Monday, December 14, 2009

dec 14 2009 abante tonite

Senador, namudmod ng wall clock
(Rey Marfil)

Bagama’t wala sa halaga ng regalo ang diwa ng Pasko, nauwi sa katatawanan at kantiyawan ang Christmas party na inisponsoran ng isang ambisyosong miyembro ng Upper House dahil walang katapusang wall clock ang pa-raffle nito.

Kalakip ang motibong mapalapit sa mga mediamen bilang preparasyon sa 2010 election, ginawang gimik ng ilan sa mga hand ler ng ambisyosong sena dor ang mag-sponsor ng Christmas party sa iba’t ibang press corps o media organization kahit hindi ‘regular constituents’, as in hindi nagko-cover ng Senado.

Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano ‘na-divert’ sa wall clock ang pa-raffle ng ambisyosong senador gayong ipinangalandakan ng isa sa mga media handler ang magandang pamasko ng kanyang amo bago pa man nag-imbita ng mediamen.

Karamihan ng dumalo sa Christmas party, ito’y gumastos ng P200 hanggang P500 sa taxi at kailangang magpakarga ng ilang litro ng gasolina para lamang makarating sa venue, partikular sa mansion ng ambisyosong senador kung saan malayo sa press office na tambayan ng grupo.

Sa tindi ng pagka-bad trip ng mga umattend sa Christmas party lalo pa’t ‘bagsak ang mga tuka’ na umuwi ng bahay, kamuntikan pang ibinalibag sa kalsada ang napanalunang wall clock at meron namang minumura ang litrato ng ambisyong senador na nakadikit sa wall clock habang bumibiyahe, sakay ng taxi cab.

Ang nakakatawa lamang, sa halip matuwa ang mga miyembro ng press corps dahil nag-sponsor ng Christmas party ang ambisyosong senador, pagka-bad trip ang naging kapalit matapos masayang ang oras at nagpagod lamang ang mga ito.

Kabaliktaran sa ipinangakong magagandang Christmas gift, animo’y kalsadang na-divert sa wall clock ang ipinamudmod ng ambisyosong senador dahil ipina-raffle ang pang-giveaways na dapat sana’y ipamimigay at hindi kailangan pang bunutin sa tambiyolo ang pangalan ng mga winners o makakatangap nito.

Sa kabuuan ng Christmas party, tanging P5 libong cash ang inilabas o ipina-raffle ng ambisyosong senador bilang grand prize kung kaya’t nagulat ang mga umaasa ng magandang premyo lalo pa’t napakalayo ng biniyahe ng mga ito.

Para masaya ang lahat, napagkasunduan ng press corps na hatiin sa tig-P1 libo para limang miyembro ang manalo kesa isang tao lamang ang masuwerteng mag-uuwi ng P5 libo.

Clue: Madaling makilala ang ambisyosong senador lalo pa’t sandamakmak ang TV ads. Kung presidentiable o vice presidentiable, ito’y meron letrang “R” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Raketista kaya’t yumaman. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/dec1409/hulaan_blues.htm

No comments: