Sadyang walang pagbabago ang isang miyembro                      ng Upper House dahil muling umatake ang pagiging manyakis,                      pinakahuli ang ginawang paglalaway sa mga magagandang                      estudyante mula sa kilalang exclusive schools.                                         Bagama’t kamuntikang nasampolan ng sexual harassment,                      lubhang manyakis ang senador at hindi maitago ni Mang Teban                      ang mandiri matapos makitang ‘tulo-laway’ ang                      mambabatas sa mga naggagandahang ‘school girls’.                                         Unang naispatang ini-interbyu ng ilang reporter ang senador                      sa loob ng session hall subalit nang mapansin ang naggagandahang                      ‘school girls’ sa hallway, ito’y napatingin                      sa mga bebot at nawala sa isyu ang mga isinasagot.                                         Ang matinding revelation sa lahat, nagawang layasan ng senador                      ang grupo ng mga reporter kausap sa session hall at diretsahang                      inamin pang naistorbo ang pagpapakuha ng picture                      sa mga bebot.                                         Kaagad nilapitan ng senador ang mga naggagandahang estudyante                      at mabilis nagpakuha ng litrato, sabay hawak sa baywang                      ng mga nakatabing bebot, animo’y ikinikiskis sa katawan                      nito.                                         Lingid sa kaalaman ng mga naggagandahang ‘school girls’                      na manyakis ang senador dahil tuwang-tuwa pang nagpakuha                      ng litrato kahit harap-harapang tsina-tsansingan ang mga ito,                      katulad ng nakagawian ng solon sa sinumang makursunadahang                      bebot.                                         Pintahan n’yo na: Hindi kuwestyon ang husay ng senador                      sa paglikha ng batas subalit numero unong ‘staff killer’                      dahil walang pinapalagpas sa mga tauhan basta’t mestisahin                      at tsinita. Ito’y merong letrang “A” sa                      pangalan at apelyido, as in Ang Manyak.
  | 
2 comments:
hula, hula............
He's always in blind item kapag staff killer ang tema. Ang gara siguro ng buhay niya.
Post a Comment