Sa halip makakuha ng simpatiya bilang preparasyon sa 2010 national election, napahamak ang isang presidentiable sa sariling palabas matapos gutumin ang mga bisita at muntikang na-dehydrate ang mga reporter na naimbitahan nito.
Katakut-takot na baterya at kantiyaw ang natikman ng mga tauhan ng isang presidentiable matapos mauwi sa telenovela ang bawat eksena, patunay ang matinding pagkadismaya ng mga bisita at mediamen na naimbitahang mag-cover.
Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano ginutom ng presidentiable ang mga bisita, sa pangunguna ng mga mediamen matapos ma-delay ng tatlong oras ang pananghalian at kamuntikan pang na-dehydrate ang mga nag-cover dahil laway ang ipinakain nito.
Nagsimula ang palabas, alas-otso ng umaga at nakaiskedyul magtalumpati ang presidentiable, ganap na alas-10:00, kasunod ang pananghalian, kasama ang lahat ng inimbitahang delegasyon subalit walang inihaing pagkain, maliban sa isang basong tubig.
Taliwas sa inaasahan ng mga mediamen, na-delay ang lahat ng palabas dahil saksakan ng haba ang talumpati ng mga guest speaker at mas lalo pang tumagal nang maisalang ang presidentiable kung saan halos isang oras nagsalita.
Ganap alas-12:00 ng tanghalin, hindi pa rin natatapos ang talumpati ng presidentiable kung saan napakadrama ng pag-akyat sa entablado at astang best actor nang magsalita sa harap ng mga inimbitahang delegado.
Ang malupit sa lahat, sumapit ang ala-una, hindi pa rin nakakain ng tanghalian ang mga naimbitahang delegado, maging mga mediamen at hindi napigilan ang pagkagutom kung kaya’t nagawang iwanan ang coverage dahil kumalam ang sikmura.
Hanggang sumapit ang alas-dos ng hapon, wala pa ring naihahain na tanghalian sa mga delegado at mediamen kung kaya’t nabusog sa laway ang mga nagpaiwang reporter dahil walang inatupag kundi lunukin ang naipong laway sa kanilang bibig para maibsan ang pagkagutom ng mga ito.
Clue: Hindi matatawaran ang husay ng nagkukunwaring presidentiable subalit palaging sumasabit dahil sa sobrang kadaldalan. Ito’y meron letrang ‘D’ as in Daldalero. (www.mgakurimaw.blogspot.com)
2 comments:
hulaan nyo na... dagdag clue... ala jose rizal ang drama..
Arekup!
Post a Comment