Sa kagustuhang makapagpa-beauty sa publiko ngayong mainit ang sex video nina Dr. Hayden Kho at Katrina Halili, nauwi sa ‘pangat’ ang press release ng isang miyembro ng Kongreso, animo’y obsessed ang lady solon na mabasa ang kanyang pangalan sa sex scandal issue. Sa halip kaawaan, pinagtatawanan ni Mang Teban ang ‘pagmamaganda’ ng lady solon via press release, in aid for reelection bid, gamit ang sex video scandal kung saan paulit-ulit isinungalngal sa mga reporter ang statement nito.
Unang ibinaba sa media center ng media relation officer ng lady solon ang press statement subalit walang reporter ang pumansin, as in, dinedma ang pagpapa-beauty ng mambabatas.
Kinabukasan, inulit ng mga tauhan ng lady solon ang press statement at tanging petsa lamang ang binago subalit wala pa ring pumatol sa hanay ng mga reporter.
Makalipas ang 2-araw at patuloy ang pagka-bokya sa ginagawang pagmamagaling sa sex video scandal, mistulang nagkaroon ng ‘take 3’ sa press statement ng lady solon dahil muling inulit ang kalatas ng mambabatas.
Nauwi sa ‘pangat’, as in pangatlong init ang press statement ng lady solon kung kaya’t matinding kantiyaw ang inabot ng MRO sa hanay ng mga reporter dahil walang kadala-dala ang kanyang amo.
Pintahan n’yo na: Puro porma lamang ang lady solon dahil kapag isinabak sa debate, ito’y tatalunin ng mga tambay at walang inatupag kundi ribbon cutting at photo ops. Kung senadora o congresswoman, abangan sa 2010.(www.mgakurimaw.blogspot.com)
|
2 comments:
hula...hula... reelectionista... at mahilig maglaba, gamit ang detergent powder
http://jamby2010.blogspot.com/2009/05/who-is-mikey-ablan.html
Post a Comment