Thursday, May 7, 2009

may 7 2009 abante tonite

Magpapagod lang kayo!
Rey Marfil


Kahit pakyawin ng mga kampon ni Mrs. Arroyo ang air time sa radyo at telebisyon o kaya’y bilihin ang bawat pahina ng peryodiko, simula sa pinakamalaking diyaryo hanggang school paper, suntok sa buwan kung mananalo ang mga nag-aambisyong makatabi ng upuan sina Mulaway at Boy Kornik ng Senado.

Wala sa dami ng commercial ang panalo ng isang senatoriable, patunay ang kaso nina Chavit Singson, Prospero Pichay at Mike Defensor na sandamukal ang commercial subalit umuwing luhaan. Mismong si NEDA chief Ralph Recto, isang ‘reelectionist senator’ at asawa ng tinaguriang ‘star for all season’ -- si Vilma Santos, ito’y nasilat noong 2007 election.

Kung hindi ‘tumubo’ si Pichay at ‘natisod’ si walkin­g Tol Mike, sa malamang ma­ngingitim ang bigote at buhok ni TESDA chief Buboy Syjuco, aba’y hindi nga manalong Congressman ng Makati at paulit-ulit inilampaso ni Senator Joker, iyon pa kayang ambisyunin ang Senate seat?

Mabuti lang, na-trace ang hometown ng mga parents sa Ilo­ilo province kaya’t nakarating ng Congress. Ibig sabihin, magpapagod lamang si Syjuco sa 2010, katulad ni Chavit, hindi ba’t napipi “Ang boses ng mga taga-Probinsiya” noong 2007 gayong isa sa highest spender? Ang masakit, ‘bulag’ ang publiko kung sino ang nagpondo ng infomercial at katarantaduhan kung sariling bulsa ang magbaba­yad sa prime time slot.

Maliban kay Syjuco, puro pagmumukha ni DOH Sec. Francisco Duque ang laman ng peryodiko, pati pagsisipsip kay Mrs. Arroyo sa kanyang birthday, hindi pinatawad ng gabinete. Mantakin n’yo, milyones ang ginastos sa ‘birthday gree­tings’, gamit ang malaking tabloid at broadsheet gayong piso lang ang text.

Kung hindi pondo ng DOH ang ginastos sa infomercial, mas maraming ipapaliwanag si Duque, aba’y anong kapalit kung isang pharmaceutical o drug manufactu­rers ang nagbayad ng placement fee?
***
Napag-usapan ang sena­torial race, puro ‘panapon’ ang mga nagsusulputang senatoriables ni Mrs. Arroyo. Subukan n’yong ipagtanong ang pa­ngalan ni Kuya Efraim Ge­nuino, kahit sugarol at tambay ng casino, walang paki­alam kung sino ang Pagcor chief, iyon pa kayang nagla­laro ng ‘kara-cruz’, at tong-its sa kanto?

Kung si Cesar Montano, naturingang ‘best actor’ at nagampanan lahat ng karakter sa pelikula, mapa-Jose Rizal at Muro-Ami, ito’y hindi nakakita ng ‘Bagong Buwan’ sa pulitika kaya’t nauwi sa ‘Singing Bee’ at nakikikanta. In fairness kay Buboy, ito’y posibleng nasulsulan lamang dahil pagka-governor ng Bohol ang unang puntirya nito!

Kung meron nakakapanghinayang sa hanay ng gabinete ni Mrs. Arroyo at may karapatang makatabi ng upuan si Senate President Juan Ponce Enrile -- sina Finance Sec. Gary Teves at Agriculture Sec. Artur Yap. Hindi matatawaran ang credentials at husay ng dalawang gabinete kung trabaho ang pag-uusapan, iyon nga lang, hindi umaakyat sa survey dahil nakatatak ang imahe ni Mrs. Arroyo.

At kapag naging senador si Jun Lozada, katulad nang nangyari sa katukayo ni Joselito Cayetano na nag-expose ng hiladong bank account ni FG Mike Arroyo kaya’t na-ethics, walang ibang dapat sisihin si Mrs. Arroyo kundi si Tol Mike. Alam n’yo naman sa Pilipinas, madalas manalo ang ‘underdog’, isang taktika ngayon ni Senador Manny Villar sa ethics probe.. Ika nga ni XP Frank Drilon ‘makapatay ka ng tao, ito’y makakalimutan ng kapit-bahay mo pero kahit isang pasong lupa ang isyu, magpapatayan kayo’. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

7 comments:

mgakurimaw said...

comment, comment...........

paul said...

Rey, kahit malabo, umaasa pa rin akong magkakaruon ng katinuan ang susunod na eleksyon.

Sana suriin ng mga tao iyong mga may tunay na kwalipikasyon.

Kung ordinaryong empleyado ng pamahalaan eh kelangan ng college degree, paano pa ang senador o presidente at vice president.

Pero hindi lang college degree siguro ang kelangan para sa mga matataas na posisyong ito.

Kelangan din iyong may pruweba sa kakayanang magbuo ng batas (kung legislator) at may pruweba sa pagpapatupad ng mga makabuluhang programa (kung executive).

Ang problema kasi, ginagawa nating biro ang halalan ng bansa. Kaya sa huli, nagsisisi tayo sa nailuluklok sa pwesto.

mgakurimaw said...

sana nga... magkaroon ng pagbabago. sa mga senatorial bet ni gma, may nakikita ka bang matino?

paul said...

Si Gary Teves, medyo okay. At least magkakaruon tayo ng isang may kaalaman sa taxation at financial policies. Kaso, walang dating.

yanmaneee said...

timberland outlet
nike air max
balenciaga shoes
bape hoodie
nike lebron 15
curry 5 shoes
air jordan
yeezy boost 350 v2
balenciaga sneakers
balenciaga sneakers

peshesm said...

find out here now click to find out more have a peek at this site see post image source Continued

Anonymous said...

b1k56i3j60 f1q21a6v38 p3v48n4q07 y7x97h7c81 y7f36j6p50 u2w24h9m24