Lalo pang lumutang ang pagiging ‘Tiyo paeng’ ng isang local official matapos maglandi sa mismong harapan ng mga kawani ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso, kabuntot ang mga security nito.
Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano nag-feeling babae ang isang kampon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos bumisita sa opisina ng mga senador na animo’y merong matris na naglalakad sa hallway ang mokong.
Nagtungo sa Upper House si Governor upang i-lobby ang mga mahahalagang proyektong nakalinya sa kanyang lalawigan, maging ang mga nahingi sa mga senador at iba pang economic measures na ipinanukala nito.
Ang nakakatawa lamang, hindi maitago ni Governor ang itinatagong kasarian, partikular ang pagiging ‘dual citizen’, as in half-Filipino at half-Filipina dahil naglakad nang pakendeng-kendeng sa hallway ng Upper House.
Maliban sa paglalakad ng pakendeng-kendeng, umasta pang bebot si Governor habang kaakbay at hawak-hawak ang kamay ng isang magandang lady solon, animo’y kauri ang mambabatas.
Nakasabay ni Governor sa elevator ang lady solon at pagkababa sa 2nd floor, feeling-girl ang local official na naglalakad habang hawak ang isang kamay ng mambabatas, sabay pakembot-kembot.
Hindi rin naitago ang pagpilantik ng isang kamay ni Governor habang naglalakad at mala-Mama Monchang ang mga katagang lumalabas sa bunganga, katulad sa lingguwaheng gamit ng mga baklitang tambay ng parlor.
Kulang na lamang kausapin ng lengguwaheng bading ni Governor ang lady solon habang naglalakad papasok ng session hall, katulad ng salitang ‘churva’ at ‘chenis’ kung kaya’t hindi maiwasang matawa ng mga naglipanang kurimaw na nakatambay sa hallway.
Ang ikinakasuka ng mga kurimaw, walang karapatang maging miyembro ng Ladlad Party-list si Governor dahil mala-dragon ang face, as in mukhang killer at mas sanggano pang tingnan kumpara sa mga inarkilang bodyguard.
Clue: Isa sa pinakamalapit at paborito ni Mrs. Arroyo si Governor. Kahit nagkasabit-sabit sa mga binibitawang deklarasyon sa media, hindi magawang isumpa ng Pangulo. Lalaking-lalaki ang pangalan ni Governor at patron ng mga manggagawa.(www.mgakurimaw.blogspot.com)
1 comment:
hula, hula.....
Post a Comment