Monday, December 28, 2009

december 28 2009 abante tonite

VP candidate nagpapasko ng campaign stickers
(Rey Marfil)

Kung merong presidentiable na nagpa-raffle ng wall clock at isang primadonang lady solon ang namudmod ng pinaglumaang jewelry box na pinaglagyan ng mga regalo ng mga manliligaw, mas malupit ang isang walang kabuhay-buhay na vice presidentiable.

Ang rason, campaign sticker ang pinamudmod ng walang kabuhay-buhay na vice presidentiable sa mga nanghihingi ng aginaldo, as in pamasko ngayong Disyembre.

Bagama’t paulit-ulit na ipinapaalala ng TONITE Spy na wala sa halaga ng regalo ang diwa ng Pasko, naging katawa-tawa ang giveaway ng isang walang kabuhay-buhay na vice presi dentiable dahil sa campaign sticker nito.

Dahil Pasko, marami ang umaasa ng regalo, katulad ang paghingi ng giveaways sa mga pulitiko at isa sa na nakantiyawan ang walang kabuhay-buhay na vice presidentiable kung saan inakalang magbibigay ng magandang pamasko.

Kabaliktaran sa inaasahan ng mga na ngantiyaw ng regalo, hindi man lamang ka­lendaryo ang ipinamudmod ng walang kabuhay-buhay na vice presidentiable kundi tumataginging na campaign sticker nito.

Sa harap ng mga nanghihingi ng giveaways, ipinatawag ng walang kabuhay-buhay na vice presidentiable ang kanyang alalay at pinakuha ang kanyang bag.

Inakala pang cash ang ipamimigay ng walang kabuhay-buhay na vice pre­sidentiable kung kaya’t namilog ang mga mata ng mga humihingi ng regalo dahil pinakuha sa security ang kanyang bag subalit laking pagkadismaya nang madiskubreng campaign sticker lamang ang binunot ng kumag.

Sa kabilang banda, meron naman natuwa sa aginaldo ng walang kabuhay-buhay na vice presidentiable dahil ilan ang masuwerteng nakatanggap ng ‘organizer’ o notebook planner.

Ang nakakatawa lamang, meron pa ring sticker ng walang kabuhay-buhay na vice presidentiable ang ilang piraso ng organizer o planner na ipinamudmod kung saan nakapinta ang malaking pangalan nito.

Sa tindi ng pagka-bad trip ng ilang nakatanggap ng campaign sticker, idinikit sa kubeta, as in comfort room ang panga lan ng walang kabuhay-buhay na vice presidentiable at pinintahang ‘huwag iboboto’.

Clue: Kung gaano kawalang buhay ang vice presidentiable bid, ito’y kabaliktaran sa pag-uugali dahil saksakan ng angas sa kalye. Kung Senado o ex-employee ni Mrs. Arroyo, ito’y isinusuka ng mga nabambo. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/dec2809/hulaan_blues.htm

1 comment: