Sa pinakahuling Statement of Assets and Liabilities (SAL), nadagdagan ng P44 milyon ang yaman ni Mrs. Gloria Arroyo, ito’y walang binatbat kay Senador Manuel Villar Jr., aba’y P691 milyon sa loob ng anim (6) na taon. Ibig sabihin, P115.16 milyon kada taon ang ‘iniyaman’ ni Villar, simula 2001 hanggang 2007.
Ang huling account ni Villar, ito’y umabot sa P1.047 bilyon, napakalayo sa P355.85 milyong assets bilang House Speaker, as in pumangalawa lamang kay ex-Manila Cong. Mark Jimenez noong 2001.
At simula 2002, wala nang nakatalo sa yaman ni Villar, ito’y nagtala ng P482 milyong assets at lumobo noong 2003 dahil umakyat sa P531.2 milyon. At noong 2005, pumalo sa P760 milyon at mas nadagdagan ang yaman ni Villar noong 2006 dahil umabot sa P916 milyon, pinakamalupit noong Disyembre 2008, ito’y umabot sa P1,047 bilyon. At katulad sa mga nagdaang taon, wala ring naitalang liabilities o utang ang senador.
Kaya’t kalokohan kundi kasama sa idineklarang assets ni Villar ang kinita sa mga pag-aaring subdibisyon na dinaanan ng C-5 road project na ngayo’y iniimbestigahan ng Committee of the Whole!
***
Hindi kailangang graduate ng economics upang maintindihan ang problema sa electricity rates, bakit hindi gawing prayoridad ni Mrs. Arroyo ang ‘twin bills’ ni Senate President Juan Ponce Enrile -- ang Senate Bill 3147 at Senate Bill 3148.
Napakalaki ang pagkakaiba ng taxes at royalties sa pagitan ng indigenous sources energy at imported fuel. Kapag ikinumpara ang indigenous petroleum at iba pang “extractive industries”, katulad ng pagmimina, aba’y 60% ang royalties tax sa indigenous sources energy gayong 3% lamang sa pagmimina.
Hanggang ngayon, consistent sa No. 2 spot ang Pilipinas sa napakataas ang presyo ng elektrisidad sa Asya. Ang ‘twin bills’ ni Manong Johnny ang sagot sa pagdurusa ng mga Pilipino dahil ibababa ang exploration, development at production ng mga indigenous energy resources.
Ikumpara sa Malaysia, Thailand, Vietnam at Indonesia, tanging Pilipinas ang nagpapatupad ng higher royalties sa “domestic use” ng indigenous resources. Kaya’t ang tanong ng mga kurimaw, bakit hindi pakinabangan ang sariling enerhiyang nagmumula sa natural na yaman ng bansa, sa pamamagitan ng mas mababang power rates?
At bakit hindi bawasan ang royalties sa natural gas, aba’y umaabot sa P1.46 per kilowatt hour ang matatapyas sa konsumo ng kuryente. Hindi lang iyan, magiging ‘uniform’ sa 3% ang franchise tax sa distribution utilities sa ilalim ng SB 3147 -- ito’y magbibigay benipisyo sa mga consumers at matatanggal ang passed-on electricity charges na awtomatikong binabayaran kahit iba ang gumagamit.
***
Napag-usapan ang ‘twin bills’ ni Manong Johnny, animo’y nakadale ng ‘twins’ si Hayden, sa katauhan ng dalawang (2) young actress. Nakakaawa ang mga nabiktima ni Dr. Hayden Kho at nakakagulat ang mga kababaihang naka-sex nito. Hindi natin babanggitin ang pangalan subalit ilan lamang sa matunog ang dalawang (2) alaga ng Channel 2, isa rito’y nagbida sa maraming soap opera o teleserye habang ‘promising star’ ang ikalawang young actress.
Sa impormasyong natanggap ng Spy, nasampal ng inang aktres ang ikalawang young actress at namaga ang pisngi nang madiskubreng nakarelasyon si Hayden.
Napakalinis ng imahe ng dalawang (2) young actress -- ang una’y pa-tweetums ang arrive sa commercial at hindi nasangkot sa kung kani-kaninong lalaki. Ang ikalawang young actress, ito’y modelo ng mga kabataan at kapag lumabas ang sex video, asahang masisira ang reputasyon ng mga magulang.
At kahit sa panaginip, hindi maiisip ng mga kurimaw na papatol ang dalawang (2) young actress kay Hayden. Anyway, kalat na rin ngayon ang sex video ng isa pang sexy actress mula GMA 7 na naunang naeskandalong nakarelasyon ni Hayden. Take note: tumagal ng 20-minuto ang sex video, ito’y ilang cut lamang sa 40 videos ni Hayden. (www.mgakurimaw.blogspot.com)
1 comment:
comment, comment
Post a Comment