Thursday, December 17, 2009

december 17 2009 abante tonite

Bayani sina Dick at Jamby!
Rey Marfil


Sa halip kutyain at ismolin ang pagtakbo nina Dick Gordon at Doña Consuelo, alyas Jamby Madrigal, kesyo ‘panapon’ at aksaya-laway ang bawat diskurso sa entablado, ito’y dapat pang papurihan at hangaan, aba’y walang ka­sing-lakas ng loob ang dala­wa. Kahit maubos ang lahat ng kinita ni Manny Villar sa pamba­yad ng TV ads, ito’y mero­n pang babalikang 3-taon sa Upper House, katu­lad din ni Noynoy Aquino.

Sa lahat ng tumatakbo sa 2010 election, ‘di hamak pinakamasuwerte ang kaibi­gang matalik ni Edong Angara -- si Loren Sinta, aba’y puwedeng pang tabihan sa session hall ang mga ‘political mongrel’ kahit malasin kay Mar Roxas. At malaking kalokohan kung walang ‘deal’ na inilatag si Sinta, kapalit ng ‘pagyakap’ kay Villar lalo pa’t isinusumpa sa C-5 road scandal, mali­ban kung intriga lamang ang P500 milyon hanggang P1-bil­yong reward?

Ikumpara sina Dick Gordon at Dona Consuelo, ito’y sure winner kung humirit ng reelection subalit iba ang tumatakbo sa isipan ng dalawa -- paniwalang mananalo ang bawat isa, maliban kung napagod si Dick sa kadadal­dal at gustong mag-explore sa ibang bagay o kaya’y pinatakbo ng Malacañang upang hatiin ang boto ng kalaban?

Sa kaso ni Doña Consuelo, abangan ang inihahandang party ng Senate media, aba’y hindi umatras sa last minute ang lady solon at itinu­loy ang pagtakbong Pangulo -- nanga­ngahulugang epektibo ang nobena at orasyon tuwing alas-sais ng hapon. Sa malamang, babaha ng pandesal at mamon sa PIMRO mula kay Pan de Pidro, as in ex-Senate media director Peter Sing, isama natin ang chicken at ‘patak-patak system’ ni ABS-CBN reporter Lynda Jumilla tuwing Huwebes. At sa malamang, masaya si Ted Failon!
***
Napag-usapan ang 2010, lumuwag ang senatorial race sa pag-atras nina Dick at Doña Consuelo -- ito ang mala­king rason kung bakit nagkaroon ng ‘last minute fi­ling, katulad ni Gilbert Remulla (NP) at iba pang senatoriables na nasa labas ng Magic 12. Balikan ang huling Pulse Asia at SWS survey, limang senatoriables ang tumakbo sa mas mataas na posisyon. Ibig sabihin, hindi kasama sa bilang ang tatlong vice presidentiables -- sina Roxas, Jojo Binay at Edu Manzano, plus Doña Consuelo.

Habang si Koko Pimentel, mas piniling umasa ng ‘himala’ mula sa Senate Electoral Tribunal (SET) members. Iyon nga lang, nakumbinse ni Villar si Ate Gwen -- elder daughter ni Senator Nene Pimentel. Kung palarin sa 2010 si Ate Gwen at pumabor kay Koko ang election protest kontra Migz Zubiri, dalawang set ng magkapatid ang mag-seatmate -- ito’y kapareho ng Cayetano siblings.

Hindi kailangang UP graduate para maintindihan kung paano nabuhayan ng dugo ang ibang senatoriables, katulad nina Ralph Recto at Tito Sotto. Sa hu­ling SWS at Pulse Asia survey, naglalaro sa No. 7 si Recto habang No. 11 si Sotto -- nasa unahan ng dalawan­g ex-senator sina Roxas, Edu Manzano, Koko Pimentel at Doña Consuelo.

Kaya’t huwag ikagulat kung umakyat sa Top 5 sina Recto at Sotto, maging ang pagpasok sa Magic 12 ni Manong Johnny Enrile. Ewan lang kung uubra ang pagrorosaryo nina Silvestre Bello, Ramon Guico Jr., Raul Lambino at Jesus Arranza, aba’y mukhang kapitbahay lamang ang nakakilala, ‘di bale si Pareng Rey Langit, aba’y kakampi ang heaven and earth, isama natin pati wind and fire, sabay kanta ng Reason (with the tune of Yaaah).

Kung gusto n’yo malayo sa tukso, iboto si Imelda Papin, sampu ng taga-KBL, ewan lang kung kakayanin ng inyong po­wers sina Alma Lood, Hector Villanueva, Ma. Judea Millor, Regalado Maambong at Shariff Ibrahim Albani!

Kung tutuusin, kabayanihan pa ngang maituturing ang ginawa nina Dick at Doña Consuelo, aba’y bagong mukha ang iko-cover ng Senate reporters at mababawasan ang oras sa diskusyon, as in hindi magkaka-flashflood ng laway sa floor.

Ang tanong lamang: kung mananalo ang mga katulad nina Monmon Mitra, at Toots Ople lalo pa’t nalipasan ng panahon ang apel­yido ng ama? Paano pa kaya sina Martin Bautista at Yasmin Busran-Lao ng Libe­ral? Isa pang question: kilala n’yo ba sina Adrian Sison, Hector Tarrazona, Jo Aurea Imbong, Ma. Gracia Riñoza-Plazo, Manue­l Valdehues­a Jr., Reginald Ta­mayo, at Rizalito David ng Ang Kapatiran Group?

Kung mismong Spy, walang maha­nap na sagot, iyon pa ka­yang tambay sa kanto. Kung gusto n’yo pang magka-migraine, heto pa ang ilang ‘sena­toriables kuno’ -- Israel Virgines, Ramoncito Ocampo, Reynaldo Princesa, at Zafrullah Alonto, aba’y tropa lang ni Bro. Eddie Villanueva sa Ba­ngon Pilipinas ang naka­kilala. (mgakurimaw.blogspot.com)

http://www.abante-tonite.com/issue/dec1709/opinions_spy.htm


1 comment:

Benedict said...

Hi Sir, you may not know Mr. Ramon Guico but FYI he is the President of the League of Municipalities of the Philippines and the Mayor of the town of Binalonan in Pangasinan. He has many plans that will benefit all Filipinos, he aims to strengthen the local government, and provide faster and improved services to the people.

Let's be informed before we say anything.