Saturday, May 2, 2009

may 2 2009 abante tonite issue

Solterong solon na-pressure sa ‘Mar-Korina wedding’
(Rey Marfil)

Hindi nainggit bagkus na-pressure ang isang solterong miyembro ng Kongreso matapos ianunsyo sa national television ang inaabangang “Mar-Korina wedding” ngayong taon bago sumapit ang 2010 national election.

Hindi maiwasang matawa ng TONITE Spy matapos aminin ng solterong solon ang nararamdamang pressure sa kanyang pamilya, maging sa karelasyong bebot ngayong inanunsiyo nina Sen. Manuel Araneta-Roxas II at ABS-CBN broadcaster Korina Sanchez ang pag-iisang dibdib.

May halong pagkainggit ang naramdaman ng solterong solon nang mabalitang magpapakasal sina Roxas at Sanchez ngayong taon lalo pa’t ka-batch ang senador sa hanay ng mga mambabatas na tumandang binata sa propesyon.

Ngayong in love ang solterong solon sa isang ba­tambatang pulitiko na dating staff ng kasamahang solon, hindi maitago ng mambabatas ang ma-pressure, maging ang nararamdamang konting inggit sa pagpapakasal ni Roxas kay Sanchez.

Sukdulan hanggang Tarlac naman ang kagalakan ng mga kurimaw sa session hall nang maulinigang naiinggit ang solterong solon sa “Mar-Korina wedding” matapos magbiro na ‘pahamak’ ang senador dahil mapapadali rin ang pagpapakasal nito.

Bagama’t biro ang alegasyong ‘pahamak’ si Roxas, nadiskubreng matagal nang kursunadang pakasalan ng solterong solon ang kanyang girlfriend at sinimulan nang ipakilala sa mga magulang, patunay ang pagbitbit sa bebot kapag meron family gatherings o pagtitipon.

Maraming babaing nasangkot sa solterong solon, kabilang ang dalawang personalidad at isang dating starlet na ngayo’y pulitiko subalit walang nauwi sa seryosong relasyon.

Higit sa lahat, maraming lumuha ng balde-balde sa solterong solon kung kaya’t hindi inaasahang magsi­seryoso sa relasyon, katulad ang paglalagay sa tahimik at mauuwi sa kasalan ang pakikipagrelasyon sa isang mestisahin at batam-batang pulitiko na dating staff ng kasamahang solon.

Clue: Hindi matatawaran ang kabaitan ng solterong solon, maging sa paglikha ng batas subalit naaakusahang ‘Mama’s boy’ dahil nang-iiwan ng tsiks kapag hindi natipuhan ng kanyang ina. Kung senador o kongresista, aba’y manood ng Showbiz News Ngayon (SNN) at baka maka-Binggo Ka! (www.mgakurimaw.blogspot.com)

3 comments:

mgakurimaw said...

hulaan nyo na.........

knowell good said...

BOSS, SI Noynoy yan ano?first, there was Bernadette, ewan ko lang kung sino na ang kasunod.
Ikaw naman ang may alam n'yan eh, kasi ikaw ang laging present sa session hall.

Paul said...

Kamusta na ba si Councilor Shalani ng Valenzuela? Naka-suot pa ba ng helmet?