Saturday, May 16, 2009

may 16 2009 abante tonite

Senador tumakas sa media, naligaw ng opisina!
(Rey Marfil)

Mistulang eksena sa ‘Wow Mali’ ang gina­wang pag-iwas sa interbyu ng isang miyembro ng Upper House matapos maligaw at lumagpas ng kuwarto para lamang matakasan ang mga mediamen na nakaabang.

Halos maglupasay sa katatawa ng mga kurimaw, sa pangunguna ng TONITE Spy matapos mauwi sa komedya ang tangkang ambush interview sa isang bigotilyong senador, animo’y nagpapatawa sa isang comedy show.

Bago nagkasabit-sa­bit ang bigotilyong senador, matamang nagbabantay sa labas ng session hall ang Senate reporters upang hingan ng komento ang mga mam­babatas na dumalo sa et­hics probe ng Committee of the Whole.
Isa ang bigotilyong senador sa kinursunadang kunan ng sound bite o interbyu ng Senate repor­ters kung kaya’t inabangan ang mambabatas sa dalawang entry at exit point, kabilang ang lagusan patungong Senate Lounge.

Eksklusibo sa mga senador ang VIP Lounge sa 2nd floor, katabi ang Se­nate Lounge na bukas sa lahat ng mga bisita at empleyado kung saan iisa lamang ang labasan ng da­lawang kainan patungong hallway, maliban kung aakyat ng 3rd floor hanggang 6th floor.

Bagama’t matinding pagbabantay ang ginawa ng Senate reporter, nagawa pa ring makaiwas ng bigotilyong senador sa ambush interview at mabilis na umakyat ng 5th floor kung saan nag-oopisina ito, kabuntot ang mga staff habang humahabol ang mga mediamen.

Sa sobrang pag-iwas ng bigotilyong senador at matakasan ang Senate reporters na naghahabol ng interbyu, ito’y naligaw pagsapit sa 5th floor, as in lumagpas sa kanyang kuwarto at nagulat na ibang opisina ng senador ang nasa harapan nito.

Kung hindi pa nagtanong ang bigotilyong senador sa mga staff kung nasaan ang kanyang kuwarto, hindi nalaman ng mga tauhan na nagkamali ang kanilang amo dahil inakala ng mga itong merong ibang pupuntahan sa 5th floor ang solon, as in dadalaw sa katabing kuwarto o kasamahang senador ito.


Clue: Hindi kuwestyon ang kabaitan ng bigotil­yong senador kaya’t nakakaa­sembol, mapamodel o kauri sa propesyon. Ito’y me­ron letrang “T” sa kabuuan ng pangalan at apelyido, as in “Tatlong Alas”.

(www.mgakurimaw.blogspot.com)