Nakatipid ang PAGCOR! | |
REY MARFIL Feb 25, 2011 |
Hindi ‘nagsisinungaling ang ebidensiya’ para sa ‘daang matuwid at repormang’ ipinangako ni Pangulong Noynoy Aquino -- tumaas ang gross revenues ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), sa ilalim ng pagtitimon ni Chairman Bong Naguit Jr., -- ito’y nakapagtala ng 11.36% increase sa unang buwan at napakalayo sa nagdaang 9-taon, sa kaparehong yugto.
May kabuuang P2.759 bilyon ang gross revenue ng Pagcor ng nakaraang January, katumbas ang P2.477 milyong gross income kumpara noong January 2010 -- ito’y epekto ng magandang marketing at entertainment efforts sa iba’t ibang Casino Filipino branches.
Take note: umabot sa P1.948 bilyon ang gaming revenues ng state-gaming firm sa unang buwan, mas mataas ng P222 milyon kumpara sa P1.726 bilyong gaming income sa kaparehong yugto.
Hindi lang iyan, nagkaroon ng 8.30% increase sa ibang gaming services -- ito’y mas mataas ng P59 milyon kumpara noong January 2010 kaya’t naitala ng Pagcor ang 12.84% increase sa gaming income.
Sa buwan ng Enero, nakapag-remit ng P1.284 bilyon sa mandated beneficiaries ang ahensiya, ‘di hamak na mas malaki ng 13.73% (P155 milyon) kumpara sa P1.129 bilyon remittances noong January 2010 -- ito’y sa panahon ni ex-Pagcor Chairman Efraim Genuino.
Ang good news, umabot sa P182 milyon ang savings ng nakaraang Enero -- ito’y epekto sa ginawang pagtitipid ng opisina ni Chairman Bong sa marketing, supplies and materials, maging sa advertisement/PR o promotions, mas mababa ng 15.12% kumpara noong January 2010.
Kapag sinuri ang January 2011 at January 2010 figures, nagkakahalaga ng P97 milyon ang franchise tax ibinayad ng Pagcor sa Bureau of Internal Revenue (BIR) nakaraang buwan, mas mataas ng P11 milyon. Ang 50% shares ng national government -- ito’y pumalo sa P925 milyon at mas mataas ng P105 milyon habang P46 milyon ang remittances sa Philippine Sports Commission (PSC) at mataas ng P5 milyon.
Maging remittances ng PAGCOR sa social fund -- ito’y umakyat sa 29.89%. Sa kaparehong yugto, nakapagtala ng P150 milyon sa unang buwan ng taon, mas malaki kumpara sa P115 milyon noong January 2010. Ang social fund ang ginagamit ng Office of the President (OP) sa lahat ng priority projects.
***
Napag-usapan ang PAGCOR, magiging ‘exciting’ ang konstruksyon ng $1 billion resort at entertainment complex sa Parañaque City -- ito’y pangangasiwaan ng Bloombery Resorts and Hotel Inc., isang subsidiary ng Surestre Properties Inc. at D.M. Consunji Inc., ang contractor sa proyekto, nangangahulugang bilib sa kakayahan ng mga Pinoy ang negosyanteng si Ricky Razon.
Mismong si Senate President Juan Ponce Enrile ang sumaksi sa ceremonial rites at pinuri ang world class project, maging ang pagtitiwalang ibinigay ni Mr. Razon sa local partners, simula sa kontratista, nagkonsepto at nagdisenyo ng proyekto, malinaw aniyang malaki ang kumpiyansa sa kakayahan ng mga Pinoy.
Hindi lang turismo ang yayabong sa itatayong “Entertainment City” -- ito’y magbibigay ng maraming trabaho lalo pa’t 500-room ang kapasidad ng 5-star hotel na sasakop sa 8.3 hectares; magkakaroon din ng convention at ballroom venues; restaurants; at health and wellness facilities.
Take note: humigit-kumulang 5 libong trabaho ang lilikhain ng Entertainment City kapag binuksan sa 2012 kaya’t congratulations kay Mr. Razon. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment