Monday, December 7, 2009

december 7 2009 abante tonite

Lady solons nagpatalbugan sa kaplastikan
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘ang magnanakaw ay galit sa kapwa-magnanakaw’, ganito ang esksena sa pagitan ng dalawang lady solon na saksakan ng ‘plastic’ sa publiko matapos harapang magtaasan ng kilay ang mga ito.

Nasaksihan ng TO NITE Spy kung paano nagpatalbugan sa isang political event ang dala wang lady solon, patunay ang ‘pagpaplastikan’ sa harap ng mediamen at kauring pulitiko.

Dahil iisa ang organisasyong sinamahan, walang choice ang dalawa kundi sabay na magtungo sa Commission on Elections (Comelec) at kaagad ding lumutang ang pagiging plastic at hindi pagkakaintindihan ng mga kumag.

Nang magtalumpati ang unang lady solon at ihalintulad ang kanyang sarili sa isang singer na sumikat sa ibang bansa, pasimpleng binaterya ng ikalawang lady solon ang mga pagpapa-cute ng kasamahan sa media.

Tumaas ang kilay ng ikalawang lady solon nang marinig ang speech ng unang lady solon patungkol sa pagiging kamukha o kawangis ng isang sikat na singer, as in tinuya at pinagtsismisan ang sobrang bilib ng kasamahan sa kanyang sarili.

Hindi pa nakuntento ang unang lady solon sa pagkukumpara sa kanyang sarili bilang kawangis ng isang sikat na singer, ito’y muling bumanat at inihalintulad ang kagandahan sa isa pang dating sikat na singer/composer na lalong ipinagtaas ng kilay ng ikalawang lady solon.

Maging mediamen na nagko-cover sa political event, harapang narinig ang mga masasamang komento ng ikalawang lady solon at winawakwak ang pagpapa-cute ng unang lady solon, katulad ang alegasyong hindi kamukha ng dalawang sikat na singer kundi ng mga lola nito.

Clue: Kilalang primadona at plastic ang unang lady solon, hindi lamang sa hanay ng mga reporter na nagko-cover sa kinaaanibang chamber bagkus sa mga kauring mambabatas habang nasobrahan sa pagiging polite ang ikalawang lady solon dahil nagiging over acting (OA) ang pag-astang makamahirap gayong puro nakaw sa gobyerno ang tinatamasang karangyaan sa buhay ng buong pamilya. Meron letrang “A’ sa apelyido ang una, as in Ang hilig sa matandang karelasyon at meron “M” ang ikalawa, as in Magnanakaw po sila mula sa Lower House. (mgakurimaw.blogspot.com)


http://www.abante-tonite.com/issue/dec0709/hulaan_blues.htm

No comments: