Hindi kailangang magsalamin ng mga kritiko ni Pa ngulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino para mabasa at maintindihan kung gaano kalaki ang pagtitiwala ng publiko, kabaliktaran sa nakuhang grado ni ex-President Gloria Macapagal-Arroyo -- ito’y malinaw sa latest survey ng Social Weather Station (SWS).
Sa SWS survey na kinomisyon ng Business World, may petsang September 24-27, may kabuuang 44% ng mga Pinoy ang naniniwalang tutuparin ni PNoy ang sinumpaang pangako sa kanyang State of the Nation Address (SONA) nakaraang Hulyo 26, nangangahulugang kahalati ng humigit-kumulang 90 milyong Pilipino, as in 50% ang nagtitiwala sa Pangulo.
Ikumpara ang 44% ni PNoy, ito’y napakalayo kay Mrs. Arroyo dahil tanging 19% ang naniwala sa kanyang kauna-unahang SONA noong Hulyo 23 2001, ilang buwan matapos mapatalsik si Erapsky. Ibig sabihin, sa si mula pa lamang ng maupo sa Palasyo, bad trip ang mga Pinoy kay Mrs. Arroyo.
Ngayong kinuwestyon ang DSWD budget, hindi nakakagulat kung mainit ang ulo ng mga Pinoy, mapa-text brigade o radio comment lalo pa’t kaliwa’t-kanan ang ginawang imbestigasyon ng Philippine Senate. Mantakin n’yo, hanggang ngayo’y patuloy ang accounting at hindi makapagsimula ang Truth Commission ni ex-SC chief Hilario Davide.
Hindi lang iyan, lumalabas pang ‘deadma’ ang mga Pinoy, anuman ang sabihin ni Mrs. Arroyo, animo’y isang hanging dumaan sa magkabilang tainga ang mga binibitawang pangako, aba’y 44% lamang ang ‘aware’ sa SONA ni Mrs. Arroyo noong 2001 at milya-milya ang layo sa naitalang 78% ni PNoy.
***
Napag-usapan ang SWS survey, ang pinakamagandang resulta sa lahat, mas maraming Pinoy ang nagsasabing kapakanan at interes ng mahihirap ang tinatahak ni PNoy — ito’y nakapagtala ng 48%, ‘di hamak napakalayo sa 25% ni Mrs. Arroyo noong 2001 at 19% noong 2007.
Ni sa panaginip, ayaw isipin ng mga kurimaw na ‘puro kuwento at walang kuwenta’ ang bawat SONA ni Mrs. Arroyo, aba’y 25% lamang ang nagka-interes manood — ito’y napakalayo sa 56% na nag-abang kay PNoy sa telebisyon, hindi pa kabilang ang 8% nakinig ng live co verage sa radyo.
Maging sa September 2003 survey, lumabas pang 59% ng mga Pinoy ang naniniwalang kapakanan ng mga ma yayaman at maimpluwensyang tao sa lipunan ang pinag lilingkuran ni Mrs. Arroyo, hindi pa kabilang ang 33% nagsabing ‘middle class’ ang pinagsisilbihan nito.
At hindi nagsisinungaling ang ebidensya, tanging 25% ang nagsabing maka-mahirap ang ina ni Cong. Mikey -- ngayo’y nagpapakilalang sugo ng mga jaguar. Kaya’t ang payo ni Mang Gusting, mas makakabuting manahimik ang mga natitirang remnants ni Mrs. Arroyo kesya magmagaling.
Sa dami ng eskandalong naimbestigahan ng Kongreso, galit ang iniwang pamana ni Mrs. Arroyo sa mga Pilipino. Maging sa one-on-one interview ni Jessica Soho kay PNoy nakaraang Miyerkules, isa lang ang binanggit ng Pangulo na magandang minana sa Arroyo government, walang iba kundi ang katotohanang masarap magluto ang iniwang catering. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)