Friday, April 17, 2009

april 17 2009 abante

Solon, nagtago sa ibang palda!

Kung anong eksperto sa pagni-negosyo, ganito rin kahusay magtago sa ibang palda ang isang miyembro ng Kongreso, patunay ang pag-iwas sa mga eskandalong kinasasangkutan at ginagawang ‘pansalag’ ang mga galamay.


Hindi maiwasang masuka ni Mang Teban tuwing mapag-uusapan ang pangalan ng isang ambisyosong solon dahil walang inatupag kundi magtago ng magtago, as in sobrang duwag para sagutin ang mga ipinupukol dito, animo’y idolo ang ‘juke box king’ sa Pilipinas.


Maging kasamahang mambabatas, pinagtatawanan ang diskarte ng ambis- yosong solon dahil napaka-segurista sa bawat isyu at ngayong naeskandalo, iisa pa rin ang formula para mapagtakpan ang mga kabulastugan nito.


Tanging nakakatawa lamang, nagpapagamit ang mga kaporal ng solon para pagtakpan ang isyu kahit napakaraming mahihirap ang pinahirapan ng kanilang kasamahan at kaibigan.


Pintahan n’yo na: Dati-rati’y hinangaan ang pagyaman ng solon subalit ngayo’y namimi- ligrong maglaho lalo pa’t mga dating kauri ang pinagkakitaan nito. Kung senador o kongresista, abangan sa 2010 polls.

1 comment:

mgakurimaw said...

mahirap magkunyaring maka-mahirap kung maraming mahihirap ang pinahirapan at kinasangkapan para yumaman............