Ngayong malinaw ang pagpipilian ng Kampi at Lakas, mas makakabuting tigilan na ng ‘bayaning isinusuka ng mga vendor’ ang ambisyong maupo sa Malacañang, ito’y hindi malayong matulad kay Prospero Pichay Jr., na nauwi sa pangarap ang ‘maitanim sa Senado’ dahil nalanta ang boto.
Bakit hindi makuntento si MMDA chairman Bayani Fernando na nakapasok ng palasyo at huwag nang puntiryahin pang maging occupant ng presidential residence. Mantakin n’yo, hindi pa nagsisimula ang selection process at May 28 pa iaanunsiyo ang merger ang Bagong Kampi at Lakas, as in BAKLA for short, awtomatikong burado sa listahan ng Palasyo.
Ang masakit, hindi man lamang ikinunsiderang presidentiable sa simula ng bakbakan, maliban kung taga-tiket lamang sa kanto ng EDSA ang turing ni Migz Zubiri kay Chairman?
Anyway, kung pagiging ‘junior’ ang batayan ng Lakas at Kampi sa pagpili ng standard bearer ngayong 2010, hindi pa huli ang lahat kay Fernando -- ito’y puwede pang humabol kina Vice President Manuel ‘Noli’ De Castro Jr., at Defense Sec. Gilberto ‘Gibo’ Teodoro Jr., aba’y puwedeng papalitan ang pangalan sa Marikina City Hall lalo pa’t misis ang nakaupong mayor -- si Maria Lourdes Fernando at napakadaling ipabago sa civil registry ito.
Ang magandang balita lamang kay BF, wala pang nanalong ‘junior’ sa presidential derby kaya’t puwedeng magkahimala kay Fernando.
Balikan ang nasusulat sa history book ni Gregorio Zaide, simula kay 1st Philippine President Emilio Aguinaldo hanggang kay Mrs. Arroyo, wala pang nanalong junior sa presidential race, hindi ba’t talunan sina ex-House Speaker Ramon Mitra Jr., (1992), ex-Ambassador Eduardo Cojuangco Jr., (1992), ex-House Speaker Jose De Venecia Jr., (1998), at Fernando Poe Jr. (2004).
Kaya’t mag-isip sina Senador Manuel Villar Jr., maging sina Noli at Gibo sa 2010!
***
Kung anong malas ng mga junior, siyang suwerte ng mga ‘senior’, katulad ni President Manuel Roxas, President Sergio Osmeña, President Manuel Quezon, President Ferdinand Marcos, at President Joseph “Erap” Estrada, sa presidential derby.
Malay natin, maulit ngayong 2010 lalo pa’t dalawang presidentiables ang may nakakabit na ‘senior’ sa given name -- sina Erap at Senator Ping Lacson.
Kaya’t mag-ingat sa desisyon sina Senador Manuel Roxas II (junior din ito), at Senate pro-tempore Jose ‘Jinggoy’ Estrada Jr., maging si Ilocos Cong. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., aba’y posibleng sapitin ang pagkatalo sa presidential race, katulad nina Mitra, De Venecia at Poe.
Balikan ang 1995 senatorial election, nasampolan ang batang Marcos, hindi ba’t natalong senador gayong namayagpag sa unang sultada ng bilangan ito? Kahit itanong n’yo pa sa kanyang tiyuhing si ex-President Fidel Ramos?
Hindi lang iyan, hindi rin naupong Presidente si ex-senator Sergio Osmeña Jr., ito’y ama ni ex-senator Sergio Osmeña III na nagsilbing campaign manager ng Genuine Opposition (GO) noong 2007 mid-term election. Katulad ni BF, may konting liwanag sa presidential bid ni Dick Gordon, maging si Mr. Noted, as in Francis Pangilinan.
Kaya’t tamang payo ang ibinigay ni ex-senador Ramon ‘Agimat’ Revilla Sr., sa kanyang anak, bakit nga naman magmamadali si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., bilang presidentiable, ito’y napakabata para sumalang sa presidential election, aba’y mahirap nga naman mapasubo at masingil sa mga kasalanan ni Mrs. Arroyo gayong puwede naman hintayin ang 2016 election?
Tandaan: Screen name lamang ni Senator Bong ang pagiging ‘junior’, as in Jose Marie ‘Jomar’ Bautista ang real name at nakatala sa birth certificate nito!(www.mgakurimaw.blogspot.com)
4 comments:
comment, comment...
off white nike
yeezy
nike air max
coach bags sale
golden goose sneakers
retro jordans
golden goose
supreme clothing
adidas yeezy
cheap mlb jerseys
replica bags from china free shipping this content e9u23l7n36 replica kipling bags replica bags korea fake hermes j6y09t5j60 replica bags nyc click over here now c7b47w6p33 replica louis vuitton replica bags from china g6g39k6j17
m4g86r1n42 n0n47r1t99 i3i02d2b47 f8l93u4p93 z9x85y6j57 m2s46q3e92
Post a Comment