Sa hangaring maibangon ang bumabahong imahe at mapagtakpan ang eskandalong kinasasangkutan, isang ambisyosong miyembro ng Kongreso ang namakyaw ng ‘airtime’ sa iba’t ibang radio station, hindi lamang sa Metro Manila bagkus sa mga liblib na lugar sa Pilipinas. Hindi maiwasang panghinayangan ni Mang Teban ang salaping ibinubuhos ng ambisyosong solon dahil napakaraming naghihirap at matinding krisis ang tumama sa bansa subalit winawaldas lamang para matakpan ang kanyang pagkakasala sa taong bayan. Bagama’t hindi kuwestyon ang kakakayahang gumastos ng ambisyosong solon, hindi maiwasang pagduduhang nagmula sa mga proyektong nagkaroon ng kuwestyunableng pagpondo ang mga pinapakawalan nito, as in ibinabalik lamang ang salaping ninakaw sa publiko. Ang matinding revelation sa lahat, namakyaw ng airtime o oras sa radyo ang solon upang maisahimpapawid ang kanyang boses bilang depensa sa eskandalong kinasasangkutan, patunay ang pagpapakawala ng P5 milyon kada sampung (10) minuto sa iba’t ibang himpilan, hindi pa kabilang ang P50 libong buwanang payola sa bawat kakamping komentarista nito. Pintahan n’yo na: Napa-praning ang ambisyosong solon sa kalalabasan ng eskandalong kinakaharap nito. Ito’y napaka-segurista, as in namamangka sa dalawang ilog. Kung senador o kongresista, abangan sa 2010 election.(www.mgakurimaw.blogspot.com; reydspy@gmail.com)
|
1 comment:
puwedeng presidentiable...
Post a Comment