Tuesday, July 28, 2009

july 28 2009 abante tonite

Ang esmi ni cabinet official!
Rey Marfil


Kahit araw-araw pang mag-guest sa Wowowee si Manny Villar Jr., hindi matatakasan ang ethics probe sa C-5 road scandal at hindi rin matatakpan sa dami ng TV commercials ang double insertion, sampu ng mga subdibisyong nakinabang sa proyekto kahit walang eleksyong maganap sa 2010.

Ang ikinasusuka ng mga taga-Norzagaray, Bulacan, hindi makaharap sa Committee of the Whole si Villar subalit napakara­ming oras sa noontime show ni Willie Revillame at nagawa pang mamudmod ng bahay gayong hindi mabayaran ang kanilang lupa. Ni sa pana­ginip, ayokong isiping ‘Gloria in the making’ si Villar kapag naupo sa Malacañang, hindi ba’t puro takbo ang formula ng First Family sa bawat anomalya?


At ayaw ding isipin ng mga kurimaw na nagkaroon ng ‘triple insertion’ sa SWS survey, aba’y No. 1 ang mister ni Mam Cynthia Villar -- ito’y napakalayo sa Pulse Asia survey dahil pang-No. 5. Mantakin n’yo, ‘pick 3’ ang madalas gami­ting scheme ng SWS, as in tatlong (3) presidentiables ang hinihingi sa mga respondents, animo’y ginawa pang lotto.

Ang tanong ng mga kurimaw: kailan ba nagkaroon ng tatlong (3) Presidente sa Pilipinas, maliban kung aral kay ex-House Speaker Jose de Venecia Jr., si Mahar Mangahas at gustong lagyan ng Deputy President sa Visayas, Luzon at Mindanao? Teka lang, saan babawiin ni Villar ang paunang multi-milyong pisong ginagastos sa propaganda, ala­ngang ‘ilista sa tubig’ kapag nakarating ng Malacañang, ito’y siguradong merong pagkukunan!
***
Hindi natin babanggitin ang pangalan subalit alam n’yo bang nawindang at na-bad trip ang Palace choreo-grapher sa inasal ng misis ng isang ambisyosong cabinet official nu’ng nakaraang Independence Day Ball sa Malacañang -- ito’y dinaluhan ng mga business magnates at socialites, as in nagkalat ang mga ‘polite’ -- ang ka-tropa ng mga plastic.

Ang rason: always late sa cotillion rehearsals ang misis ng ambisyosong cabinet official. Ang isa pang ikinasusuka ng mga kurimaw, pinahihintay ang lahat ng VIP participants at palaging ‘center of attraction’ ang drama dahil gustong napapansin palagi ng mga kasama sa rehearsal.


Ang malupit sa lahat, sa mismong araw ng Independence Day Ball, ma­tinding pang-aagaw eksena ang ginawa ng ‘comman­der-in-chief’ ng ambisyosong ca­binet official, aba’y ‘naka-brightly colored Venus-cut gown’, as in wala sa dress code o napag-usapang damit ang kasuotan. Kundi nagkakamali ang Spy, ternong pastel ang dress code.

Ang resulta: pinagtitinginan ng mga bisita dahil naiiba ang damit nang mag-cotillion dance. Iyon lang, natupad ang misyon sa buhay, ito’y center of attraction. Hindi lang iyan, ‘nabaliw’ ang kilalang fashion designer habang ginagawa ang gown, aba’y pinakiki­alaman ang disenyo at tabas. Ang protocol sa couturier gown, kailangang irespeto ang crea-tive process ng designer. Ibig sabihin, kung ayaw mo sa kanyang ideya, patahi ka sa mga sastre sa kanto ng Arciaga, Quiapo, Maynila. Kaya’t nakakatakot kapag nanalo ang kanyang mister, baka mas masahol sa lahat ng mga ‘first lady’ kapag nabigyan ng konting papel!
***
Pahabol: Happy anniversary sa mga kababayan na­ting “kapatid” sa Iglesia ni Cristo, aba’y napakala­king selebrasyon ang ginawa kahapon at walang binatbat ang SONA ni Mrs. Arroyo. Wala tayong kamalay-malay, naka-95 taon ang INC sa Pilipinas. Sino bang mag-aakalang lalawak ang relihiyong ito ga­yong si­singhap-singhap lang noon, ina­api at hinahamak.

Ito lang ang alam kong relihiyon na nagmula sa Pilipinas at may mga sangay sa ibang bansa. Parang kuwento rin ni David, maliit ngunit tinalo ang higante. Ang mga pulitiko nga, nagkakandarapa sa pagbati sa INC sa kanilang ani-bersaryo. Talagang mara-ming ‘piranha’ sa Pilipinas, inaakalang nakukuha sa pagbati ang suporta ng INC. Sabagay, hindi matatawaran ang katatagan ng kaisahan ng relihiyong ito. At ang susi diyan, maga­ling na liderato. Kahit itanong n’yo pa kina Ate Arlene Dela Cruz, Gerry Baja at Sir Anthony Taberna! (mgakurimaw.blogspot.com)