Wednesday, February 9, 2011

Nakabawas gastos! ni REY MARFIL Feb 9, 2011

Nakabawas gastos! ni REY MARFIL Feb 9, 2011
Hindi lang nakapag-remit ng P29.25 bilyon ang govern­ment and controlled corporations (GOCCs) at umakyat sa 7.3% ang gross domestic product (GDP) mula 7.1% sa huling yugto ng taong 2010 bagkus naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang ‘record high’ sa gross international reserves (GIR) ng nakaraang buwan (Enero) -- ito’y kinita sa peso bond na inilabas ng gobyerno at bank’s investment sa abroad.

Sa data ng BSP -- pumalo sa $63.6 bilyon ngayong Enero ang GIR, ‘di hamak na mas mataas ng $1.2 bil­yon kung ikukumpara sa $62.4 bilyon bago magtapos ang taong 2010 o buwan ng Disyembre, malinaw ang katotohanang tiwala ang mga foreign investors at international community sa ‘matuwid na daan’ ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino na nagdiwang ng 51st birthday kahapon, as in ‘Happy Birthday, Mr. President’.

Sa kaalaman ng publiko, isang ‘indicator’ o sukatan ang GIR sa pagbabayad ng imports at utang -- dito nakasandal ang buong mundo kaya’t good news sa ekonomiya ng Pilipinas ang naitalang ‘record high’ ng BSP nga­yong Enero lalo pa’t natakpan ang pangangailangan o kita sa imports of goods at services payments sa loob ng 10 buwan, ewan lang kung nakikita ng mga kritiko ni PNoy ang numerong inilalabas ng Bangko Sentral?

***

Napag-usapan ang numero, nakatipid ng multi-mil­yong piso ang gobyerno sa pagkalusaw ng negotiated public works contract at pagkakaroon ng lehitimong public bidding sa Department of Public Works and Highways (DPWH) -- ito’y malinaw sa isinumiteng report ni Secretary Rogelio Singson.

Sa nagdaang panahon, isang malaking ‘gatasan’ ng mga contractor at kawatang opisyal sa DPWH ang bawat proyekto, maging donasyon o pautang ng World Bank (WB) -- ito’y sinolo ng iisang kumpanyang malapit sa Malacañang, as in ‘moro-moro’ ang public bidding na ipinapatawag at ngayon lamang nagkaroon ng tunay na pagsusubasta.

Mahigit kalahating bilyong piso ang natipid ng gobyerno sa paglusaw ni Sec. Singson sa negotiated public works contracts na ‘pinaglaruan’ sa mahabang panahon, aba’y nakapagtala ng P577 milyong savings ang DPWH -- ito’y nagmula sa 29 projects na ipina-bidding ng Central Office, simula July 2010.

Sa 29 projects na isinubasta, 25 projects ang naka­sentro sa rehabilitasyon ng mga kalsada, tulay, flood control, at iba pang imprastrakturang winasak ng bagyong Pepeng at Ondoy -- nagkakahalaga ng P1.084 bilyon ang approved budget for the contract (ABC) subalit naibaba sa P838.8 milyon, nangangahulugang nakatipid ng P245.3 milyon ang gobyerno.

Hindi lang iyan, kinansela ng DPWH ang 19-Short Term Infrastructure Rehabilitation Project kaya’t nakati­pid ng multi-milyong piso ang gobyerno -- ito’y negotia­ted contract na nagkakahalaga ng P934.1 milyon at ina­butan lamang ni Singson sa kanyang lamesa ang mga kontrata noong Hulyo.

Ang ‘Contract II package’ ng Plaridel Bypass Road, nakapagtipid ng P163.2 milyon; C-3 (Araneta Avenue)/Quezn City Avenue Interchange project nagkapagtala ng P104.5 milyong savings, maging Bridges Construction Project for Rural Development na nagkakahalaga ng P989.55 milyon, naisubasta sa P925.79 milyon -- ito’y nakatipid ng P64.76 milyon. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)

No comments: