Noong nakaraang Abril 2, naudlot ang ‘big announcement’ ng Lakas, maging ang Senate reporters ay nasorpresa sa paglalahong parang bula ni Migz Zubiri gayong walang puknat ang text brigade. Ang ending: Isang nakakapanlumong ‘announcement’ ang ibinigay ni Speaker Boy Nograles, aba’y itinalagang spokesman ang talunang senatoriable ng Team Unity (TU) -- si Prospero Pichay gayong hindi nga magawang tumubo sa Senado at hindi maipaliwanag ang collusive bidding scheme, alinsunod sa World Bank (WB) report.
Sabagay, paano mananalo si Pichay kung hanggang ngayon hindi malaman ng mga taga-palengke kung tao o gulay ito. Kahit itanong n’yo pa kay Ninang Shiela Policarpio na nagdiriwang ng kaarawan ngayon!
Hindi natin babanggitin, isa sa Lakas stalwart ang nagkumpirmang ‘big announcement’ ni Zubiri ang pagpili kay Vice President Noli De Castro bilang standard bearer kaya’t malaking palaisipan ngayon kung sino ang humarang. Kundi nagkakamali ang Spy, isang nagpakilalang ‘opposition presidentiable’ ang nagmanipula, gamit ang mga kaporal sa loob ng Lakas dahil puntiryang mahamig ang suporta ng misis ni Jose Pidal at kampo ni Erap, as in bihasang ‘mamangka sa dalawang ilog’.
Ika nga ng mga naghahalo ng graba at nagtitinda ng hipon, aba’y ‘pera-pera lang iyan’ at hindi nakakapagtakang nabibili pati pagiging oposisyon. Anyway, isa lang ang malinaw ngayon, meron bagong abogado sa opisina ni De Castro -- si Mareng Dale Zapata, media division chief sa Office of the Vice President (OVP) kaya’t magbu-blowout si Mommy Josie!
***
Napag-uusapan si Uncle Noli, kahit saang coffee shops at forum, maingay ang pangalan ni DILG Secretary Ronnie Puno bilang promotor sa ‘Noli-Jinggoy tandem’. Maging si political affairs adviser Gabby Claudio, isa sa tatlong (3) itinalagang spokesman ng Lakas, aba’y itinuturong kasapakat sa “Noli-Jinggoy scenario”.
Hindi kailangang UP graduate para maintindihan ang senaryong ito, kalokohan kung nakalimutan ni Puno ang ambisyong matawag bilang ‘Executive Secretary’, lalo pa’t napako sa DILG? Hindi malayong ‘bumigay’ si Erap sa offer dahil suntok sa buwan kung makabalik sa puwesto, lalo pa’t merong kuwestyon sa legalidad ng pagtakbo. Sapantaha ng ilang GMA boys, maiko-convert ang boto ni Erap kay Jinggoy.
Kahit sinong ama, walang ibang iniisip kundi kabutihan ng anak. Sa kalagayan ni Erap, asahang magbabago ng tono si Manong Ernie Maceda at abangan ang ‘unification and reconciliation spin’ sa media. Tandaan: Magkaibigan sina Erap at Noli, patunay ang ‘pag-ampon’ nang tumakbong senador noong 2001. Iyon nga lang, ibang tropa (Wednesday group) ang sinamahan ni De Castro, kaya’t hindi makakalimutan ni Nene Pimentel kung bakit natalong Senate President laban kay Frank Drilon.
Sa huling pakikipag-usap ng Spy, isa lang ang tinuran ni De Castro “Bakit ako tatakbong Bise, eh Bise na ako ngayon’, maliban kung namali ng dinig at ‘busy’ ang ibig sabihin ni Uncle Noli?
At hindi rin itinago ni De Castro ang sama ng loob sa mga nagpapakalat ng senaryong ‘done deal’ ang muling pagtakbong Vice President, maging ang isyung binayaran para makipag-tandem kay Villar. Hindi natin babanggitin kung sino ang itinuturong mastermind ni De Castro subalit malinaw sa kanyang pananalita ang katagang ‘Ganyan talaga, wala naman kaibi-kaibigan sa pulitika. Kung kami nga ni Loren na kumare ko pa, kung anu-anong paninira ang inabot ko’.
Ni sa panaginip, ayokong isiping pinarurungitan ni Noli si Villar, maliban kung meron iba pang itinuturing na kaibigang presidentiable, lalo pa’t hindi naman miyembro ng Wednesday group sina Mar Roxas, Ping Lacson at Chiz Escudero?
Kung ganito ang deklarasyon ni Noli, abay’ huwag nang umasa ng himala ngayong Semana Santa si Villar, bagkus, paghandaan ang ethics probe sa double insertion at conflict of interest ng C-5 road project dahil naka-iskedyul ang hearing makaraan ang Linggo ng Pagkabuhay! (www.mgakurimaw.blogspot.com
2 comments:
sa tingin nyo papayag si Puno mawala sa puwesto?
canada goose jacket
lebron 17
lebron james shoes
kobe 9
jordan shoes
golden goose
yeezy supply
kobe basketball shoes
nike lebron 15
curry 8
Post a Comment