Tuesday, May 12, 2009

may 12 2009 abante tonite

No assurance sa hijacking!
Rey Marfil


Hindi mabilang ang hijacking ng mga delivery truck at container sa Pilipinas, katulad ng nangyari sa Cavite, aba’y ayaw bayaran ng insurance company ang policy. Ang palusot, hindi covered ng insurance ang truck kahit naka-insured ito.

Nakakalungkot isipin, wala nang matinong insurance company at ngayong dumaranas ng global financial crisis, lalo pang pinahihirapan ng maliliit na negosyante ng mga gahamang finance companies, gamit ang insu-rance system upang kumita ng limpak-limpak, as in sila lamang ang yumayaman.

Sa reklamong natanggap ng Spy, inarkila ng International Heavy Trucks Corporation (IHTC) ang pag-aa-ring truck ng Kasarda Transport Corporation upang hakutin ang isang 40-foot container van na naglalaman ng ‘skimmed milk’ mula Manila International Contai-ner Port patungong Batangas at idi-deliver sa Ne­stle Philippines Inc.

Sa kasamaang-palad, hinarang ng mga holdaper sa Cavite ang truck at isinakay sa puting SUV ang driver habang inilipat sa ibang truck. Sa simpleng explanation, naglahong parang bula ang 40-foot container van.

Mag-sister company ang IHTC at Kasarda Transport kaya’t regular ang pag-arkila sa mga truck para sa kanilang negosyo -- ito’y nalalaman ng MAA General Assurance Philippines Inc., ang insurance company na pinagkatiwalaan ng Kasarda Transport upang pangalagaan at protektahan ang mga pag-aaring truck nito.

Kundi nagkakamali ang mga kurimaw, nagkakaha­laga ng P10 milyon bawat isa ang insurance, kasama ang kargamentong nawala at ta­nging P3.5 milyon ang hinihingi ng Kasarda Transport. Ang malungkot, ayaw nga-yong bayaran ng insurance firm ang premium at itinuro ang IHTC na may kargo sa nawawalang truck. Ito ang pinakamalaking problema ng insurance industry at hanggang ngayon, hindi marendahan ng Insurance Commission (IC).
***
Napag-usapan ang MAA General Assurance Philippines, ang palusot ng kumpanya, ito’y walang sagutin dahil IHTC ang may dala ng truck. Ang tanong ng mga kurimaw: Para saan at kanino napunta ang binayarang premium ng Kasarda Transport upang ma-insured ang mga pag-aaring truck, maliban kung inakalang ‘pamasko’ ng MAA Ge-neral Assurance Philippines ang libu-libong premium na ibinayad ng Kasarda Transport at planong baguhin ang pangalan ng kanilang kumpanya bilang ‘No Assurance Philippines’?

In fairness sa MAA Ge-neral Assurance Philippines, ito’y nag-alok ng P500 libong settlement sa Kasarda Transport subalit mala­king kuwestyun kung bakit tinawag pang ‘insurance firm’ ang ganitong negos-yo kung ibabalik din lang naman ang ipinambayad ng isang policy owner. Ibig sabihin, sana inilagay ng Kasarda Transport sa baul ang kanilang pera kung ‘treasurer’ ang trabaho ng insurance firm. Kalokohan kundi ginamit sa negosyo ng mga insurance company ang ipinambabayad ng mga policy owner.

Talagang ‘Onli in da Pilipins’, aba’y gustong palabasin ng MAA General Assu-rance Philippines, kapag ipina-drive ang pag-aaring kot-se at nabangga ito, wala silang sagutin dahil hindi ikaw ang nagmamaneho at ilang tauhan ng Insurance Commission (IC) ang nakisimpatiya sa palusot ng insurance company -- ito’y napaka-laking kalokohan. Mantakin n’yo, kung anong bilis mani-ngil ng mga insurance company sa premium, siyang-bilis umiwas at magtago sa res­ponsibilidad.

Kung ganito ang polisiya ng mga insurance companies, katulad ng MAA Ge-neral Assurance Philippines, ito’y dapat pinaiimbestigahan sa Upper House dahil bilyones ang insurance industry sa bansa, hindi iyong puro si Celso delos Angeles ang binabantayan ni Boy Padyak. (www.mgakurimaw.blogspot.com)