Multi-milyon pisong ‘pabaon at pasalubong’ sa mga heneral ang headline kada araw -- ang malaking rebelasyon ni ex-Lt. Colonel George Rabusa na nagbigay-daan upang lalo pang palakasin ni Pangulong Noynoy ‘PNoy’ Aquino ang repormang ipinapatupad sa procurement at disbursement ng national defense funds.
Kaya’t makakaasa ang mga ordinaryong sundalo o nasa frontline na hindi na mauulit ang ganitong kalokohan.
Bago pa man ‘nag-sing-along’ si Rabusa sa Upper House, maraming repormang ipinatupad si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Butch Abad sa disbursement ng pondo.
Ang ‘savings’ ng Defense department ay nakalistang personnel services (PS) sa ilalim ng kategoryang ‘unfilled’ (vacated uniformed at non-uniformed positions) -- ito’y inire-release lamang sa filled position.
Sa nagdaang panahon, isang bagsakan lamang ang pag-release ng PS allotments kaya’t sa ibang bulsa naisuksok ang pondo. Ngayong taon, alinsunod sa 2011 Staffing Summary, may nakalistang 135,699 uniformed and non-uniformed positions sa Armed Forces of the Philippines (AFP) -- ito’y may kabuuang P68.850 bilyong PS allotment. At kapag nai-compare ang notes sa 2010 budget, may kabuuang P8.602 bilyon ang ‘nailigtas’ ni Abad sa ‘diversion’.
***
Napag-usapan ang pondo, lagpas sa puntiryang duties and taxes ang nakolekta ng Bureau of Custom (BOC) ng nakaraang buwan -- ito’y pumalo sa P20.224 bilyon, mas mataas ng P216 milyon kung pagbabatayan ang ‘revenue goal’ noong Enero -- ito ang second highest monthly cash collection sa kasaysayan ng BOC.
Sa preliminary data na inilabas ng BOC-Financial Revenue Division, nakapagtala ng 14.9% increase sa duties and taxes ang ahensiya. Ang pinaka-highest collection -- naitala noong July 2010 (P21.5 bilyon) habang 3rd highest collection noong December 2010 (P20.185 bilyon).
Kaya’t hindi imposible ang P320 bilyong revenue target ni BOC Commissioner Lito Alvarez -- ito’y mas mataas ng 14% kumpara sa P280 bilyon collection goal ng nakaraang taon.
***
Isa pang good news, ngayong February 27, pangungunahan ng Department of Tourism (DOT) ang pagsalubong sa ‘inaugural flight’ ng tinaguriang ‘Japan’s leading carrier’ -- ang All Nippon Airways (ANA) mula Narita, sakay ang senior officials ng Japan Association of Travel Agents (JATA), sa pangunguna ni JATA Chairman Akira Kanai.
Sa kaalaman ng publiko -- ang JATA ang isa sa biggest travel and tour operators kaya’t malaking tulong sa negosyo at turismo ang direct link nito.
Take note: Japan pa rin ang ‘3rd largest tourist market’ ng Pilipinas, malinaw ang 10.39% increase noong 2010 (358,744 visitors) -- ito’y ‘best-performing East Asian market’ kung pagbabatayan ang naitalang share of all visitors volume counts.
Sa ngayon, apat na airlines ang bumibiyahe ng Japan-Philippines -- ito’y meron 61 flights weekly: Philippine Airlines (32); Japan Airlines (14); Delta Air Lines (12) at Cebu Pacific (3), kabilang sa fly-out kada linggo ang Narita (34); Nagoya (12); Osaka (10) at Fukuoka (5). Ang Narita-Cebu services, merong 6 times-weekly flight -- ito’y 18,071 seat kaya’t good development ang pagpasok ng ANA sa Pilipinas.
***
Congratulations kay Ging Reyes, bagong ‘big boss’ ng ABS-CBN News and Current Affairs -- ito’y kinilala at pinarangalan ng Philippine Consulate General at Filipino-American community sa San Francisco ng nakaraang January 24 sa Social Hall ng Philippine Center Building.
Hindi matatawaran ang husay at galing ni Ms. Reyes at hindi nagkamali ang management sa desisyon.
Take note: saksi ang inyong lingkod sa US trip ni PNoy kung paano magtrabaho ito. Anyway, malulungkot si Kuya Dax Lucas (Inquirer), aba’y si Mam Nadia Trinidad-Lucas ang ipinalit bilang North American Bureau Chief dito.
Laging tandaan: “Bata n’yo ko at ako ang Spy n’yo”. (mgakurimaw.blogspot.com)
No comments:
Post a Comment