Tuesday, July 7, 2009

july 7 2009 abante tonite

Walang katulad si Secretary!
Rey Marfil


Mapa-August Moon o Moon cake, walang dapat ikagulat ang publiko kung planong palawigin ng PMA Class 78 ang termino ni Mrs. Gloria Arroyo, aba’y nagkalat sa gabinete ang promotor ng militarisasyon sa departamento. Hindi natin babanggitin ang pa­ngalan subalit nagpupu­yos sa galit ang mga kawani at ilang opisyal dahil mahigit 100 sundalo ang nagka-kampo sa tanggapan ng isang paboritong gabinete ni Mrs. Arroyo.

Mantakin n’yo, sa loob ng panu­nungkulan bilang Secretary, walang ibang inatupag kundi magdagdag ng sundalo, ma­liban kung pinapalakas ang security agency business at frustration ang pagkakaroon ng private army?

Napaka-technical ng trabaho sa departamento suba­lit puro “X-men”, as in ex-sergeant, ex-captain, ex-co­lonel at ex-general ang nakapwesto sa mga sensitibong posisyon kaya’t bad trip ang lahat ng mga bete­rano sa departamento, aba’y nagmukhang tutorial school para ipaintindi sa mga ni-recruit ni Secretary kung ano ang kanilang trabaho.

Take note: ganito rin ang reklamo ng mga opisyales at tauhan ng isa pang departamentong pinangasiwaan ni Secretary bago nailipat ito.

Ang masakit, sadyang malakas kay Mrs. Arroyo si Secretary at kahit inabot ng kamalasan sa isa pang departamento at naging kontrobersyal ang rubout case sa grupo ng mga pinaghihinalaang kidnappers sa isang business district, ito’y na-appoint.

Ni sa panaginip, ayokong isi­ping pang-bundok ang kategorya ni Secretary at hindi puwedeng magtrabaho bilang sibilyan dahil nagkakaroon ng krisis. Huwag lang malilipat bilang Executive Secretary, baka hindi uma­bot ng Hunyo 30 si Mrs. A­rroyo, aba’y nagka-krisis sa bawat lilipatang department ni Secretary!
***
Kung gaano kaseryoso para bakbakan ang kanilang amo, sumulat ang mga nag-aalburutong empleyado kay Senadora Miriam Santiago at pinaiimbestigahan ang dalawang kumpanyang ipinasa-pribado. Kundi nagkakamali ang Spy, pinapa-submit kay Secretary ang plantilla o listahan ng mga ipinasok dahil nauwi sa Department of Retired Soldiers (DRS) ang opisina nito.

Sa sumbong kay Santiago, malinaw ang katagang: “The department is the new branch of the Philip­pine Army (PA). We have more generals and soldiers going after the oil business than fighting the rebels.”

Maging itinalagang chief of staff (COS) ni Secretary, sa katauhan ng isa pang ex-general -- ito’y kinukuwestyong walang ‘accoun­tability’ kapag napa-trouble dahil nagtatrabaho kahit walang ‘go signal’ ang palasyo o wala pang papeles ito.

Ganito rin ang hiwagang bumabalot sa pagkakata­laga ng isa pang Undersecretary sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP), aba’y sob­ra-sobrang pagbabayad ng utang na loob ang ginagawa ni Mrs. Arroyo kay Secre­tary, kulang na lang, pati yaya at security sa kanilang bahay, ito’y ipa-appoint!

In fairness kay Secretary, ito’y sobrang napa­kabait sa mga kapwa sundalo dahil libre kain at palaging inaangkas sa biyahe. Iyon lang, puro kaibigan ang namamayagpag sa multi-mil­yong project, as in idinadaan lamang sa palakpak ang pagsasara ng kontrata kahit wala sa tono kung kumanta.

Hindi lang iyan, maging security guards sa lahat ng mga departamentong naupuan ni Secretary, ito’y hawak ng opisyal kaya’t doble-kita. Maging apat (4) pang opisina ni Secretary, animo’y barracks sa dami ng sun­dalong nakabantay. Tala­gang ‘one of a kind’ si Secretary, aba’y nasahod ang lahat nang magsaboy ng su­werte si Mrs. Arroyo!

Ang malupit sa lahat, walang pakialam si Secretary sa panawagang pagti­tipid ni Mrs. Arroyo dahil ‘nagmumumog’ ng gasolina ang service car at sangkaterbang back-up vehicles -- ito’y naka-Expedition at tatlong (3) vans, hindi pa kabilang ang tatlong (3) hagad na walang plate number, pagkatapos palagi pang huli sa mga meeting at kadalasa’y lagpas ng 12:00 ng hatinggabi kung matapos ang meeting.

Sabagay, puro abroad at pagwawaldas din naman ang kanyang amo. ‘Ika nga ‘kung ano ang ginagawa ni Gloria, ito’y nagiging tama sa mata ng kanyang mga bata’. (mgakurimaw.blogspot.com)

1 comment:

mgakurimaw said...

comment,,, comment