Katulad ng kasabihang ‘galit ang magnanakaw sa kapwa magnanakaw’, nasampolan ang dalawang daldalerong staff ng isang miyembro ng Kongreso matapos batuhin ng sariling amo nito.
Ang rason, ayaw patalo ang isang daldalerong solon sa dalawang tauhang maingay sa loob ng kanyang kuwarto habang kahuntahan ang ilang mediamen na humingi ng interbyu dito.
Nasaksihan ng TONITE Spy kung paano ma-bad trip ang daldalerong solon matapos makita at maulinigang mas maingay ang dalawang staff habang on going ang interbyu sa kanyang kuwarto.
Dalawang reporter, kinabibilangan ng isang lady radio broadcaster at isa pang lady reporter mula sa kilalang broadsheet newspaper ang humingi ng interbyu sa daldalerong solon.
Katulad ng inaasahan, nagpa-importante ang daldalerong solon at feeling-sikat, kaya’t walang ibang choice ang dalawang lady reporter kundi magtungo sa opisina ng mokong, alinsunod sa pakiusap ng media relation officer (MRO) nito.
Likas sa pag-uugali ng daldalerong solon ang pagiging maingay at walang preno ang bunganga, as in halos magka-landslide at abot-tuhod ang baha sa dami ng laway na pinakakawalan sa interbyu, kung kaya’t expected ng dalawang lady reporter na magkakaubusan ng tape.
Sa kasagsagan ng interbyu, dalawang staff ng daldalerong solon ang nang-agaw eksena at mas nangibabaw ang kanilang boses kesa sa kanilang amo, kung kaya’t nagalit ang kumag.
Habang kausap ang dalawang lady reporter, dumampot ng papel ang daldalerong solon at nilamukos, sabay bato sa dalawang maingay na staff para patahimikin ang mga ito kung saan labis na ikinagulat ng mga tauhan.
Hindi malaman ng dalawang maingay na tauhan ng daldalerong solon kung sino ang nambato ng papel at nagawa pang sipatin ang kapaligiran at natauhan lamang nang makitang nag-ala-Victoria Court sign ang kanilang amo, simbulo na dapat itikom ang kanilang bibig o manahimik ang mga ito.
Clue: Bagama’t hindi matatawaran ang husay ng daldalerong solon sa paglikha ng batas, ito’y madalas overacting sa floor at bastusin ang palayaw kung saan isa sa tinaguriang ‘Mulaway’, as in talsik nito’y lumalaway. (www.mgakurimaw.blogspot.com).
5 comments:
ang makakahula, may rewad na isang timbang laway...
Ayoko nang hulaan Pareng Rey.
HAHAHAHA!
pareng paul, bakit ayaw mong hulaan... kilala mo ba. hahahahaha. sino ba iyong 2 staff?
hindi ko alam...
Pare, ayusin ko itong blog mo, lagyan natin ng magandang template, connect natin sa facebook at twitter...
puntahan kita nek wik!
sige pare, ayusin mo nga. san ka
Post a Comment