Kung nakakasugat lamang ang mga katagang lumalabas sa bibig ng isang dating lady solon, malamang naka-confine pa hanggang ngayon sa hospital ang mistress ng maimpluwensyang pulitiko dahil gusto pang palitan bilang lehitimong asawa, katulad ng hangaring makapasok sa pulitika. Sa report na nakalap ng TONITE Spy, sukdulan hanggang Zambales ang pagka-bad trip ng ex-lady solon sa mistress ng maimpluwensyang pulitiko matapos paboran bilang official candidate sa mayorality race ngayong 2010 national election, patunay ang pagbitaw ng katagang ‘hindi ipinagbabawal sa gobyerno, kahit prostitute’ patungkol sa kabit ng mister nito.
Ang ikinakasama ng loob ng ex-lady solon, lumalabas pang ipinangangalandakan ng kanyang mistress ang ginawang kataksilan, as in proud sa pakikipagrelasyon sa maimpluwensyang pulitiko, animo’y pelikulang ‘Ako Legal Wife’ ng Regal Films dahil umaastang lehitimong misis ito.
Dati-rati’y nasa sideline lamang ang mistress ng maimpluwensyang pulitiko subalit ngayong mapapaso ang termino ng isang kapamilya bilang alkalde, ito’y naglalaway bilang kapalit at nakikipagbalyahan sa legal wife.
Nagsisilbing miron lamang sa tabi ng entablado at tagaayos ng mga gusot ang mistress ng maimpluwensyang pulitiko sa panahong namayagpag ang political career nito at ngayo’y gusto pang makipagkumpetensya sa legal wife, hindi lamang sa araw ng dalaw kundi hanggang sa political arena.
Unang ikinunsiderang mayorality candidate ang misis ng lehitimong anak ng maimpluwensyang pulitiko subalit pumalag ang kanyang mistress at ipinagpilitan ang sarili bilang kapalit ng graduating mayor.
Takot mawala sa poder ang mistress lalo pa’t isa lamang sa maraming babaing naasembolan ng maimpluwensyang pulitiko kung kaya’t gustong ‘manahin’ ang posisyong babakantehin ng isang kapamilya nito.
Clue: Hindi matatawaran ang ‘magic’ ng maimpluwensyang pulitiko, mapa-masa o bebot at nakarelasyon ang mistress sa panahong magkasama sa industriyang nagpasikat sa mga ito. Kung senadora o congresswoman ang ex-lady solon, ito’y nagretiro noong 2007 kahit naka-first term lamang sa Kongreso. (www.mgakurimaw.blogspot.com) |
2 comments:
hula..hula na
hay naku, walang ka-Herap Herap kung nahula-an na gustong palitan ni Inay si Anak sa Pinaglabanan country....
Post a Comment