Monday, April 13, 2009

april 13 2009 abante tonite


Solon nag-date ng staff sa NY
(Rey Marfil)

Katulad ng kasabihang ‘mahirap ituwid ang matandang sanga’, wala ng pag-asa pang magbago ang pagiging manyakis ng isang matandang miyembro ng Kongreso, patunay ang pagbitbit ng staff upang maka-date sa Amerika.

Sa report na nakalap ng Tonite Spy, hindi pa rin tumitigil sa kamanyakan ang matandang solon at kahit nanga­ngamoy-lupa ang balat, feeling-tinedyer ang kumag, animo’y nagmumurang kamyas kapag nakakakita ng tsinitang bebot.

Hindi kumukuha ng pangit na tauhan ang matandang solon at kadalasan, ito’y tsinita at mestisahin kung saan magkakahawig ang mukha, katulad din sa mga naunang staff na natikman ng kumag at na-asembolan.

Halos lahat ng mga magagandang staff sa opisina ng matandang solon, ito’y ‘nalawayan’ ng mambabatas, kabilang ang mga mestisahing legal staff. finance officer, inarkilang nurse at executive assistant.

Kamuntikang nakasuhan ng sexual harassment ang matandang solon subalit nahiya ang staff sa eskandalong lilikhain kapag sinampa­hang ng kaso ang amo kaya’t napilitang makipag-ayos at patuloy na nagtatrabaho sa opisina ng kumag kahit nangagalaiti sa galit ang buong angkan sa mambabatas.

Dahil sadyang manyakis ang matandang solon, hindi maitatago sa kanyang balat ang pagkahilig sa laman kung saan hindi magawang bitawan ang isa sa kinakalantaring staff na nagsisilbing labasan ng init kapag hindi umubra ang mga hirit sa ibang staff.

Makailang-beses nasangkot ang matandang solon sa pangma-manyak ng tauhan at hindi maiwasang nagtatampo o magse­los ng isa sa kinakalanta­ring staff dahil meron ibang pinapaboran ang mam­ba­batas at walang ibang choice ang kumag kundi suyuin at isama sa foreign trip ang bebot upang hindi ma-eskandalo ito, katulad sa kamuntikang sexual harassment na natikman.

Sa huling biyahe sa Amerika, isinama ng ma­tandang solon ang karelasyong staff sa New York at expected ng mga kurimaw ang pagpupulot-gata ng dalawa dahil nagsimulang pagselosan ng bebot ang napapabalitang minamanyak ng mambabatas sa kanilang opisina.

Sa ibang opisina ng matandang solon pumapasok ang karelasyong staff at sadyang hiniwalay ng mambabatas upang maiwasan ang iringan sa pagitan ng iba pang minamanyak at pinupuntiryang tauhan.

Clue: Hindi matatawaran ang husay sa batas ng matandang solon subalit numero unong balimbing at nagbebenta ng kapartido. Ito’y meron letrang “N” sa kabuuan ng palayaw, as in ‘Nakayari’ ng isang lady solon na ‘20% discount’ ang criteria sa pagpili ng karelasyon. (www.mgakurimaw.blogspot.com

2 comments:

mgakurimaw said...

ang makakahula, may libreng pasa load na P2.00. hehehe

Anonymous said...

ang gara talaga ng buhay ,ano?