Kung nagkalat ang mga ‘taong-labas’ sa kanayunan, isang mestisuhing miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang ‘labas-brief’, animo’y school boy na hindi marunong manamit at tumandang engot sa pananamit.
Katulad ng kasabihang mahirap ituwid ang matandang sanga at hindi nabibili ang porma, sadyang napaka-badoy at hindi uubra sa panlasa ng mga pasyonistang sina Rajo Laurel, Pitoy Moreno at Paul Cabral ang mestisuhing senador.
Hindi maiwasang pagtawanan ng mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy, ang kakaibang estilo sa pananamit ng isang mestisuhing senador dahil hindi man lamang natutunan ang tamang-porma gayong nagkasungay na sa pulitika ito.
Hanggang ngayon, hindi man lamang naturuan ng konting kaalaman sa fashion ang mestisuhing senador dahil simula grade school hanggang magtapos sa high school at kolehiyo, hindi pa rin nagbabago ng porma at pananamit ito.
Sa unang tingin, hindi mapapansing ‘badoy’ pumorma ang mestisuhing senador subalit kapag sinipat ang kasuotan at tinanggalan ng Amerikana o kaya’y Barong, walang binatbat ang mga taga-probinsya, as in ‘tulonges’ ang mokong.
Ang rason, ‘labas-brief’ kapag pumorma o magbihis ang mestisuhing senador dahil nakaipit sa kanyang underwear ang kasuotang pang-itaas, katulad ng polo o kaya’y T-shirt ito.
Dahil labas-brief ang mestisuhing senador, madalas sentro ng katatawanan sa hanay ng mga kaibigan ang estilo ng pananamit ng mokong, katulad din ng nakaugaliang tuksuhan sa high school at kolehiyo.
Tanging ipinagpasalamat ng mga tauhan ng mestisuhing senador, hindi makakantiyawan ang kanilang amo kahit ‘labas-brief’ ang porma ngayon dahil ‘branded’, as in may tatak ang kasuotang underwear ng kumag.
Clue: Napaka-traydor sa kaibigan ng mestisuhing senador at kinagat lahat ng nakatulong. Ito’y meron letrang “A” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in Ate si Lotlot.(www.mgakurimaw.blogspot.com)
2 comments:
hula, hula, hula... kung meron kayong mai-share, ipadala nyo lang...tnx
Hindi naman siguro si jAmby mAdrigAl yan, unless nagbri-brief. Huwahahaha!
Post a Comment