Dalawang mukha! | |
Dalawang overseas Filipino worker (OFW) sa iisang dayuhang bansa, dalawang mukha, magkaiba ng sitwasyon at magkaiba ng opinyon.
Para isang patas na pagbabalita, narito ang opinyon nina Allan Asuncion at Boy Colbi tungkol sa lomolobong bilang ng mga Pinoy workers sa ibang bansa.
Kayo ang humusga kung sino sa dalawang email sender ang nasa katwiran at higit nakakaunawa.
From: Allan T. Asuncion [:ASUNCIONAT@yanpet.sabic.com]
Sent: Wednesday, April 13, 2011 12:13 PM
Sagot sa email ni Boy Bolbi at sa’yo Pareng Rey.
Mas maganda kung pinagsama nga ‘yung survey tungkol sa palpak ni Pareng Noynoy at ‘yung car niyang Porsche. Dahil kung hindi pinaghiwalay ‘yung dalawa siguro bagsak na bagsak ang rating ng Pareng Noynoy at lalo na itong darating na araw babagsak ang rating niya dahil sa walang control sa pagtaas ng bilihin. Karamihan sa mga sinasabi publicity at pawang mga kasinungalingan.
‘Di ba nu’ng nakaraang election naligaw ng landas ang mga botante dala ng mga surveys na ‘yan?
Naloko sila akala nila gaganda ang buhay nila, ‘yun pala lalong maghihirap.
Isa pa Pareng Rey ‘di ba napakapangit na ang isang leader natin nag-e-expect siya sa ibang bansa para magkaroon ng trabaho itong mga kababayan natin. Ibig sabihin n’un walang trabaho sa atin at napaka-inconsistent ‘yung mga balita. Kaya ang tawag diyan, gutom sa ‘Pinas.
Para malaman mo rin na noon kukonti lang ang nagmumura, ngayon dumami na. Siguro mga 10 times na dala ng kahirapan, sobrang kahirapan ng ‘Pinas, lalong naghirap.
Sabi nga ni Mike Enriquez (dzBB commentator) nagkaloko-loko na. Thanks
Allan T. Asuncion
Secretary, Operations
Saudi Yanbu Petrochemical Company
A SABIC Affiliate
Yanbu Industrial City 41912 Saudi Arabia
+966 (4) 321 4234F
+966 (4) 321 4272E
ASUNCIONAT@yanpet.sabic.com
***
Narito naman ang opinyon at tugon ni Boy Colbi kay Allan Asuncion kaugnay sa performance ni PNoy, maging sa dumaraming bilang ng mga OFW’s -- ito’y ipinadala sa inyong lingkod nakaraang April 23 (Black Saturday). Katulad ni Mr. Asuncion, si Boy Colbi, nagta-trabaho sa Saudi Arabia.
Kaibigang Allan,
Magandang umaga po. Sa palagay mo ba kabayan si Pangulong Aquino ang nagpapataas ng mga bilihin? ‘Di mo ba alam na mula pa noong panahon ni Pangulong (Ferdinand) Marcos hanggang ngayon ay talagang pataas ng pataas talaga ang halaga ng mga bilihin?
Kung ikaw ang tatanungin, mas gusto mo ba ‘yong pamamahala ng dating Pangulong (Gloria) Arroyo na kinukunsinti ang corruption? ‘Di ba ang pamahalaan ngayon ni Pangulong Aquino ay ayaw konsintihin ang mga corrupt at hinahabol ngayon ang mga ninakaw noong mga nagdaang administrasyon?
Tungkol naman sa pagtatrabaho natin sa ibang bansa, ‘di ba matagal nang nangyayari ‘yon kapanahunan pa ng dating Pangulong Marcos? Bakit gusto mo yatang isisi kay Pangulong Aquino ang pangingibang-bansa ng mga Pilipino?
Tungkol naman sa paghihirap ng mga tao sa ating bansa, kasalanan ba ni Pangulong Aquino ‘yon? ‘Di mo ba alam na naging Pangulo si Noynoy Aquino talagang mahihirap na dati sila.
At kaya sila mahihirap kasi hindi nakapag-aral.
Hindi pinag-aral ng mga nagdaang namuno sa ating bayan.
Tuwing eleksyon lang pinangangakuan ng libreng edukasyon pero kapag nakapuwesto na limot na ang pangako. Kinurakot na ang pera ng bayan.
Para sa akin kabayan, hindi pa pwedeng isisi kay Pangulong Aquino ang paghihirap ng mga kababayan natin kasi wala pa nga siyang isang taon na nanunungkulan.
Hindi pa puwedeng ikumpara ang kanyang performance sa mga nakaraang administrasyon.
Hintayin natin na makatapos siya ng panunungkulan bago natin hatulan ng bitay kung hindi niya ayusin ang kanyang panunungkulan. Okey ka ba diyan?
Ang gumagalang,
Boy Colbi
Petrocon - Al Khobar
ceferino.batalla@petrocon-arabia.com
Kayo ang tumimbang kung sino ang nasa katwiran.
Take note: Simple arithmetic kung bakit dumarami ang naghahanap ng oportunidad sa labas ng bansa kahit malaking sakripisyo ang pagiging estranghero sa lupain ng mga dayuhan -- lugmok sa kahirapan ang Pilipinas at lubog sa katiwalian -- ito ang minana ni PNoy sa mga dating nanungkulan at hindi pa nakakaisang taon ang Pangulo sa MalacaƱang.
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo.” (mgakurimaw.blogspot.com)
2 comments:
Matagal-tagal na din ho akong OFW dito sa gitnang silangan at kada-dalawa o dikaya ay tatlong beses akong nauwi sa Pinas para magbakassyon. Bilang isang OFW dapat ay may OEC (Overseas Employment Certificate) ka at kailangan sa Airport (NAIA) pabalik sa bansang pinagtatrabohan. Ang tanong ko lang ho "ANO ITONG OEC"? na eto at GAANO eto "KAHALAGA"?? sa isang OFW, bakit kailangan pa eto?. May OWWA membership pa na binabayarin din kada 2 taon na halos P1,000.00piso, Kung tutuusing ho malaking halaga eto kung susumahin sa 10 milyon OFW sa buong mundo at di pa kasama ang bayad sa OEC fee na P100.00 piso kung di ako nagkakamali at abala lang sa OFW para kumhuha nito (OEC),bago makaalis sa NAIA kailangan may tatak pa ano eto, pang patagal lang at haba ng pila sa airport, ANO ang SILBI ng STAMP na iyon, paki-linaw nga ho kung sino man sa kinauukulan. Sana ho ay mabigyan ng pansin kahit kaunti ang isa sa mga hinaing ng mga OFW na sa halip ay maalwan ay lalong sa pahirap ang kalagayan ng isang OFW. Eto ho ay tunay na nangyari sa Qatar, ang OWWA (POLO)ho ay nag-i issue ng OEC pero napatigil ho ng may halos isang buwan na sa dahilan na naubos na daw ho yong form nila, Ang tanong ko bakit pinabayaan nila at nakatunganga ang mga tauhan nila? hind agad kumilos, ang pagkuha ng OEC sa OWWA sa bansang pinagtatrabuhan ay isang malaking tulong ng OWWA sa OFW. BAKIT.... kaya.. PAANO na ang OFW pagdating ng panahon sa halip ay umunlad ang buhay ay pahirap pa ang dinaranas sa sariling bayan. Mabuhay po ang MGA BAYANI NG MAKABAGONG PANAHON...na ayon sa kanila at sa jaryo ninyo mababasa.
off white jordan 1
kobe shoes
kevin durant shoes
curry 6
curry shoes
jordan 1 high
kenzo clothing
bathing ape
golden goose francy
golden goose
Post a Comment