ehersisyo ang pagtatanim at pagdidilig kada araw.
Ika nga ng mga kurimaw, anong silbi ng magagandang pangangatawan kung sira naman ang kapaligiran.
Noong nakaraang linggo, inilunsad ni PNoy ang National Greening Program (NGP), sa pamamagitan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon City -- isang patunay kung gaano kahusay ang kinuhang kalihim ni PNoy, sa katauhan ni Secretary Mon Paje.
Inilabas ni PNoy ang Executive Order (EO) No. 26 noong nakaraang Pebrero kung saan itinalaga ang DENR bilang pangunahing ahensya na magpapatupad ng programa sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture (DA) at Department of Agrarian Reform (DAR).
Upang matiyak ang tagumpay ng programa, pinag-isa ng EO ang lahat ng reforestation programs para muling gawing luntian ang mala-tsokolateng mga bundok at matiyak na masusuportahan ng bansa ang pangangailangan nito sa mga troso at makaiwas na rin sa mga trahedya.
Tumpak si PNoy sa panawagang magkaisa ang sambayanang Filipino para gawing luntian ang kulay ng Pilipinas. Sa ilalim ng programa, target ng gobyerno na magtanim ng 1.5 bilyong puno na sumasakop sa 1.5 milyong ektaryang lupain, simula ngayong taon (2011) hanggang 2016.
Malaki rin ang panghihinayang ni PNoy sa anim na “environmental heroes” na namatay habang tinutupad ang kanilang tungkulin. Kabilang sa mga nakatanggap ng “posthumous award” ang mga kawani ng DENR -- sina Kennedy Eber Bayani ng Apayao province, Rolando Sinday at Jacinto Dragas ng Surigao del Sur at Pierre Gillo ng Samar.
Kahit hindi empleyado ng DENR -- sina Nelson Luna at Christopher Mazo ng Surigao del Sur, kapwa isinakripisyo ang kanilang buhay para lamang protektahan ang nakakalbong kagubatan kaya’t kailangang pagsumikapan ng pulisya na mabigyan ng hustisya ang sinapit ng mga forest rangers, gaano man kaimpluwensya.
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
Wednesday, May 18, 2011
Para sa mga boss! | |
REY MARFIL |
Bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa susunod na buwan at hangaring iangat ang edukasyon sa bansa, naglaan si Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino ng P7 bilyon para sa konstruksyon at pagkumpuni ng humigit-kumulang siyam (9) na libong silid-aralan na inaasahang pakikinabangan ng 404,865 mag-aaral.
Mutain lang ang hindi makakakita kung gaano ka-sinsero at kalaki ang malasakit ng administrasyong Aquino na itaas ang kalidad ng edukasyon sa buong bansa bilang epektibong paraan para maisulong ang kaunlaran at positibong pagbabago sa lipunan -- isang pagtupad sa ipinangako nu’ng nakaraang kampanya.
Hindi lang ‘yan, inihanda na rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P3.38 milyong “standby funds” at P32.41 milyong halaga ng relief supplies para tulungan ang mga biktima ng bagyong Bebeng na labis na naminsala sa Kabisayaan at Bicol region.
Masasalamin kung papaano pinahahalagahan at gaano kasensitibo si PNoy sa kalagayan ng ating mga kababayan, lalung-lalo na ang nasa evacuation centers, sampu ng tinamaan ng bagyong Bebeng.
***
Napag-usapan ang aksyon ni PNoy, natatangi ang matinding pagsusumikap nitong tiyakin na makikinabang ang milyun-milyong mga Filipino mula sa iba’t ibang mga programa ng pamahalaan.
Katulad ng sinabi ni Presidential Communication Operations Office (PCOO) Secretary Sonny Coloma, tinututukan ng pamahalaan ang mga pangunahing programa sa kabila ng mga malalaking hamon.
Sa ilalim ng Philippine Development Plan, nais ni PNoy na maglaan ang bawat departameto ng salapi para agarang madetermina at mabantayan ang performance ng bawat ahensya o departamento.
Napaka-importanteng agarang makita kung paano nagtatrabaho ang mga kasapi ng gabinete sa paggugol ng pondo ng pamahalaan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko, partikular sa mahihirap.
Kabilang sa mga pangunahing layunin ang pagpapababa sa antas ng kahirapan, pagkamit ng pito (7%) hanggang walong porsyentong (8%) gross domestic product (GDP) sa susunod na limang (5) taon at pagpapababa sa kakapusan ng pondo.
Puntirya ng pamahalaan na itaas ang ratio ng pamumuhunan sa gross domestic product (GDP) at makalikha ng isang milyong trabaho kada taon.
***
Balikan ang 18th ASEAN Summit, todo-kayod si PNoy para matiyak na magiging investment partner ang bansang Cambodia at Laos sa larangan ng pagkain, agrikultura at turismo.
Mismong si Cambodian Prime Minister Hun Sen ang humiling kay PNoy na maglatag ng pamumuhunan sa pag-aangkat ng bigas at pagbubukas ng balikang direct flights sa Manila at Cambodia. Ibig sabihin, magkakaroon ng pagkakataon ang Pilipinas na muling ipakilala sa ating mga kapitbahay sa ASEAN ang kakayahan natin sa pamumuhunan.
Sa ASEAN Summit din, binalangkas ni PNoy ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng sampung (10) bansa sa pagresolba sa kalamidad at trahedya, problema sa droga at human trafficking, pamimirata, banta sa seguridad at terorismo at proteksyon sa overseas Filipino workers (OFWs), kabilang ang mga marino.
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
Monday, May 16, 2011
Hayaan si PNoy! | |
REY MARFIL |
Kinilala at pinapurihan ng mga dayuhang lider ang selective na open skies policy ni Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III na naglalayong palakasin ang kompetisyon sa aviation industry ng bansa -- walang ibang makinabang kundi ang turismo, negosyo at pamumuhunan bilang tugon sa ASEAN connectivity plan.
Ito’y naganap sa katatapos na 18th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at 7th Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East Asean Growth Area (BIMP-EAGA) Leaders Summit sa Jakarta, Indonesia, isang patunay kung gaano kahusay mag-isip si PNoy.
Sa ilalim ng ASEAN Connectivity Plan, layunin nitong ikonekta ang 10 ASEAN countries, sa pamamagitan ng paliparan at Roll On Roll Off (RoRo) sa pier na orihinal na panukala ng Pilipinas, ilang taon ang nakakalipas para makamit ang “ASEAN Community” sa 2015, as in kailangang magkaisa para hindi “pinagtutulak-tulakan” ng mga super power nations.
Inaasahan ang murang pasahe sa eroplano na mag-aalok ng direct flights. Tinututukan din ng pamahalaang Pilipinas ang pagpapalawak ng RoRo network na magsisilbing backbone sa panukalang “ASEAN RoRo network” -- isang paraan upang ipakitang solido ang mga bansa sa Asya.
***
Bilang suporta sa isang luntiang Pilipinas at makatipid ng mga produktong petrolyo, ibinunyag ni PNoy ang limang (D) beses na paglaki sa pondong pambili ng electric-powered tricycles o “E-trike” -- ito’y isang good news lalo pa’t umaasa lamang ang Pilipinas sa importasyon ng petroleum products at walang kontrol sa oil price hike.
Sa tindi ng “convincing power” ni PNoy, sa pangunguna ni Department of Energy (DOE) Secretary Jose Almendras, nagdesisyon ang Asian Development Bank (ADB) na palawakin ang kanilang financial support sa “E-trike program” ng pamahalaan para mabili ang 100 libong “E-trike unit” -- ito’y malayo sa orihinal na 20 libong unit lamang. Ika nga ni Sec. Almendras “Keysa iba makinabang, tayo na!”
Bukod sa magandang balita para sa kapaligiran, nangangahulugang tumaas ang tiwala ng international community sa administrasyong Aquino, aba’y sinong magpapahiram o magkakaloob ng financial assistance sa Pilipinas lalo pa’t nabalutan ng matinding eskandalo at kontrobersya ang mga foreign assisted projects sa nagdaang panahon.
Kamakailan lang, inilusad ni PNoy, sa tulong ng ADB ang e-trike pilot project sa Mandaluyong City para palitan ang mga kasalukuyang motorsiklo na numero unong umaangal sa walang humpay na pagtaas ng gasolina sa world market.
***
Anyway, hindi na dapat pang palakihin ng mga kritiko ang pahayag ni PNoy na wala sa kanyang isipan na balasahin ang kanyang gabinete. Tandaan: Nakasalalay ang lahat sa pagpapasya ng Pangulo at nagpahayag na siya ng kanyang buong suporta at tiwala sa kanyang mga opisyal.
Importanteng irespeto natin ang kapasyahan ni PNoy dahil nakikita nito ang dedikasyon at pagsusumikap ng kanyang mga tao na maibigay ang pangunahing serbisyo sa publiko.
Sa lahat ng gagawin ng Pangulo, mahalagang komportable sa kanyang mga kasamahan para isulong ang transparency at accountability sa pampublikong serbisyo.
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
may 13, 2011
Bayad-lupa! | |
REY MARFIL |
Ika nga ng mga kurimaw sa ilalim ng LRT station, animo’y tumama sa lotto ang ating mga kababayang mabibiyayaan ng magandang plano ng administrasyon -- ito’y hindi man lamang napag-isipan sa mahabang panahon kaya’t dumami ang “bakasyunista” sa Metro Manila, sa paniniwalang gaganda ang buhay kapag nakarating ng lungsod.
Kapag nangyari ito, hindi lamang luluwag at lilinis ang Metro Manila bagkus mabibigyan din ng disenteng buhay ang maraming mahihirap nating kababayan at matitiyak pa ang sapat na pagkain para sa bansa lalo pa’t tutulungan at tuturuan ng gobyerno sa tamang pagsasaka.
Ang sistema: Papasok sa isang “lease agreement” ang mga benepisyunaryo. Ang kondisyon naman ni PNoy: Kailangan nilang bungkalin, taniman at pagyamanin ang lupa at kapag nabigong tuparin ang kasunduan sa pagitan ng gob-yerno -- ito’y babawiin, as in pasensyahan.
Napakaresonable ng kondisyon at napakatalino ng paraan para paluwagin ang Maynila at isulong ang kabuhayahan at kaunlaran sa buong bansa, ewan lang kung meron pang masabi ang mga pulitikong “hindi makapag-move on” sa resulta ng eleksyon, sampu ng mga nag-iingay para mapansin bilang paghahanda sa 2013 senatorial election?
Sa kanyang pagbisita sa Jakarta, Indonesia para sa 18th summit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), malinaw ang kuwenta ni PNoy sa harap ng 23-man Philippine media delegation, humigit-kumulang 560,000 pamilya ang informal settlers sa Metro Manila -- ito ang isa sa pinakamalaking problema ng gobyerno.
Sa tulong ng Department of Agriculture (DA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), mayroong 1.5 milyong ektaryang lupain na maaaring ipamahagi sa 560,000 pamilya -- ito ngayon ang pinapag-aralan ni PNoy kung paano ipamamahagi ng walang pasubali at pag-alinlangan.
Gaano man kalaki o kaliit ang lupang ipamamahagi, ang pinakamahalaga ngayon -- malaki ang pagkakataon ng maraming Filipino na guminhawa sa buhay, as in meron “option” na inilalatag ang pamahalaan kabaliktaran sa mahabang panahon kung saan pinapadami ang squatter ng ilang pulitiko para pakinabangan at pagkatapos ng eleksyon, ito’y pinababayaan.
***
Napag-usapan ang good news, hindi ba’t nakakatuwang marinig na nais gayahin ng Indonesia ang fuel subsidy o Pantawid Pasada Program (PPP) ni PNoy bilang alternatibo sa kanilang state-funded subsidy dahil sa mahal na mga produktong petrolyo.
Ibig sabihin, nakikita ng pamahalaang Indonesia na mas epektibo ang paraan ng Pilipinas para tulungan ang mga tao sa mahal na langis at mas maayos na paggugol sa government funds.
Positibo ang ganitong bagay lalo pa’t nakikita mismo ng mga dayuhang bansa, katulad ng Indonesia ang katalinuhan ng programa ni PNoy sa pagtulong sa mga Filipino na nahihirapan sa mataas na presyo ng mga produktong petrol-yo dulot ng nagaganap na political tension sa mga bansang pinanggagalingan ng langis.
Hindi lang sobrang positibo ang balitang ito bagkus nakakataba ng puso lalo pa’t isang oil-producing nation ang Indonesia na nangangailangan ng mga pagbabago sa kanilang paraan ng pagkakaloob ng fuel subsidy.
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
Thursday, May 12, 2011
Maging alerto! | |
REY MARFIL |
Kailangan ni Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino ang suporta ng bawat isa laban kontra terorismo upang pigilan ang posibleng pagganti ng mga kapanalig ni Al-Qaeda leader Osama bin Laden na napatay ng United States (US) Special Forces.
Dapat ipakita ng bawat Filipino ang pagiging alerto, mapanuri at mapagbantay sa lahat ng pagkakataon, partikular sa mga pampublikong lugar upang mailigtas ang buhay ng marami dahil walang lugar ang pagiging kampante ngayon.
Kailangan ang suporta ng bawat isa laban sa terorismo, as in tuluy-tuloy nating ipahayag ang matapang na paglaban kontra sa galit at away sa relihiyon at maling pulitika.
Mananatili ang administrasyong Aquino sa paglaban sa terorismo upang itaguyod ang kapayapaan at kaayusan lalo’t nand’yan pa rin ang ibang grupo ng mga terorista.
Matapos mapatay si Osama bin Laden, mabilis ding tiniyak ni PNoy ang kahandaan ng pamahalaan na tiyakin ang seguridad sa bansa laban sa anumang banta ng terorismo subalit pinakamahalaga sa lahat ang pagiging alerto at mapanuri sa kapaligiran ng mamamayan.
***
Napag-usapan ang terorismo -- ito’y isa sa “hot topic” ng mga bansang dumalo sa 18th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at hindi ikinagulat ng lahat ang sobrang higpit ng seguridad lalo pa’t nagmula sa Indonesia ang ilan sa itinuturong “mastermind” sa paghahasik ng terorismo.
Anyway, maituturing pa ring matagumpay ang unang yugto ng ASEAN Summit kahit harapang nagbabangayan ang Cambodia at Thailand sa pagtitipon patungkol sa “territorial dispute” -- dito ipinakita ni PNoy ang kahalagahan ng pagkakaisa ng bawat isa kung nais kilalanin ng mga makapangyarihang bansa ang Asya bilang iisa.
Isa sa magandang pangyayari sa ASEAN Summit ang pag-upong chairman ni PNoy sa 7th Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East Asean Growth Area (BIMP-EAGA) Leaders Summit: biglaan ang desisyon at ipinamalas ni PNoy ang husay at talino bilang dating kongresista at senador na humawak ng mga bigating komite.
Sa kabuuan, ilan sa prayoridad ng “10-member regional bloc” ang pagkapit-bisig upang maabot ang mga pinupuntiryang development ng ASEAN Community sa taong 2015 at marating ang common platform sa Southeast Asia – ito’y nakasentro sa political security, economic at socio-cultural.
Napagkasunduan din ng ASEAN leaders ang pagkilala sa “three joint statements” -- 1) ASEAN Community in a Global Community of Nations; 2) Establishment of the ASEAN Institute for Peace and Reconciliation; at 3) Enhancing Cooperation against Trafficking in Persons in Southeast Asia.
Sa panig ng Philippine media delegation, hindi matatapos ang kuwento sa bawat biyahe ni PNoy kung walang “dinner” o kaya’y “coffee break” -- dito nakakakuha ng scoop ang Malacañang Press Corps (MPC), sampu ng mediamen na sumasampa sa foreign trip.
Sa humigit-kumulang dalawang (2) oras na pakikipagkuwentuhan sa Philippine media delegation, naibuhos ni PNoy ang lahat ng “scoop” -- simula sa Bilateral Talks ng Cambodia at Laos hanggang pag-increase sa produksyon ng 100 libong electric tricycles (e-trikes) -- ito’y pinondohan ng Asian Development Bank bilang tugon sa pagtaas ng gasolina sa world market; selective open skies policy; at pagpasok ng Thailand sa Public-Private Partnership program.
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
Monday, May 9, 2011
Sila ang late! | |
REY MARFIL JAKARTA, Indonesia --- Ipinakita ni Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III ang malaking malasakit sa mga kapus-palad na mag-aaral nang iutos ang pagkakaloob ng mas maraming scholarships at nais din nitong magkaroon ng malawakang technical at vocational training sa mga mag-aaral upang magkaroon ng malaking bilang ng mga estudyante na mayroong hindi matatawaran kakayahan, kasanayan at husay sa pandaigdigang pamantayan. Hindi lang ‘yan, inaatasan din ni PNoy si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Butch Abad na maghanap ng pondo para ayudahan ang scholarship programs ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na pinamumunuan ni Director General Joel Villanueva. Ang aksyon ni PNoy -- ito’y nag-ugat sa pagkakadiskubre ni Villanueva ng P1.3 bilyong halaga ang ipinagkaloob na scholarship vouchers ng nakalipas na administrasyon ng walang kaukulang pondo. Dahil sa napakalaking iregularidad, naapektuhan ang operasyon ng ahensya at nalimitahan ang pagkakaloob ng scholarships sa mga mahuhusay na mag-aaral -- isang rason kung bakit hilahod ang opisina ni Villanueva. Pangunahing itinataguyod ng TESDA ang pagyaman at paghubog sa teknikal na kasanayan ng mga Filipino na tinitingala sa buong mundo. Take note: Hindi matatawaran ang kakayahan ng mga Pinoy, mapa-akademya o teknikal kaya’t nakakalungkot ang pagkaubos ng pondo sa nagdaang administrasyon na dapat pinapakinabangan ngayon ng mga mahihirap na estudyante. *** Napag-usapan ang malasakit, ipinakita rin ni PNoy ang malaking puso ng administrasyon sa pagkalinga ng mga magsasaka at mangingisda nang maglaan ng P4.23 bilyong rice subsidy upang tulungan ngayong nagtapos ang panahon ng anihan. Sa subsidiyang ito’y makikita natin kung gaano kalaki ang pagpapahalaga ni PNoy sa kalagayan ng mga sektor na grabeng naapektuhan ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa krisis sa mga bansang mayayaman sa langis at makapagbigay ng trabaho sa ilan nating mga kababayan. Magagamit ang ayuda sa mga magsasaka at mangingisda bilang kanilang suweldo kapalit ng paglilinis ng mga bukirin na bahagi ng paghahanda sa susunod na taniman ng mga binhi. Naunang isinulong ng administrasyon ang ilang job generation program katulad ng pagkuha sa serbisyo ng 10,000 registered nurses para sa mga mahihirap na mga barangay sa buong bansa sa ilalim ng Registered Nurses for Health Enhancement And Local Service ng Department of Health (DoH) program at infrastructure-related Community-Based Employment Program (CBEP) na magkakaloob ng isang milyong hanapbuhay sa paggawa ng mga tulay, silid-aralan at irigasyon. Sa ngayon, 80,000 mag-aaral ang tinutulungan ng pamahalaan sa nagaganap na summer job program sa ilalim ng the Special Program for Employment of Students (SPES). Anyway, balik-Pinas kagabi si PNoy makaraan ang tatlong araw na pagdalo sa 18th ASEAN summit at balik-normal din ngayong araw ang lahat ng aktibidades sa Malacañang. Nawa’y tigilan ng mga kritiko, sampu ng walang magawa sa buhay ang pang-iintrigang tanghali kung magsimula sa trabaho ang Pangulo dahil madalas pa ngang late ang mga kausap o bisita nito. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com) |
Friday, May 6, 2011
Tama lang! | |
REY MARFIL |
JAKARTA, Indonesia ---Walang dapat ipagtampo ang mga kababayan nating kinalakihan ang paghuhukay ng lupa sa kanilang bakuran, tama ang hakbang ni Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III na organisahin ang inter-agency group na mag-aaral ng mas malinaw at epektibong polisiya sa pagmimina upang protektahan ang mga manggagawa, maging ang likas na yaman ng bansa.
Tinitiyak lamang ni PNoy na mabibigyan ng atensyon at solusyon ang lahat ng mga problema at epekto ng pagmimina sa mga lugar kung saan nagaganap ang mga operasyon, ka-tulad sa Compostela Valley, hindi ba’t nangyari ang trahedya sa mismong araw ng pagninilay-nilay, as in Semana Santa?
Determinado ang pamahalaan na magkaroon ng mas maayos at epektibong polisiya sa pagmimina, alinsunod sa ire-rekomeda ng inter-agency group, partikular ang mangangasiwa sa small scale mining -- ito’y isinagawa noong nakaraang Abril 11 sa tulong ng Presidential Management Staff (PMS) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Isa sa dumalo sa inter-agency meeting ang numero unong kontra sa pagmimina -- si Gina Lopez, pinuno ng Pasig River Reclamation Commission (PRRC), kabilang din sina PMS Sec. Julia Abad; Presidential Adviser on Peace Process Sec. Teresita Deles; Department of Interior and Local Go-vernment Jesse Robredo; Department of Finance Sec. Cesar Purisima; Department of Justice Sec. Leila De Lima; Presi-dential Adviser on Political Affairs adviser Ronald Llamas at Commissioner Brigada Zenaida Pawid ng National Commission on Indigenous Peoples of the Philippines.
***
Kung atensyon sa problema ang pag-uusapan, lalo pang ipinakita ni PNoy ang matinding malasakit sa mga sektor na labis na naapektuhan ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo, patunay ang kahandaan nitong itataas sa P1 bilyon ang kasalukuyang P450 milyong fuel subsidy para sa public utility jeepney at tricycle drivers.
Kasama sa mga benepisyunaryo ng fuel subsidy ang mga magsasaka at mangingisda. Kung tutuusin, dapat bigyan ng malaking pasasalamat si PNoy dahil matalino at maayos ang paggasta ng government funds kaya’t nagkaroon ng pondo na maaaring magamit para sa fuel subsidy -- ito’y kabaliktaran sa nagdaang panahon, aba’y hindi lang isang piling ng saging ang itinatago kundi bitbit ang buong puno.
At kasalukuyang pinag-aaralan na rin ng Malacañang ang posibilidad na magkaroon ng extension sa programang Pantawid Pasada, as in palawigin ng isa pang buwan o mahigit pa ang fuel subsidy habang nananatili ang political crisis at kaguluhan sa mga bansang pinanggagalingan ng langis.
Take note: Tayo po’y bumibili at hindi nagbebenta ng langis kaya’t “double-triple” ang presyo sa Pilipinas, ewan lang kung naiintindihan ng mga militanteng grupo o sadyang hanap ang mangalap ng malaking donasyon kaya’t araw-araw nagre-reklamo sa kanto?
Sa halip kutyain at batikusin ang pamahalaan sa pagsirit ng oil price na alam naman ng militanteng grupo, sampu ng kritikong hindi makapag-move on sa resulta ng 2010 election na walang magagawa si PNoy, bakit hindi magsama at ipagdasal na matatapos ng mapayapa sa lalong madaling panahon ang nagaganap na mga kaguluhan sa mga bansa sa Gitnang Silangan at iba pa upang manumbalik ang presyo ng mga produktong petrolyo sa normal, hindi ‘yung puro “sound bite” sa “6:00 p.m. news” ang target.
Uulitin natin, walang kontrol ang pamahalaan sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo at ginagawa ang lahat ng bagay upang mapagaan ang dalahin ng publiko at tiyakin na hindi nasasamantala ang interes ng mga consumer.
***
Napag-usapan ang paghahanda, hindi ba’t kapuri-puri ang ginagawang hakbang ng pamahalaan na palakasin ang pagtugon sa iba’t ibang trahedya na maaaring tumama sa bansa -- ito’y magandang aksyon ni PNoy, sa pamamagitan ni Executive Secretary Jojo Ochoa.
Napakaimportante ang kahandaan at partisipasyon ng mamamayan para epektibong makatugon sa emergency situation -- ito’y isang positibong pagkilos matapos tumama ang napakalakas na 9.0 lindol sa Japan noong Marso. Sinimulan ni ES Ochoa ang programa sa mga kawani ng Malacañang, partikular ang Demonstration-Training on Natural Disaster Preparedness and Response System na isinagawa sa Mabini Hall.
Para mas epektibo ang resulta, binigyan ang mga opisyal at mga kawani ng Office of the President (OP) ng lectures mula sa mga eksperto mula sa Philippine Coast Guard, Balangay Voyage and Mt. Everest Expedition Teams, Rajah Sulaiman Fire Rescue Team, City Watch Bright Center, Tao Emergency Operation Center, UNTV Rescue, at Search and Rescue Unit Foundation.
Dapat lamang na suportahan ng pribadong sektor ang pamahalaan sa ganitong layunin sa pamamagitan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil walang pinipiling oras at lugar ang kalamidad o trahedya.
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
Wednesday, May 4, 2011
Maagang bonus! | |
REY MARFIL |
Aminin o hindi ng mga kritiko, sampu ng militante at kilusang nag-iingay para lumaki ang donasyong natatanggap mula sa mga dayuhang donors, nasa katwiran si Pangulong Noynoy “PNoy” Aquino nang sabihin nitong hindi agarang makakamtan o mararamdaman sa magdamagan ang mga isinusulong na reporma ng Malacañang upang gumaan ang buhay ng mga manggagawa.
Ang good news, matindi ang dedikasyon ni PNoy na itulak ang kagalingan at interes ng mga obrero, kasabay ng pasasalamat nito sa malaking kontribusyon sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa, kasabay sa paggunita ng 109th Labor Day.
Magandang senyales ang pag-atas ni PNoy sa regional tripartite wages and productivity board (RTWPB) na bilisan ang pag-aaral para sa pagtataas ng suweldo ng mga manggagawa bilang tugon ng pamahalaan sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa pagsirit ng halaga ng mga produktong petrolyo.
Sa ganitong adhikain, balido ang panawagan ni PNoy sa mga may-ari ng kumpanya, mga lider ng paggawa at kanilang mga tagasuporta na tulungan ang pamahalaan na hanapan ng solusyon ang mga problema ng mga manggagawa.
Maganda ang hakbang ni PNoy na makipagpulong ang pamahalaan kada tatlong buwan o quarterly sa halip na taunan (yearly) sa sektor ng paggawa upang talakayin ang mahahalagang usapin at makahanap ng solusyon sa mga problema.
Asahang mabubuo dito ang magandang relasyon at samahan ng magkabilang partido kung saan maaaring ilabas ng labor groups ang nangyayari sa kanilang pagpupulong at progreso ng mga proyekto.
Isa pang magandang aksyon ni PNoy -- ang direktibang i-release nang mas maaga ang mid-year bonus at kaukulang karagdagang umento sa 1.4-milyong kawani ng gobyerno.
Sa nagdaang panahon, natatanggap ng mga government workers ang mid-year bonuses bago o matapos ang Mayo 15 habang sa buwan ng Hulyo ang 10% ng karagdagang suweldo, alinsunod sa ikatlong bahagi ng Salary Standardization Law.
Ang order ni PNoy, maagang ipamudmod ang pondo kaya’t maaaring matanggap ng mga government workers ang kanilang mid-year bonus anumang oras ngayon hanggang Mayo 15 habang sa Hunyo naman makukuha ang karagdagang umento, mas advance ng isang buwan ito.
At dapat ding irespeto ang posisyon ni PNoy kontra sa pagsasailalim sa regulasyon ng pamahalaan sa presyo ng mga produktong petrolyo. Take note: walang sapat na pondo ang pamahalaan at inuuna nito ang paglalaan ng pondo sa pro-poor programs, katulad ng conditional cash transfer (CCT) para sa mga mahihirap na pamilya, maging sa P7 bilyong subsidiya sa Metro Rail Transit (MRT).
Isang positibong balita ang subsidiya sa MRT ngayong tinitiyak ng Malacañang ang paglalaan ng pondo sa mga bagay na mas makakatulong sa nakakaraming Filipino -- ito’y hiwalay sa Pantawid-Pasada na ipinagkaloob ng Department of Energy (DOE) sa transport group, mangingisda at magsasaka.
***
Napag-usapan ang good news, hindi dapat sayangin ng publiko ang pagkakataong ibinigay ng Malacañang para sariwain ang kadakilaan ni Dr. Jose Protacio Rizal kung saan gugunitain ang kanyang ika-150 taong kapanganakan ngayong Hunyo 20.
Idineklarang special non-working holiday ni PNoy ang Hunyo 20 para mas maraming tao ang makalahok sa mga aktibidad na muling sasariwa sa kabayanihan ng pambansang bayani dahil nataong araw ng Linggo ang Hunyo 19.
Ang deklarasyon ng holiday -- ito’y inihayag ni Executive Sec. Paquito N. Ochoa Jr. alinsunod sa Proclamation No. 154 na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III noong Abril 26.
Malinaw ang malaking pagpapahalaga ni PNoy sa espesyal na okasyon ngayong Hunyo 20 bilang pagpupugay sa kadakilaan ni Rizal, katulad ng commemorative rites sa Rizal Shrine sa Calamba City, Laguna kung saan ipinanganak ang pambansang bayani.
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
Monday, May 2, 2011
Walang bayad-utang! | |
REY MARFIL Sa nagdaang 9-taon, walang katapusang pagbabayad-utang ang inatupag ng occupant sa Presidential residence, mapa-cabinet hanggang kaliit-liitang posisyon kaya’t nakakabilib ang ginawang aksyon ni Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III nang italaga ang 17 bagong ambassadors na pawang career diplomats sa ngalan ng national interest. Napakagandang ehemplo ang ipinakita ni PNoy, ito’y patotoo na maayos ang pamamahala at lalong mapataas ang morale ng mga tao sa loob ng Department of Foreign Affairs (DFA). Hindi dapat kalimutan na nagmumula ang magagandang mga ideya sa mga taong nasa loob ng ahensya at indikasyon ang naganap na pagtatalaga na mataas ang respeto ng administrasyong Aquino sa professional career growth ng foreign affairs officials. Asahang magpapakita ng kabilib-bilib na performance at dedikasyon sa trabaho ang 17 bagong ambassadors at tiyak na hindi bibiguin si PNoy, sampu ng sambayanang Filipino sa pagtupad ng kanilang tungkulin dahil sila ang pinakakuwalipikado sa kanilang larangang ito. *** Napag-usapan ang dedikasyon, isang patunay ang misyon ni PNoy na itaas ang kalidad ng buhay ng mga Filipino sa internasyunal na pamantayan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mas maraming serbisyo. Nakapaloob ang magandang balitang ito sa napipintong pag-host ng bansa sa International Public-Private Partnership Specialist Centre on Health (IPPPSCH) matapos aprubahan ng United Nations Economic Commission for Europe PPP (UNECEPPP) Centre of Excellence kamakailan ang pagtatayo ng health center sa Maynila. Ipinadala ni Dept. of Health (DOH) Sec. Enrique Ona ang liham kay PNoy noong nakaraang Abril 25 kaugnay sa pagkakapili ng UNECEPPP sa bansa. Magsasagawa ang IPPPSCH ng operasyon sa ilalim ng Memorandum of Understanding (MOU) ng UNECEPPP at Pilipinas upang makalikom ng pondo para sa UNECEPPP Specialist Centre; pondohan ang pagpapaunlad at updating ng mga programa ng UN PPP Secretariat; pangasiwaan ang PPP Research Program; itatag at pangasiwaan ang Specialist Centre Membership; itatag ang international database; at pagkakaloob ng suporta sa iba pang bansa. *** Bago pa man ang May 1, isang good news ang hakbang ni PNoy na magkaloob ng 648,000 trabaho sa mga industriya sa ilalim ng key employment generator (KEG) at pampublikong tanggapan. Ipinapakita lamang ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang kahandaan nitong tugunan ang suliranin sa kawalan ng trabaho kasabay ng paggunita sa Labor Day noong Linggo. Sa ilalim ng memorandum ng DoLE, tinatayang 1,000 employers ang mangangailangan ng 80,000 hanggang 100,000 na mga manggagawa para sa lokal at internasyunal na trabaho habang 548,000 trabaho naman ang naghihintay sa ilalim ng Community Based Employment Program (CBEP) ng pamahalaan. Ito’y isang magandang pagkakataon para sa mga naghahanap ng trabaho kaya’t dapat silang lumahok sa magandang programa ng pamahalaan kung saan kabilang sa mga trabaho ang paggawa, kontruksyon, transportasyon at logistics, edukasyon, kalusugan, hotel at restaurant, serbisyo, wholesale at retail trade industries sa pribadong sektor. Take note: Humigit kumulang 360,000 ang kakailanganin sa construction program ng Department of Public Works and Highways (DPWH); 178,000 sa iba’t ibang proyektong pangkabuhayan ng DoLE, at 10,000 posisyon sa mga programa ng Department of Agrarian Reform’s katulad ng Tulay ng Pangulo para sa Kaunlarang Pang-Agraryo program. Mabuhay ang mga manggagawang Pinoy! Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.”(mgakurimaw.blogspot.com) |