Malupit si Nonito! | |
Malinaw ang mensaheng binitawan ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino sa 112th Alumni Homecoming ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City -- nawa’y magsilbing “pamana” sa susunod na henerasyon ang aral na itinuro sa sambayanan ng makasaysayang 1986 People Power Revolution -- nagsimula ang selebrasyon ng nakaraang February 17 at magtatapos ngayong February 27.
Simple at matipid ang paggunita sa 25th anniversary ng 1986 People Power Revolution na naging daan upang manumbalik ang demokrasya sa Pilipinas at nagpatalsik sa diktaturyang rehimen ni Pangulong Ferdinand Marcos. Ilan sa nakalinyang programa ang ecumenical mass sa makasaysayang Edsa Shrine, reenactment sa “salubong” -- ito’y may temang “Pilipino Ako, Ako Ang Lakas ng Pagbabago”.
“Noong Edsa, nagkaisa ang sambayanan. Ngayon po, ika-25 taon na ginugunita ang Edsa, may bago nang henerasyon.
Itong bagong henerasyon kailangan na po nating pagkalooban ng tama at ginintuang kinabukasan,” -- isang matalinhagang pakiusap ni PNoy sa kasundaluhan at liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng mga pagsubok at eskandalong iniimbestigahan ng Kongreso at kinasasangkutan ng ilang ‘ex-generals’.
***
Napag-usapan ang mga pagsubok at eskandalo, ipagpasalamat nina ex-General Carlos Garcia at ex-General Jacinto Ligot -- dalawang AFP comptroller na iniimbestigahan ng Upper House sa multi-bilyon pisong AFP fund ang pagkakapanalo ng dalawang Pinoy boxer sa Nevada, Las Vegas.
At least, isang linggong matatabunan ang usapin ng ‘pangungupit’ sa militar at naagaw ang mga headlines.
Sa walang katapusang kuwento ng ‘pabaon at pasalubong’ sa chief of staff (COS), sampu ng ‘conversion’ sa personal services (PS) fund ng militar, malaking papel ang ginampanan nina Nonito Donaire Jr., at Mark Jason Melligen -- dalawang Pinoy boxer ang nagtala ng bagong pangalan, aba’y malupit ang pagkakapanalo kontra Mexican -- ito’y labis na ikinatuwa ni PNoy kaya’t abangan ang courtesy call ng dalawang Pinoy boxer sa Malacañang.
Bago ang laban at panalo ni Donaire laban kay world boxing champion Fernando Montiel sa Mandalay Bay Resort Hotel and Casino Events Center sa Las Vegas, naitala ni Melligen ang panalo via ‘unanimous decision’ sa 10-round fight laban kay Mexican boxer Gabriel Martinez -- ito’y isa sa mga undercards ng WBC/WBO bantamweight title showdown.
Ang ‘pinaka-good news’ sa lahat, maliban kay Peoples Champ at Sarangani Cong. Manny ‘Pacman’ Pacquiao -- iginuhit ni Donaire ang pangalan ng isa pang Pinoy sa larangan ng boksing matapos agawin kay Montiel ang WBC/WBO bantamweight belt.
Take note: hindi birong kalaban si Montiel -- ito’y 3-time division world champion at ‘hindi just-just’, as in “hindi basta-basta’, ika nga ni Bulletin reporter Kuya Mario Casayuran.
Isang ‘solid left hook’ ni Donaire ang nagpabagsak kay Montiel sa oras na 2:25 sa Round 2. Sa lakas ng suntok, nangisay pa ang mga paa ng Mexican boxer (Montiel) nang bumagsak sa lona.
Bagama’t nagawa pang makabangon, mismong referee ang nagpatigil sa laban -- ito ngayon ang ‘pulutan’ sa mga kuwentuhan, mapakanto o office hours, hindi ang sangkaterbang bahay ng esmi ni Ligot at plea bargaining agreement na pinasok ng Ombudsman sa pagitan ni Garcia.
Sa kabuuan, pansamantala lamang ang ‘pagkalimot’ sa AFP scandal at maaaring isang linggong magpapahinga, as in hindi rin matatakasan nina Ligot at Garcia ang multi-milyon pisong AFP scandal dahil malinaw ang mensahe ni PNoy sa homecoming ng PMA Alumni -- “meron dapat managot at magbayad sa ginawang kasalanan”.
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment