Wednesday, April 13, 2011

Tama ba ang survey?
REY MARFIL


Maraming hakbang na ginawa si Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino III upang agarang magkaroon ng trabaho ang ating overseas Filipino workers (OFWs) na naipit ng mga kaguluhan sa ibang bansa -- isang good news ang hatid ng Atlantic Gulf & Pacific Co. of Manila (AG&P) na nagsimulang kunin ang serbisyo ng engineers, welders, at mechanics – ito’y personal na kinausap para tulungan ang OFWs na nawalan ng trabaho.

Nakuha ng AG&P ang kontrata sa Bechtel (BEK tl) para sa konstruksyon ng liquefied natural gas facility sa Australia kung saan magtatrabaho ang OFWs. Ibig sabihin: Lalong tumitingkad ang mabuting hangarin ng pamahalaan na matulungan ang interes at kagalingan ng mga OFW’s at isang matinding patunay na pinapangalagaan ni PNoy ang mga Filipino.

Sa kaalaman ng publiko, isang American company ang Bechtel na may kinalaman ang operasyon sa engineering, konstruksyon at meron dose-dosenang mga proyekto sa iba’t ibang lokasyon sa mundo, mula Alaska hanggang Australia -- itoy naglagak ng $10 bilyong proyekto at nakakuha ang Bechtel ng paunang $130 milyong puhunan at aabot sa 4,000 Pinoy ang kakailanganin dito.

At sa hangaring pagkalooban ng maayos na serbisyong pangkalusugan ang mga mahihirap nating mga kabayayan sa buong bansa, kinuha ni PNoy ang serbisyo ng 10,000 bagong registered nurses -- ito’y isang pagtiyak sa “commitment” ng pamahalaan na itaas ang kalidad ng serbisyong pang-kalusugan sa mga mahihirap na komunidad, katulad ng medical consultations at routine check-ups.

Upang matiyak ang tagumpay ng programa, ipinasisi-guro ni PNoy na dapat ikalat ang 10,000 bagong registered nurses sa mga lugar kung saan mataas ang antas ng kahirapan. Maliban sa inaasahang pagkabawas ng malaking bilang ng nurses na walang trabaho, malaki ang maitutulong ng suweldo sa kanilang mga pamilya.

Maging ang problema sa negatibong epekto sa walang humpay na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo na isang pandaigdigang krisis ngayon -- ito’y ginawan ng paraan ni PNoy kahit walang kontrol ang pamahalaan dito, sa pamamagitan ng pagpapalawak sa sakop ng fuel subsidy.

Naunang inaprubahan ni PNoy ang P500 milyong fuel subsidy para sa mga pampublikong jeep at tricycles sa ha-ngaring mabawasan ang epekto ng serye ng pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo na nakakabawas sa kita ng mga tsuper. Ang pinaka-latest, posibleng maisama ang iba pang mga apektadong sektor, tulad ng mga magsasaka at mangingisda na gumagamit ng mga produktong petrolyo sa kanilang hanapbuhay.

***

Napag-usapan ang oil price hike, isang Pinoy workers mula sa bansang mayaman sa langis (Saudi Arabia) ang nag-email sa inyong lingkod at hindi kumbinsido sa sistema ng survey ginagawa ng Social Weather Station (SWS). Ang tanong ni Boy Colbi -- Tama ba ang paraan ng survey lalo pa’t pinagsama ang performance at kapalpakan ng administrasyon?

Mr. Spy,

Good morning sir. Sa palagay n’yo po ba ay tama ang paraan ng pag-survey ng Social Weather Station (SWS) na pagsamahin ang Performance at ang Kapalpakan, (kung masasabi nga na kapalpakan ang pagbili ng kotse ni PNoy)? Sa palagay ko po dapat hiwalay ito. Ano naman ang kinalaman ng pagbili niya ng kotse na gamit naman niya ang sariling pera. Nakabawas ba ‘yon sa performance niya?

At may nagutom bang Pilipino dahil doon?

Sa palagay ko lang mag-survey sila ng hiwalay tungkol sa Performance at mag-survey din sila tungkol sa Kapalpakan. Kung sa labada hiwalay ang puti sa mga may kulay. Ano sa palagay mo kabayan?
Regards,

Boy Colbi (ceferino.batalla@petrocon-arabia.com

Petrocon - Al Khobar

Kayo ang humusga at tumimbang sa obserbasyon ni Boy Colbi, nawa’y bukas ang SWS management dito. Laging tandaan: Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blospot.com)

No comments: