Dahil hindi nagsisinungaling ang ebidensiya, napagkamalang alalay o tsaperon ang misis ng isang ambisyosong presidentiable sa isang wedding ceremony tulad ng mga dumadayo para makikain sa mga handaan gayong ninang sa kasal ang role nito. Halos maglupasay sa katatawa si Mang Teban matapos masaksihan kung paano mapagkamalang miron, as in usisero ang misis ng presidentiable, partikular sa kasalang dinaluhan nito.
Ang masakit sa lahat, isa sa pinakagalanteng principal sponsor ang misis ng presidentiable sa wedding rites subalit napagkamalan pang miron, katulad ng mga nakikidayo para makakain nang libre sa mga handaan at kasalan.
Dahil kilalang pamil ya ang ikinasal, pawang kila lang pulitiko at perso nalidad ang tumayong principal sponsor at makaraan ang wedding rites, ilang kamag-anakan ng ikinasal ang nagpakuha ng litrato sa mga ninong at ninang.
Sa puntong ito, dalawan g kinikilig na bebot ang lumapit sa kila lang male politician para magpakuha ng litrato, as in humirit ng opportunity (photo ops) na agad namang pinagbigyan.
Dahil mag-partner sa wedding rites bilang principal sponsor, katabi lamang ng male politician ang misis ng ambisyosong presidentiable kaya inimbitahang sumama sa picture taking at kaagad ding pinaunlakan ng huli.
Taliwas sa inaasahan ng male politician, napagkalamang miron o ordinaryong bisita ang misis ng presidentiable dahil ginawang litratista matapos utusan ng dalawang bebot na kunan, kasama ang una, sabay abot ng kanilang camera rito.
Pintahan n’yo na: Malakas ang arrive ng male politician at inaasahang makakabangga ng ambisyosong presidentiable sa 2010 election. Kung sino ang misis ng presidentiable, ito’y binansagang “Chocolate”. (mgakurimaw.blogspot.com)
|
2 comments:
hula,hula
Link exchange is nothing else however it is only placing the
other person's webpage link on your page at appropriate place and other person will also do same in support of you.
Feel free to visit my blog :: calories burnt walking
Post a Comment