Mistulang ‘napaso’ sa kahihiyang inabot sa nakaraang dalawang Pasko ang dalawang miyembro ng Kongreso matapos maging galante at gawing magarbo ang inisponsorang Christmas party kabaliktaran sa pagiging saksakan ng kunat ng mga ito.
Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano nagbago ng diskarte ang dalawang miyembro ng Kongreso ngayong Pasko, patunay ang pagpapa-raffle ng mamahaling regalo o gift items.
Dati-rati’y P250 halaga ng load at mahiwagang kalan ang ipinara-raffle sa taunang joint Christmas party, ngayo’y tinamaan ng konting kahihiyan ang dalawang mambabatas dahil may ‘konting weight’, as in bigat ang mga pamasko at premyo ng mga kumag.
Maliban sa magarbong premyo, binago rin ng dalawang solon ang venue ng Christmas party dahil nagawi sa kilalang restaurant, partikular sa mayamang lungsod sa National Capital Region (NCR) gayong nakasanayan sa nagdaang dalawang taon ang mag-tipar sa pipitsuging lugar.
Sa nagdaang dalawang Christmas party na inisponsoran ng dalawang solon, puro libre ang venue, gamit ang kanilang impluwensiya bilang government officials, as in ayaw gumastos gayong multi-milyon ang pork barrel, insertion at kickback.
Mula sa P250 load at mahiwagang kalan na Chinese character ang tatak, naging IPOD Nano ang pa-raffle ng dalawang solon at itinaas sa P500 ang load, hindi pa kabilang ang pagbaha ng mga cash prizes sa major event, pinakamahina ang tig-P1 libo hanggang P2 libo.
Ang matinding revelation sa lahat, wala ring naganap na ‘picture taking’ o photo ops sa sinumang nanalo ng P500 load taliwas nakaugaliang gawin ng mga staff sa nakaraang dalawang taong Christmas party bilang ebidensiya na merong nanalo sa pa-raffle ng kanilang amo.
Clue: Parehong political butterfly ang dalawang solon at ‘pera-pera’ ang policy kaya’t nagpalipat-lipat ng organisasyon. Idinadaan sa pagsasabi ng “God Bless’ kaya’t maraming nauutong pulitiko ang unang solon habang puro pagpadyak at ribbon cutting ang bisyo ng ikalawang solon. Kung senador o kongresista, ipagtanong kina Matet at Lotlot ng Senado (mgakurimaw.blogspot.com)
|
2 comments:
Ito ba ay si Bonjing at ang feeling-maganda niyang kapatid? Kawawang Pinas talaga.
galing mo
Post a Comment