Wednesday, April 1, 2009

april 1 2009 abante tonite

Ex-Cabinet umaming nangmanyak ng staff
(ReyMarfil)

Katulad ng mga aral sa Bibliya na hindi mananaig ang kasamaan sa kabutihan, napuwersang mag-I am sorry sa harap ng mga tauhan ang isang dating gabinete at ihiningi ng paumanhin ang pagiging manyakis sa nagagandahang staff.

Sa report na nakalap ng TONITE Spy, natakot ang dating gabinete sa magiging resbak ng pamilya ng isa sa babaeng staff na kanyang minanyak kaya’t napuwersang mag-sorry, kasabay ang pagbibitiw sa kapangyarihan, partikular sa isang sequestered firm.

Bago nag-resign si ex-Cabinet official, ito’y nasangkot sa isang sex scandal, as in kamuntikang nasampahan ng kasong sexual harassment matapos manyakin at paghihipuan ang magandang staff sa loob mismo ng ahensyang pinangangasiwaan nito.

Sa tindi ng trauma sa kamay ni ex-Cabinet official, kaagad naghain ng resignation ang magandang staff subalit pinigilan ng isa sa mga bossing ng kanilang opisina kaya’t nauwi lamang sa vacation leave at ngayo’y nakabalik sa trabaho ang bebot.

Nagmula sa maimpluwensyang pamilya ang magandang staff at de-kalibreng abogado de kampanilya ang karamihan sa mga kamag-anakan kaya’t natakot si ex-Cabinet official sa magiging resbak ng mga ito.

Dahil naeskandalo si ex-Cabinet official sa sequestered firm, ito’y iniwas ng Malacañang sa sexual harassment na kinasasangkutan at kaagad inilipat ng ibang opisina ang kumag, as in muling nabiyayaan ng reward bilang kabayaran sa kabayanihan noong Edsa Dos.

Kasabay ang pagre-resign sa sequestered firm at paglilipat-opisina, nagpatawag ng general assembly si ex-Cabinet official kung saan harapang inamin ang sexual harassment o eskandalong kinasasangkutan sa pagitan ng magandang staff.

Naging makabagbag-damdamin ang pamamaalam ni ex-Cabinet official sa mga staff subalit ikinagulat ng lahat ng mga dumalo sa general assembly nang deretsahang kumpirmahin ng kumag ang sexual harassment na usap-usapan sa kanilang opisina at laman ng text messages na kumalat.

Clue: Mala-REA rubbing alcohol ang polisiya ni ex-Cabinet official, as in walang patawad sa mikrobyo na kahit poste ng Meralco’y papatusin basta’t naka-palda ito. Kung sino si ex-Cabinet official, ipagtanong kay Senador Jinggoy Estrada kung sino ang umakyat sa entablado noong Edsa Dos, as in kasing-kahulugan ni ‘Mr. Palengke’ ang katawagan ng mga tauhan. (www.mgakurimaw.blogspot.com)

3 comments:

mgakurimaw said...

hulaan nyo nga... dagdag pang clue: 'kuya' si ex-cabinet ng isang ex-congressman. unang naging siyota ni ex-cabinet ang nakarelasyon ni ex-congressma na anak ng isang kilalang pulitiko....

yanmaneee said...

yeezy
hermes birkin
nike air vapormax
goyard bags
adidas nmd
nike shoes
nike air max 97
kd 12
adidas tubular
golden goose sneakers

suwhoez said...

cliquez Dolabuy Chrome-Hearts cet article répliques de sacs de haute qualité lire cet article Chloe Dolabuy