Hindi lamang gilagid bagkus abot hanggang ngala-ngala ang pagiging makapal ng isang mestisuhing miyembro ng Kongreso matapos balasubasin ng kanyang misis ang Baguio mansion at ariin ang pasilidad ng gobyerno.
Bagama’t makailang-beses nang nalagay sa ‘Hulaan Blues’ ang pagsasamantala at pang-aabuso ng mestisuhing solon sa resources ng gobyerno, hindi pa rin nagbabago ang mokong dahil mismong misis ngayon ang nagtitimon at bumababoy sa Baguio mansion.
Sa report na nakalap ng TONITE Spy, dalawang linggong pinagpasasaan ng mga kabarangay ng misis ng mestisuhing solon ang Baguio mansion, hindi pa kabilang ang mga naunang paggamit sa government facilities, ilang buwan ang nakakaraan.
Upang mapagtakpan ang pananamantala sa government facilities, kinakasangkapan ng mestisuhing solon ang mga tauhan, as in pangalan ng mga staff ang ginagamit para makapagpareserba sa Baguio mansion.
Taliwas sa inaakala ng caretaker, hindi tauhan ng mestisuhing solon ang gumagamit at nagpapasasa sa government facilities, maging sa resources kundi mga constituent ng kumag, alinsunod sa pakiusap ng kanyang misis.
Ang rason, tatakbo sa local election ang misis ng mestisuhing solon kaya’t matinding ‘panuhol’ sa mga botante ang ginagawa ng mag-asawa bilang preparasyon sa 2010 national election dahil mabigat ang makakalaban nito.
Maliban sa mga constituents, lahat ng barangay officials, simula barangay chairman hanggang utusan ng barangay tanod, ito’y pinatitira ng mestisuhing solon sa Baguio mansion, gamit ang pangalan ng mga staff.
Kapag sinuring mabuti ang listahan ng mga nagpa-reserve sa Baguio mansion, kapansin-pansin na isang tao lamang ang nakalista mula sa opisina ng mestisuhing solon gayong okupado ang buong lugar, as in hindi mahulugang karayom sa dami ng mga nagkalat sa naturang lugar.
Maging public school teachers na magsisilbing election officer sa araw ng botohan at bilangan sa darating na 2010 election, animo’y sinusuhulan ng mestisuhing solon dahil nag-excursion sa Baguio mansion at ipinagpasalamat lamang ng caretaker dahil hindi nagsama ng mga estudyante ang mga guro.
Clue: Dual personality ang mestisuhing solon dahil kung anu-anong nakasulat sa bibliya ang pinangangaral sa mga kasamahan gayong kasing-kahulugan ng salita ni Taning ang lumalabas sa bunganga kapag talikuran. (www.mgakurimaw.blogspot.com)
2 comments:
hulaan nyo... may libreng tiket patungong baguio.. padyak nga lang!
replica bags bangkok gucci replica q7w25b3i85 replica bags click here for more info j9u82p5i78 louis vuitton replica replica bags near me x4h46c3b51 Bonuses y8k39u4k81 gucci replica bags replica bags blog
Post a Comment