Forecast! | |
Sa ‘forecast’ ni BSP Governor Amando Tetangco, magkakaroon ng ‘sequel’ ang 7%-8% growth rate ngayong 2011 -- ito’y inanunsiyo ng opisyal sa harap mismo ng mga miyembro ng Economic Journalists Association of the Philippines (EJAP). Hindi bolero si governor at ini-reappoint ni PNoy dahil subok ang husay nito.
Nakaraang taon, naitala ang 7.3% growth rate -- ang pinakamabilis at pinakamataas sa nagdaang 34-taon -- ito’y nangyari lamang sa ilalim ng liderato ni PNoy. Take note: tiwala ang BSP na ‘maglalaro’ sa 4.4% ang inflation rate, isang ‘good news’ lalo pa’t 3%-5% ang naunang prediksyon ng gobyerno.
Bilang patunay sa magandang ekonomiya, naitala ng Security Bank ang ‘record-high net profit’ noong 2010 -- ito’y kumita ng P7.2 bilyon, patunay ang 134% increase kumpara noong 2009.
Maging HSBC, tinaguriang British banking giant, nagbigay ng prediksyong hahataw ang piso kontra dolyar, as in babagsak ang dolyar at mauuwi sa P37.50 ang palitan sa merkado ngayong taon at posibleng P35.50 kada dolyar sa 2012.
Dahil gumaganda ang ekonomiya, asahang dadami ang bibili ng sasakyan, “NABABASA at “NASUSULAT” ang prediksyon ng BPI Family Bank -- isa sa pinakamalaking thrift bank na nagbigay ng prediksyong double-digit growth ang auto lending ngayong taon at tanging P700,000.00 ang minimum loan ng qualified applicants -- ito’y babayaran sa loob ng 36-buwan.
***
Napag-usapan ang bilis, ganito rin ang resulta sa remittances ng overseas Filipino workers (OFWs) -- naitala ang ‘all-time high record’ noong 2010 at nagsilbing ‘panabla’ sa recession na naranasan ng buong mundo -- ito’y naging susi sa recovery ng Pilipinas, aba’y hindi man lamang ininda ang malawakang sibakan sa trabaho.
Sa datos ng BSP, pumalo sa $18.76 bilyon ang remittances ng OFWs noong 2010 -- pinakamalaki sa kasaysayan ng Pilipinas, as in 8.2% ang itinaas kumpara noong 2009 kung saan nagkakahalaga lamang ng $17.07 bilyon ang remittances ng ating mga kababayan.
Nakaraang December 2010, umabot sa $1.69 bilyon ang remittances ng OFWs, tumaas ng 8.1% mula $1.57 bilyon noong December 2009 -- ito’y nagmula sa United States, Saudi Arabia, United Kingdom, United Arab Emirates, Singpore, Italy, Germany at Norway.
Sa ngayon, may kabuuang 4,581 remittances centers at iba pang accredited offices sa buong mundo, mas marami kumpara sa 3,730 registered centers noong 2009 -- isang rason kung bakit lumaki ang perang pumapasok sa Pilipinas.
Sa data ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), mahigit 10 milyon ang Pinoy workers sa iba’t ibang panig ng mundo at nakapagtala ng 46,238 jobs order ang foreign employees noong 2010, nangangahulugang mas bilib ang mga dayuhan sa kakayahan ng mga Pinoy na magtrabaho. Laging tandaan: “Bata n’yo ko at Ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment