Friday, April 15, 2011

Walang nakikita!
REY MARFIL

Sa 10th Student Catholic Action of the Philippines (SCAP) National Leadership Conference ginanap sa St. Paul University, Malate Maynila, pinabaklas ni Pangulong Benigno ‘PNoy’ Aquino ang teleprompter at hindi binasa ang inihandang speech -- isang patunay na hindi marunong mambola at mula sa puso ang mga katagang binibitawan sa harap ng madla.

Ang biro ni PNoy, dalawang bagay lang kung bakit walang teleprompter sa Fleur de Lis Auditorium ng St. Paul University noong nakaraang April 11, araw ng Lunes: Una, hindi type ang ginawang talumpati at ikalawa, hindi pa ikinakasal ang kanyang magulang na meron Presidenteng humarap sa mga taga-SCAP kung kaya’t nais nitong gawing madamdamin at malaman ang bawat kataga.

Patok sa mga kabataang estudyante mula sa iba’t ibang catholic schools ang speech ni PNoy at tawanan ang audience nang magbiro ang Pangulo na, “tumanda na ito dahil Student Catholic Action” ang orihinal na pangalan ng SCAP at nadagdagan ng Plan. Maging sina Bishop Rolando Tirona (SCAP national chaplain), Higher Education Secretary Patti Licuanan, Bishop Tony Ledesma at Ms. Sonia Rocco, pa­nay ang palakpak, sampu ng madre at kaparian.

Simple arithmetic ang mensahe ni PNoy sa mga kabataang estudyante, kung nais makatulong sa pamahalaan, kailangan tahakin ang daang matuwid, ito’y idinaan ng Pangulo sa isang kuwento kung paano ang takbo ng kanilang pagpapalitan ng text messages ni Father Jett Villarin ng Society of Jesus - nangyari sa provincial trip, partikular sa Caga­yan. At siyempre, tawanan ang audience ng “pasimplehan” ni PNoy na mas matanda si Father Jett, as in ahead sa Ateneo.

Ang text ni Father Villarin, “kung may oras ka, dumaan ka muna dito sa Xavier University.” Ang sagot ni PNoy, “Father Jett, pasensya ka na lima ang lakad ko, ‘tong araw na ito. Napaka-limited ng oras.” Ang tugon ni Father Jett “Naunawaan kita. Talagang mahirap ‘yang buhay mong napasukan na ‘yan. Siguro ito na ang purgatoryo mo dahil didiretso ka na sa langit” -- ito ang gustong mangyari ni PNoy, ang masalba sa purgatoryong ipinamana ng nakaraang administrasyon.

***

Napag-usapan ang purgatory, unti-unting naiahon ni PNoy ang sambayanang Pilipino sa kumukulong kumunoy, isang patunay ang carnapping sa buong bansa. Hindi ba’t naibaba sa 200 kaso nakaraang 1st quarter, ito’y malayo sa 489 kasong naitala nakaraang taon sa kaparehong yugto, malinaw ang pagbaba ng 255 kaso, katumbas ang 47.8%?

Bagama’t hindi sinasabi ni PNoy na natanggal ang carnapping, alinsunod sa kanilang pag-uusap ni DILG Secretary Jess Robredo, siguro naman hindi masamang i-appreciate o kilalanin ng publiko ang pagsusumikap ng gobyerno para maibangon at maisaayos ang bansa.

Sa motorcycles, bumababa ng 52.94% ang kaso ng carnapping. Kaya’t hindi masisi ni PNoy si Sec. Robredo kung mag­litanyang, “Ang hirap ho dito, marami tayong nagagawa pero ‘yung isang insidente lang, ‘yung pagka-kidnap doon sa anak ni Atty. Lozano, eh para bang sira na ang buong programa.”

Ang bakbakan sa pagitan ng Ombudsman, ito’y isa pang patunay kung gaano kaseryoso si PNoy upang maibalik ang magandang imahe ng militar. Ang kaso ni retired General Rodolfo Garcia ang isang buhay na halimbawang ibinigay ng Pangulo sa mga estudyante para ipaiintindi kung anong uri ng paglilinis ang ginagawa ng pamahalaan, dangan lamang meron nakaharang.

Ika nga ni PNoy, alinsunod sa kanilang pag-uusap ni DOJ Secretary Laila De Lima, “Ano pa bang ebidensya ang kailangan? Itong si General Garcia nag-alok ng higit P120 million pesos, isosoli raw sa gobyerno.” In-accuse kasi siya na over P300 million ang kanyang pina-plunder.

Dapat ba tayo magpasalamat doon sa Ombusman na nakabawi tayo ng over 120 million?

“Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.”(mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: