Monday, May 4, 2009

may 4 2009 abante tonite

Senador may kakambal na tabo!
(Rey Marfil)

Kung ahas ang kakambal nina Tuklaw at Galema o merong ‘Kambal sa Uma’, isang mahiwagang tabo ang ‘partner in crime’ ng isang miyembro ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso at namumukod tanging bagay na nakakaalam ng sikreto sa buhay nito.

Sa maniwala kayo o hindi, isang tabo ang kakambal ng senador taliwas sa nauuso ngayong triplet at quadruplet, pinakahuli ang babaeng nangangak ng quintuplet

Bagama’t hindi literal na kakambal ng senador ang mahiwagang tabo, nasaksihan ng TONITE kung gaano kamahal at kaimportante sa buhay ng mambabatas ang bagay na ito, patunay ang nakaugaliang pagbitbit kahit saang lupalop ng mundo magtungo ang solon, animo’y ‘Kambal sa Tabo’ ang mga ito.

Ang rason, hindi makadumi o komportableng pumasok ng comfrot room ang senador kundi kasama ang mahiwagang tabo na nagsisilbing kakambal kahit saang parte ng Pilipinas magtungo o bumiyahe ito.

Tanging ipagpasalamat ng senador, ito’y nasa Pilipinas at legal ang pagiging “Boy Tabo” dahil kung nagkataong nasa Australia ang solon, posibleng natanggal sa Senado, katulad ng isang Pinoy overseas worker na tiniktikan ng kanyang bossing at binantayan hanggang kubeta kaya’t nasibak sa paggamit ng tabo.

Hindi komportableng gumamit ng tissue ang senador at nakasanayan ang payak na sistema sa paghuhugas ng puwet, katulad ng nakaugalian sa kanilang bahay, simula pagkabata hanggang mapasok sa pulitika at makarating ng Upper House.

Dahil nakasanayan ang gumamit ng tabo, nagiging mainitin ang ulo ng senador kapag nakalimutang ilagay sa bagahe ang mahiwagang tabo at kaagad din ipinapautos sa mga staff ang magtungo ng palengke para bumili ng pamalit kung nakakaligtaan sa out of town trip ito.

Ang matinding revelation sa lahat, awtomatikong nakahalo sa mga kagamitan o damit ng senador ang mahiwang tabo tuwing mag-iimpake ito dahil madalas nahihirapang maghanap ng ipapalit ang mambabatas kapag nasa ibang bansa lalo pa’t hindi uso ang tabo sa abroad.

Kayang tisiin ng senador ang mawalan ng sigarilyo at hindi makapangtsiks subalit hindi ang magtungo ng kubeta na walang bitbit na tabo dahil takot itong magasgasan ng tissue ang kanyang puwet.

Clue: Hindi kuwestyon ang husay ng senador at maaksyon ang pagpasok sa Senado. Kung reeleksyunista o tatakbo sa pagka-Pangalawang Pangulo, ito’y meron letrang “T”, as in Boy Tabo. (www.mgakurimaw.blogspot.com)