Hindi pa man tumatakbo bilang Presidente, kaagad nakitaan ng kahinaan ang isang presidentiable kapag nakarating sa MalacaƱang, patunay ang lantarang pagpapadikta at pagpapauto sa mga tauhang nakapalibot dito. Sa impormasyong nakalap ng TONITE Spy, maraming bad trip sa diskarte ng presidentiable dahil walang matinong desisyon at palaging ikinukunsulta sa mga taong nakapalibot ang bawat gagawin nito.
Kundi nga lamang narating ang posisyong pinanghahawakan ngayon sa gobyerno, mapagkakamalang ‘special child’ ang presidentiable dahil kailangan pang i-tutor ng mga taong nakapalibot, as in hindi makakapagdesisyon ng sarili ito, animo’y takot mapalo ng kanyang titser o kaya’y masinghalan ng katabi.
Hindi naman kinagulat ng mga naglipanang kurimaw sa campaign headquarters ng presidentiable ang ganitong pag-uugali at diskarte ng kanilang amo lalo pa’t lumaking pinupunasan ang kanyang puwet ng kanyang ate at mommy kapag naiihi sa salawal, as in kinalakihang nagpapadikta sa mga kapatid.
Kilalang ‘mama’s boy’ ang presidentiable at walang sariling palo, as in kailangang ikunsulta sa kanyang ate at ina ang bawat desisyon kaya’t hindi bago sa pandinig ng mga kurimaw ang pang-grade school nitong diskarte.
Sa haba-haba ng panahong ginugol sa pulitika, hindi pa rin nagbabago ng diskarte ang presidentiable, pinakahuli ngayong naghahanda para sumabak sa presidential derby sa 2010 kung saan nagpapadikta pa rin ang kumag kahit nagpakadalubhasa sa kanyang propesyon.
Kahit makailang-beses nang nagpakita ng tapang ang presidentiable sa ilang malalaking isyu, ‘naba-bakla’ naman ito sa mga desisyon kapag nasusulsulan ng mga nagsisilbing adviser o tagapayo sa pulitika kung kaya’t hindi makaangat nang deretso sa mga survey ang mokong.
Clue: Madaling makilala ang presidentiable lalo pa’t nauuso ang commercial sa telebisyon. Kung senador o gabinete, ito’y meron letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido. (mgakurimaw.blogspot.com) |
1 comment:
hula, hula na
Post a Comment