|
2 solon nagtawagang ‘sweetheart’ sa session hall |
|
Bagama’t paulit-ulit itinatangging nagkaroon ng relasyon sa panahong magkasamang naglingkod sa nagdaang administrasyon, ngayo’y harapang tinawag na “sweetheart” ng isang mambabatas ang kasamahang lady solon. Ang nakakatawa lamang, sa halip kiligin si Mang Teban, matinding pagkadiri ang naramdaman dahil wala sa hulog ang pagtatawagan ng “sweetheart” ng dalawang mambabatas lalo pa’t parehong nalipasan ng panahon at may sariling pamilya ang mga ito.
Nakarelasyon ng mambabatas ang kasamahang lady solon bago pa man nagsama sa Kongreso, partikular sa panahong naglilingkod sa nagdaang administrasyon kung saan parehong malaya o wala pang asawa ang mga ito.
Nang magkahiwalay ang dalawa at magkaroon ng sariling karelasyon, mas naunang nag-asawa ang lady solon bago pa man nakapasok sa Kongreso, alinsunod sa payo ng mga feng-shui experts, kalakip ang paniwalang mamalasin ang kandidatura kung mananatiling single ito.
Kung kailan parehong nakatali sa kanilang asawa, mistulang kinukumpirma ngayon ng mambabatas ang naunang pakikipag-relasyon sa lady solon dahil harapang tinawag itong “sweetheart” sa loob ng session.
Pintahan n’yo na; Parehong pumupuntirya ng mataas na posisyon ang dalawang mambabatas. Kung senado o kongresista, ito’y parehong anak-mayaman at ipinanganak na may gintong kutsara sa bunganga.
|
http://www.abante.com.ph/issue/dec0409/kartada5.htm
No comments:
Post a Comment