Dalawang bagay lang kung bakit humingi ng 1-week travel si Manny Villar Jr. -- ito’y ‘umiwas at umiwas’ sa eskandalo, dalawang araw bago simulan ang ethics probe ng Committee of the Whole. Kung walang kinalaman sa conflict of interest ng P1.2 bilyong right of way sa C-5 road ang Spain trip ni Villar, kasama ang asawang si Las Piñas Congw. Cynthia Villar, bakit ngayon lamang napag-isipang mamasyal sa Barcelona at Bilbao, simula Mayo 2 hanggang Mayo 10, maliban kung naubusan ng susunduin sa airport o kaya’y naghahanap ng OFWs na lumuwa ang ‘buwa’ sa Spain?
Ang nakakatawa, bulag sa Spain trip ng mag-asawang Villar ang kanilang spokesman -- si Gilbert Remulla kahit kinumpirma ni Senate Pre-sident Juan Ponce Enrile ang paghingi ng travel authority ng nakaraang Marso 25, ma-liban kung tinangkang itago ng Nacionalista Party (NP) kaya’t ‘personal business matters’ ang press release sa media? Sa pag-eskapo ni Villar, lumutang ang ‘secret meeting’ sa pagitan ni Mrs. Gloria Arroyo, alinman sa Egypt at Syria.
Take note: kasama ni Villar sa Spain trip ang ‘Zamora Brothers’ -- ang negosyanteng si Manny at Cong. Ronnie. At ‘dalawang bagay’ lang ang puwedeng mangyari sa ‘secret meeting’, hingin ni Villar ang bendisyon ni Mrs. Arroyo sa 2010 at rendahan ang administration senators sa Committee of the Whole.
***
Sa nangyaring Pacquiao-Hatton fight, walang ibang ‘big winner’ kundi si Gibo, as in Defense Sec. Gilbert Teodoro Jr., aba’y mas marami pang advertisement kum-para sa tumamang suntok ni Pacman kay Hitman, as in ‘gifted’ ang nakapag-isip sa 2nd round ng ‘presidential take off’ ni Gibo.
Mantakin n’yo, mula snatcher, holdaper hanggang kawatan sa Malacañang, nagpahinga at itinigil ang masamang gawain mapanood lamang ang laban ni Pacman. Ibig sabihin, humigit-kumulang 80 milyon ang nakapansin kay Gibo at siguradong maisasama sa next survey.
Napaka-simple ng mensahe ni Gibo sa Pacman-Hitman fight, ito’y seryoso sa 1st round nang ideklara ang pagtakbo sa 2010, malinaw sa one-minute television ads ang palabang pakikipagbuno kay Vice President Noli De Castro Jr., bilang standard bearer ng administrasyon. Kung public exposure ang misyon ni Gibo para maisama sa presidential survey, pinakamagandang timing ang ‘greetings’ kay Pacman sa television, ito’y magma-marka sa publiko.
Kaya’t dapat kabahan si De Castro dahil abot-grassroots ang koneksyon ni Gibo sa AFP -- isang criteria sa sinumang presidentiable na wala kay De Castro.
Pakatandaan ng publiko, posibleng mag-ala Tabako si Gibo, sino bang mag-aakalang mananalo si Fidel Ramos at patutumbahin si Mi-riam Santiago noong 1992? Take note: magkapareho ang background nina Tabako at Gibo na nagtrabaho sa Defense Department at wala rin ang pangalan sa simula ng presidential survey. ‘Ika nga ng mga kurimaw, masyado pang malayo ang 2010 at maraming himalang nagaganap sa mundo, katulad ngayon, sino bang mag-aakalang magkaka-bagyo sa summer.
Kapag nagkapilian ng standard bearer, hindi malayong masungkit ni Gibo lalo pa’t independent si De Castro, as in walang kapartido sa Lakas-CMD at Kabalikat ng Malayang Pi-lipino (Kampi).
Kung si Gibo ang ilalargang standard bearer ng Lakas at Kampi, asahang paaatrasin ng kanyang Uncle Danding (ex-Ambassador Eduardo Conjuangco) si Chiz Escudero bilang manok ng Nationalist People’s Coalition (NPC).
‘Ika nga ng mga Caviteño, ‘mas matimbang ang dugo keysa tubig’. Kahit ‘anak-anakan’ at paborito ni Boss Danding si Chiz, iba ang lukso ng dugo. Kaya’t hindi malayong mauwi sa “Teodoro-Escudero tandem”, kasama ang Lakas, Kampi at NPC. ‘Ika nga ng isang life insurance firm -- ‘Family First’. (www.mgakurimaw.blogspot.com)
1 comment:
any comment... your honor
Post a Comment