Kung meron nagpa-raffle ng tiyani at baryang load, ‘di hamak na mas nakakatawa ang ginawa ng isang primadonang lady solon matapos ipa mudmod ang mga pinaglumaang gamit sa bahay, kabilang ang jewelry box na pinaglagyan ng ipinang regalo rito.
Bagama’t wala sa halaga ng regalo ang diwa ng Pasko, katulad ng pangaral ng mga matatanda sa mga anak at apo, hindi maiwasang matawa ng mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy matapos masaksihan ang kakaibang pa-raffle ng primadonag lady solon.
Ang rason, mistulang nagbabawas ng basura sa kanyang kuwarto o pag-aaring mansion ang primadonang lady solon dahil ipinamudmod ang mga pinaglumaang gamit, kabilang ang mga pinaglumaang jewelry box at sisidlan ng relo kung saan hindi lamang isang piraso kundi sanda makmak ito.
Sa unang tingin, mapag kakalaman pang ‘arena’ ng mga gagamba ang pinaglumaang jewelry box ang ipina-raffle ng primadong lady solon, as in ginagamit na kahon ng mga bata para paglabanin at pagpustahan ang mga gagamba.
Maliban sa pagmukhang kahon na pinaglalabanan ng mga gagamba, meron pang nanalo sa raffle ang nag-akalang sisidlan ng sinulid at karayom ang pinaglumaang jewelry box kaya’t nauwi sa tawanan ang party.
Kaagad nagduda ang mga kurimaw na pinag lagyan ng mga na tanggap na regalo mula sa mga kaibigan o kaya’y manliligaw ang pinaglumaang jewelry box at sisidlan ng relo na ipinamudmod ng primadonang lady solon lalo pa’t maraming matatandang lalaki ang umaaligid dito.
Maliban sa mga matatandang kelot na nagpapalipad-hangin, makailang-beses ding nagkaroon ng mga nakarelasyong DOM, as in dirty old man, ang primadonang lady solon kaya’t posibleng bahagi ng mga pinaglagyan ng regalo ang pinaglumaang jewelry box na ipina-raffle.
Tanging kina-bad trip lamang ng mga nakatanggap ng pinaglumaang jewelry box, banaag sa kabuuan ng kasangkapang ipina-raffle ng primadonang lady solon ang kalumaan nito, as in naninilaw ang kulay, tuklap ang pintura at disenyo dahil matagal nang nakatago sa basement o bodega.
Hindi lang iyan, wala na rin sa uso ang pinaglumaang jewelry box ng primadonang lady solon at hindi rin puwedeng isanla sa mga pawnshop ng sinumang ‘big winner’ dahil walang halaga, as in walang ‘kabagay-bagay’ lalo pa’t hindi naman antigo o antique na papatulan ng mga buyer.
Clue: Saksakan ng plastic ang primadonang lady solon at napakahilig manita ng reporter kapag nababanatan sa blind item. Kung senador o kongresista, ito’y tumatakbo sa mas mataas na posisyon at meron letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Ang hilig sa matandang kelot. (mgakurimaw.blogspot.com)
1 comment:
hulaan nyo nga
Post a Comment