Kung si General Leopoldo ‘Pol’ Bataoil ang nakaupong hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), hindi sasapitin ni Ted Failon ang ‘ikalawang trahedya’ sa kamay ng Quezon City Police. Nakakagalit ang harassment na natikman ng pamilya at kaanak ni Ted, malinaw sa video kung bakit mabaho at bagsak ang imahe ng PNP, ito’y kabaliktaran sa panahon ni Senador Ping Lacson. Sa madaling salita, kahit ilang ‘Santino’ ang humipo, ‘walang bukas’ na naghihintay sa publiko kung pini-personal ng QC Police ang bawat katagang lumalabas sa bibig ni Ted kapag nagpu-programa sa radyo, maliban kundi naiintindihan ang katagang “To Serve and Protect’ dahil English ang pagkakasulat?
Sa nangyari kay Ted, ngayon ang tamang panahon upang gumawa ng ‘himala’ si General Boyzie Rosales at ipakitang karapat-dapat maupong NCRPO chief. Ilang insiders ang nagkumpirmang ‘bad trip’, as in galit na galit ang pamunuan ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa inasal ng QC Police habang kritikal ang asawa ni Ted sa New Era Hospital at isa sa sinampolan si Col. Franklin Moises Mabanag, hepe ng QC Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) -- ito ang nangangasiwa sa imbestigasyon ng kaso. Take note: Pag-aari ng INC ang New Era Hospital, katabi lamang ng Tierra Pura Homes Subdivision. Kahit itanong niyo pa kina Jeff Ofracio at David Sagun ng Spy Barber Shop!
Sa kaalaman ng publiko, saradong Iglesia ni Cristo (INC) ang dating hepe ng Quezon City Police District (QCPD) -- si Gen. Magtanggol ‘Tangol’ Gatdula. Kung sa panahon ni Tangol nangyari ang trahedya sa pamilya ni Ted, hindi mauuwi sa karambola ang imbestigasyon. Napakalungkot na kabanata sa buhay ng isang broadcaster ang nangyari kay Ted at nakakalungkot ding kabanata sa ating kapulisan ang inasal ng Quezon City Police. Ang tanong ng mga kurimaw: Nasaan ang galing ni Gen. Boyzie Rosales para maupong NPCPO chief?
Kundi nagkakamali ang Spy, dumating si Rosales para mag-supervise, isang araw makaraan ang insidente. Sobra naman yatang trapik mula NCRPO headquarters sa Bicutan papuntang Quezon City. Kaya’t malaking palaisipan kung bakit nilimitahan sa grupo ng QC Police ang pagsibak gayong responsibilidad ng NCRPO chief ang lahat? Ni sa panaginip, ayaw isipin ng mga kurimaw na konektado sa trabaho ni Ted ang natikmang harassment, aba’y inilagay pa sa ‘watch list’ ng ‘Sir Raul ko’ si Ted gayong ‘watch’ lang ang ginawa ng tropa ni DOJ Sec. Raul Gonzalez sa pag-eskapo nina Jocjoc Bolante at Virgilio Garcillano. Anyway, miyembro ng PMA Class 78 si Rosales, nangangahulugang ‘mistah’ ang adopted member si Mrs. Arroyo.
Sa simpleng explanation, bantay sa National Capital Region (NCR) ang ‘role’ ng nakaupong NCRPO chief, subalit nasaan si Rosales habang nasa Basilan ang kanyang bossing at inaasikaso ang development sa ICRC kidnappings. Mabuti na lang, naglabas ng direktiba si Versoza na imbestigahan ng PNP Internal Affairs Service ang New Era incident. Ang tanong lamang: Makakabangon pa kaya ang QC Police, maging ang pamunuan ng PNP kung katulad ni Rosales ang in-charge officer? Kaya’t nakakapanghinayang ang katulad ni Bataoil.
***
Napag-uusapan ang buhay-brodkaster, gusto lang pasalamatan ng ‘Escalera Boys’ ang milyong sumubaybay sa pilot episode ng ‘Kartada Escalera’ sa pangunguna nina Dangerous Drugs Board (DDB) chief at ex-senator Tito Sotto III, Senator Ping Lacson at PNR administrator Mike Defensor. Kaya’t abangan tuwing Sabado, ganap na alas-11:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali ang ‘Kartada Escalera’ sa dzXL radio, RMN-Manila, kasama sina NPC director Marlon Purificacion (Journal), IBC-13 reporter Jeffrey Zaide at Inquirer reporter Gil Cabacungan bilang guest co-host. (www.mgakurimaw.blogspot.com)
2 comments:
ano masasabi nyo kay rosales....
curry 8
golden goose superstar
bape
jordan shoes
balenciaga sneakers
kd12
supreme
yeezy boost 350
moncler jackets
balenciaga
Post a Comment